~Kabanata 14~
Ilang araw inihinto ang misyon dahil sa nangyari between me and that jerk. Joktan. Mahigit isang linggo na kaming hindi nag uusap. Maging si Eunice ay nakakahalata na, ngunit pag sapit ng tanghali ay kinausap na niya ako na parang walang nangyari.
Diko ineexpect iyon... Parang wala lang sakanya iyon ah.
Sabagay, it's just a fucking kiss and a damn mistake Rave! Come on! Don't think about it...
Tinapik niya ng mahina ang pisngi ko upang matauhan ako. "Are you listening? Kanina pa ako nag sasalita." balisa akong tumango. "but are you staring at me the whole time." he just smirked.
Argh! This is so frustrating! "Uh... S-Sorry... I was about to g-go but... Uhm... Ano-o..." wtf! Anong sasabihin ko?!
Nangunot ang noo niya, "Nanginginig ka." atsaka siya umalis sa harap ko.
Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag sa pag alis niya. Gosh! Don't think about that kiss okay? Kalma self, Ghost tayo.
Sa sumunod na araw ay sa wakas naging maayos na ulit ang tungo namin sa isa't isa, inumpisahan na rin ang misyon, na cracked na rin namin ang mga codes na ipinadala kay Daddy, may mga ipinautos si Inspector sa mga pulis na puntahan ang pinagyarihan ng aking pagkaka-aksidente, sa tulong nila ay unti unti ng nalulutas ang aking kaso...
Nasa pool side ako at nakaupo upang mag muni-muni ng may lumapit sa akin, napatingala ako sa taong iyon, si Joktan. "Belated happy birthday..." nang sabihin niya iyon ay hindi siya nakatingin sa akin, malayo ang kaniyang tingin at cold ang ekspresyon ng mukha.
Napangiti ako, hays kunwari pa 'to. "Ah... Thank you."
This time he's looking at me straightly. "Let's go..." nauna na siyang nag lakad.
Huh? "S-San... Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hinahabol siya sa paglalakad. Hindi man lang siya sumagot at deretsang sumakay lang ng kotse, sumunod nalang ako sakanya. Pagka-sakay ko ay nag tanong uli ako sakanya. "Saan tayo?"
"Tss..." iyan lang ang tugon niya saka na kami lumisan sa mala mansyon niyang bahay.
okay?
Wala naman akong pangamba na sumama upang lumabas dahil hindi naman ako makikita ng ibang tao.
Ilang minuto ay nakarating kami sa aming pupuntahan ngunit laking pagtataka ko ng nasa hospital kami kung saan naka confine ang katawan ko...
"Bakit-t..." tila walang lumabas na salita mula sa akin.
Naging maamo ang itsura ang mukha ni Joktan ng tignan niya ako. "Trust me." nauna siyang lumabas sa kotse. Napahinga ako saglit at sumunod na rin sakaniya, nakumbinsi ako sa trust me niya. Sa katunayan ay ayoko sana munang makita ang katawan ko na nakahimlay sa hospital dahil maluluha lang ako, at makikita ko roon si Dad na masikap na nag babantay sa akin.
Pag dating namin doon ay nakita kong kumpleto ang mga taong malalapit sa'kin. Bukod sa parents ko ay nandoon sina Shane, Josh, James, Anderson, sila ang mga naging kaybigan ko noon dahil sa pag kakarera... Even Gilby and Manong Ben ay meron rin, napatingin ako sa dingding may nakasulat na 'Belated Happy Birthday, Raiven!' at marami rin ang inihandang pagkain.
Tila nahinto naman sila sa kanilang ginagawa ng makitang pumasok si Joktan sa kwartong ito. Ako ay deadma lang sa paningin nila dahil hindi naman nila ako nakikita, ngunit natutuwa akong makita silang muli.
"H-Hi..." awkward na bati ni Joktan. Nag pigil ako ng tawa ng gawin niya 'yon, mukha kasi siyang ewan. Palihim niya akong sinamaan ng tingin.
Lumapit sakaniya si Dad, "Buti nakapunta ka Joktan, how 'bout Inspector? He's not coming?"
YOU ARE READING
When you were gone
Spiritual"I want u baby, but u is silent" "Bastusan?" -Raiven Date started: December 31, 2017 ENJOY READING 😘