Kabanata 9

20 2 0
                                    

A/N: Guys paalala ko lang po, wag nyo akong pinagmamadali sa pag update ko kasi pumapangit yung story ko. Atsaka mas magandang basahin nyo nalang yung story ko kung tapos na, kasi magsasawa kayo kung lagi nyong hinihintay ang update ko. Totoo po yan, natry ko na ring mag hintay ng update hanggang sa nag sawa nalang ako sa story na yun. Kaya ayoko pong maging ganun rin kayo.

~kabanata 9~

Nang pauwi na kami ay iniligpit na namin ang gamit na kinalat sa picnic. Masyado nang gabi kaya napagpasyahan na rin naming umuwi.

"Rave... hop in." ani ni Joktan.

Hinila ni Lander ang braso ko at inakbayan. "No... She's with me." Mariin niyang sabi.

"Yeah... kay kuya Lander kami." Sang-ayon rin ni Eunice kay Lander.

Wala man lang sagot si Joktan at walang lingon lingon na sumakay sa sasakyan niya ni hindi na niya inalalayan si Mich na sumakay sa sasakyan.

Sumakay na lang rin kami sa kotse ni Lander. Atsaka pansin ko lang, parang di talaga takot si Lander kay Joktan kahit na mas matanda pa si Joktan sakaniya. "Fasten your seatbelt." Ako na sana ang magkakabit ng seatbelt ngunit siya na ang nagkabit, nagkadikit ang aming balat at amoy na amoy ko ang kanyang mabangong scent. He's hitting me.

Nakarating na kami sa bahay nila Joktan. Ibinaba lang kami ni Lander sa harapan dahil hindi na daw siya tutuloy sa bahay ni Joktan, "thanks for the ride." Nasabi ko na lang bago siya umalis. Ngumiti siya at tumango saka niya pinaharurot ang sasakyan.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay nagpaalam na kami sa isa't isa ni Eunice. Si Joktan ay nakasalubong ko sa hallway. Magkakatabi lang kasi ang mga kwarto namin. Pinag-gigitnaan ng kwarto nila Eunice at Joktan ang kwarto ko. Nakita ko sa peripheral view ko na huminto siya saglit sa harap ng pintuan niya at nakahawak ang kamay sa doorknob. Akmang pipihitin kona ang doorknob ngunit napahinto ako. "Raiven." Mariin niyang sabi.

Napabuntong hininga ako. "What? Don't yell at me, okay?" Bagot kong tanong.

Masama pa rin ang tingin niya sa akin. "Wake up early..." At pumasok na siya sa loob.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Alam ko naman yon kasi sasama ako sakanya bukas sa opisina niya para kumbinsihin siya hanggang sa pumayag.


Nagising ako sa aking napaka-gandang tulog ng maramdaman kong may tumatapik sa aking braso. Nakabusangot tuloy akong napamulat ng mata. "Wh---!" Napahinto ako sa pag sigaw ko ng makita ng malinaw ang mukha niya. "What are you doing here?" I said in a curiously expression.

"I already said it to you last night." Simple niyang sagot. Pumamulsa siya saka naupo uli sa sofa. Pansin ko ring bihis na bihis na siya. Ang aga naman ata neto?

Unti unti ring nag sink in sa utak ko ang sinabi niya kagabi bago ako pumasok sa kwarto. "Yeah, pero bakit ang aga mo?" Tanong ko.

Sumama ang tingin niya sa akin saka bumuntong hininga. "Let's start your mission..." mahina niyang sagot, pero sapat na iyon para marinig ko.

Dahil duon ay napatili ako at nagtatatalon sa tuwa saka siya niyakap ng mahigpit. "Thank you! Thank you! Thank you!"

Nararamdaman kong hindi siya komportable sa pagkakayakap ko. "Get off." Mariin niyang sabi.

"Oppss..." agad akong kumalas sa pagkakayakap niya, mahirap na baka mag bago isip niya.

Lumabas na siya upang mag almusal raw.

Babangon na sana ako ng maramdaman kong nagiging transparent ang katawan ko... "anong-g..."

Biglang sumulpot si Guider sa aking harapan. "pinipigilan niya ang kapang yarihan ko."

When you were goneWhere stories live. Discover now