Kabanata 4

13 3 0
                                    





~kabanata 4~



"Pst. Wake up." May tumatapik sa pisngi ko at hindi ko maipagkakailang ang ganda ng boses dahil ang husky... "Let's go" pabulong niyang sinabi.

Napamulat ako ng mata atsaka bumangon. Humikab pa ako sa harapan niya. "tara?" yaya ko. At tumango siya. "ang tagal mo." Bulyaw ko habang humihikab.

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy sa paglakad palabas ng office niya. "Nasaan si manang?" Tanong ko. Saan ba nagsusussuot si Guider?

"Sa parking lot na." Simpleng sagot niya. Ang akala ko ay kakaunti na lang ang nagtatrabaho ngayon dahil gabi na, pero nagkamali ako, mas rumami pa ata ang nagtatrabaho. Ganito na ba siya ka successful? Grabe sya... marami na siyang hinahawakang tauhan.

Nang nakarating na kami sa parking lot ay naabutan namin duon si Guider na naglilinis ng parking lot. What the... ano nanamang over pasikat ang ginagawa niya? Nakita kong biglang nanlaki ang mata ni Joktan at dali daling kinuha kay manang este Guider ang hawak niyang walis at dustpan para pigilan siyang maglinis. "M-manang wag na po kayong maglinis, gabi na po." Nag-aalalang sabi ni Joktan. Napahagikhik naman ako sa likuran niya. Pasikat talaga si Guider.

Napabuntong hininga si Guider. "Oh Siya, siya, tayo'y humayo na at umuwi." Ani ni Guider.

Sumakay na kaming tatlo at nilisan ang Clien building. "Bakit pala ang tagal mo?" Sabi ko makalipas ang ilang minuto. itinaas ko ang kilay ko sakaniya, kahit alam ko kung bakit siya natagalan. But, i want a fucking confirmation on him.

"Just a little bit important meeting." Then he cleared his throat. Nagkakapag-usap kami dahil kunwaring tulog si Guider. Ang alam kasi niya nakatulog na si Guider sa byahe. Galing um-acting, bigyan na ng jacket yan.

Napagtanto kong may taglay rin pala siyang bait dahil hindi niya ako iniwan sa opisina niya.

Grabe, little bit lang talaga 'yon? "Grabe... nakaka----"

Pinutol niya ang aking sasabihin. "Shut up, baka magising si manang, baka sabihan pa akong baliw." Aniya kaya tumahimik na lang ako. 'Kelan ba kasi sasabihin ni Guider na anghel siya? Nakakainis na, ano kaya yun? Magpapanggap kaming dalawa ni Joktan kay Guider na hindi ako nakikita ni Joktan? Pero ang totoo alam pala ni manang--- este, ni Guider?'


Maka-ilang saglit lang ay nakarating na kami sa mansion. Dumeretso na si Guider sa kwarto ng mga katulong upang makatulog na rin. At ako heto... sa guess room magi-stay.

"Kuya! Bakit ang tagal mo?" Napalingon kami sa may bar island kung saan ang pinanggalingan ng boses na iyon. Hanggang ngayon ay gising pa rin pala si Eunice.

Sumama ang tingin ni Joktan sa kapatid. "Why are you still awake? You have early class tomorrow."

"But kuya... I can't sleep." Napanguso pa si Eunice sa kaniyang kuya. Hihihihihi ang cute.

"You don't need to wait for me." sabi ni Joktan sa kapatid at nagtungo sa kapatid niya saka niya ginulo ang buhok na parang bata.

Kumunot ang noo ni Eunice. "I'm waiting for Raiven not you." Aniya.

Napatawa ako ng palihim dahil doon. Napaka-assumera kasi ni Joktan.

Nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Joktan at humiwalay sa kapatid. "Okay." At tumingin siya sa akin saka umalis.

Bumaling ako kay eunice at nilapitan na siya. "Bakit mo pala ako hinintay?" Tanong ko.

"Ammhh... ang totoo... nahihiwagaan pa rin ako sayo." Naguguluhan niyang sabi. "Sorry to say, pero... ano ba talaga ang pakay mo dito?" Ginamit niya ang tono ng pananalita niyang hindi nakaka-offend.

When you were goneWhere stories live. Discover now