Kabanata 11

19 1 0
                                    

~kabanata 11~

"SORRY!" Agad lumabas si Eunice sa kwarto na gulat ang reaksyon.

"AAWWW!" Napa tili ako nang bigla akong itinulak ni Joktan, bahagyang nauntog ang ulo ko sa head board ng kama niya.

"L-Leave." Mariin niyang sabi.

"Hindi mona kaylangan-n s-sabihin!" kumarimpas ako ng takbo paalis sa kaniyang kwarto. Waaaaaaa! Anong scene yung nangyari sa amin? Bed scene?-----No! No! No! Ang bad ng utak ko!

"R-Rave? Okay ka lang?" Pilit na ngiti ang ibinigay sa akin ni Eunice. Shet! Baka iba ang iniisip niya sa amin ng kapatid niya!

"A-Ah.... yung kanina p-pal-la wala-a yon, aksidente-e lang-g lahat, natabig---" Kandautal kong saad.

"Ah-h! Oo-o! Alam-m ko naman y-yun! Hehehehe-e..." pero tingin ko ay hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ko. "Atsaka-----oh look! Nagiging tao kana ulit!" Masaya niyang sambit.

Lumawak ang ngiti ko nang mapansin kong naging tao ako. Mukhang dina makontra ni Magnus ang powers ni Guider dahil nag uumpisa na ang misyon.

Naging maganda ulit ang mood ko ng dahil dito.

Ring ring ring ring ring ring~

"Oh wait." Iniwan niya ako sa may hallway upang sagutin ang tumatawag sakaniya.

Napanguso ako ng makitang wala nanaman akong kasama. Ang ginawa ko ay nagpunta akong likod at doon tumambay sa pool. "Kamusta kana?"

"Gosh!" Napatalon ako ng bigla nalang sumulpot si Guider sa aking tabi.

"Kamusta kana?" Pang-uulit niya sa sinabi niya kanina. Naalala ko bigla ang nangyari sa amin ni Joktan kanina. Pero hindi ko dapat sabihin kay Guider 'yon. "Psh, bakit hindi mo pwedeng sabihin?" Napataas ang kaniyang kaliwang kilay.

Ay oo nga pala nababasa niya ang nasa isip ko. "Kasi nga... a-ano... nakakahiya!" Napatili pa ako at napatakip ng mukha.

"Hindi ko pa ba nasabi sayo?"

"Huh? Ang alin?"

"Na hindi ka pwedeng umibig dahil kasalukuyan kang nasa misyon. Makakalimutan ka rin niya pag iyong napag tagumpayan ang misyon." Malungkot nitong saad.

Parang nabasag ang puso ko nang sambitin niya iyon. Mapait na lang akong napangiti----pero Teka! Teka! Teka! Okay lang naman ah? Wala naman akong nagugustuhan ha? "Sus! of course! Wala naman akong nagugustuhan sa mga nakakasalamuha ko ngayon. Psh! Basic!" Pagmamayabang ko, pero sa loob ko ay para akong nalungkot. Pero hindi! Okay lang yan! Bakit ako malulungkot? Distraction lang ang love life.

"Basta pinaalalahanan na kita."

Tumango ako. "Sure Guider." Napangisi ako at nag smirk. Tsk.

"Yung Ten Commandments alam mo na?"

Ay jusmiyo marimar! Diko na naalala 'yon! Kasi naman eh! "Hindi pa." Mukha akong batang iiling iling.

"Nako, may deadline pa naman."

"Weh? Kelan?" Nako! Ang matanda nagbigay na ng deadline!

Sumama ang paningin niya sa akin. Huh? "Sinong matanda?"

"Ah, eh.... diba dalawang beses kang nabuhay dito sa mundo?" Pagpapalusot ko. Totoo naman eh, naikwento niya dati sakin na noong una siyang pinanganak ay naging successful doctor siya, pinasilip niya nga sa akin noon yung pag diskubre niya ng mga iba't ibang gamot. "Pero Guider ano naman ang naging buhay mo noong pangalawang beses kang nabuhay?" Pang-iiba ko nang usapan. Reincarnation ang peg niya!

When you were goneWhere stories live. Discover now