~kabanata 10~Kinabukasan ay nag-imbestiga uli kami.
ang next naming pinuntahan ay iyong lagi kong pinupuntahan na bar which is kila Joktan. Gulat pa nga siya n'on noong nalaman niyang suki ako ng bar nila. Mabuti nalang ay multo ako ngayon kasi kung hindi baka marami ng nakakilala sa akin, makalipas ang ilang linggo hindi na nagpaparamdam o nagpapakita sa akin si Magnus, buti nga at hindi na kasi nakakakilabot siya tuwing nakikita ko. Napagdesisyunan nila na ang pupuntahan muna namin ngayon ay yong Bar at sa ibang araw nalang ang pag punta namin sa Oval. May importante pa kasing gagawin si Josh sa police station, ganon rin si Joktan may gagawin rin. Hays... edi sila na busy basta talaga pamilya Clien, team busy. mark that.
Pagdating namin sa Bar ay agad naalarma ang mga nagtatrabaho ng makita si Joktan.
"Uy, diba yan yung anak ng may ari?"
"Guys, mag trabaho kayo."
"Bakit ngayon lang sya dumalaw?"
"Grabe gwapo naman pala."
"Kilig much tayo neto besh."
Yan ang bulungan ng mga staff sa bar. Actually wala pa masyadong mga tao kasi hindi pa naman gabi, ang ginagawa lang ng iba ay naglilinis at naghahanda para maayos na pagdating ng gabi. Saka lang kasi nawawala ang mga tao dito pag lampas alas singko na ng umaga.
Ipinakita ni Josh ang ID niya bilang Inspector sa Guard na nagbabantay sa may entrance at nag-umpisa ng mag imbestiga. "Excuse me." Tawag ni Josh doon sa dalawang nagtatrabaho sa counter. Kilalang kilala ko 'tong dalawang 'to. "May kilala ba kayong, Raiven Buenaventura?" Tanong nito.
Agad namang tumugon ang isa. "Opo, regular customer na namin 'yon sa halos araw araw na pagpunta niya dito."
"May napapansin ba kayong kagalit niya? Hindi nya kasundo? O nagmamanman sakanya?" --Josh.
"Actually we're not sure po sir." Tinabig niya ang kaniyang katabi na hindi pa nagsasalita.
Nagsalita rin ang isang lalake. "Tingin ko po marami rin atang may galit sakaniya kasi iba na po ang asal niya tuwing nalalasing." Ouch. Share mo lang? Loko 'to ah. Nagawa pa akong siraan, which is totoo naman.
"May iba rin ba kayong napapansin na may masamang balak sakaniya? O Nagmamanman?" Usisa pa ni Josh.
"Tingin ko po baka meron" medyo hindi pa siguradong sagot ng isa. "Kasi po lagi kong napapansin, may lalaki na lagi lang siyang pinagmamasdan pero hindi siya nilalapitan, tuwing aalis na si ma'am Raiven aalis na rin yung lalake." Naging palaisipan sa akin ang sinabi niya, sino nga ba yun? Parang may napansin rin ako na may nag mamanman sa akin pero hindi kona pinansin baka may gusto sakin yun.
"Describe that guy." Utos ni Joktan.
"Matangkad na laging naka-cap po sir." Paliwanag ni Edward. Edward ang pangalan ng lalaking 'to, natatandaan ko pa dati nasukahan ko siya sa braso a few months ago. "Masyado nga pong weird kasi lagi lang siyang nakamasid kay Ma'am Raiven."
"Ni wala nga rin po siyang kasama, lagi lang po siyang mag-isa. Atsaka alam na rin po namin dito na comatose ngayon si Miss Raiven, simula rin po nang maconfine si Miss Raiven hindi na rin nagpapakita iyong lalake." Sabi ni Philip, the bartender.
"Thank you." Pagpapasalamat ni Josh. Nagpaalam na sila sa ibang mga staff at lumabas na kami.
Sumakay kami sa sasakyan ni Joktan, ang akala ko ay aalis na kami ngunit duon sila nag-usap ng tungkol kanina. "It's possible na yung lalaking tumawag kay Rave before the incident, at yung laging nakamasid sakaniya ay iisa."
YOU ARE READING
When you were gone
Spiritual"I want u baby, but u is silent" "Bastusan?" -Raiven Date started: December 31, 2017 ENJOY READING 😘