Not Gio Corpuz, Please!

5.7K 159 15
                                    

On the Side of Angel

Not Gio Corpuz, Please!:

Angel:

"As I was saying, gaya ng napagkasunduan during PTA meeting last October, which all of your parents agreed together with the school administrators, itutuloy natin ngayon ang Exchange House Experiment, all of your parents agreed as well sa objective ng activities na ito. Lahat sila nagconfirmed na at nagsigned na sa waiver and sa letter of consent also...so if you have questions regarding on this, ask me now." Sabi ng teacher namin sa Christian Living Education na si Ms. Crisanta.

"Ma'am, question po." Sabi ng isa kong kaklase.

"Yes Ms. Alfonso?" Si Ma'am Crisanta.

"Gaano po katagal ang lipat bahay?" Tanong ng classmate ko.

"Two weeks in each house, so si partner A ay titira sa house ni partner B ng two weeks, si partner B naman ay ganun din, so practically magrarun siya ng one month." sagot ni Ma'am.

"Meaning Ma'am ako for example titira ng two weeks kina Claire, tapos after that since si Claire ang partner ko, Claire will live also sa house naman namin ng two weeks." Tanong naman ng isa kong kaklase na si Jelay.

"Exactly Ms. Angeles, thanks for confirming that. Sa loob ng two weeks all I want is your honest observations and learnings." Sagot ni Ma'am Crisanta.

"Ma'am, paano po namin malalaman kung sino ang partner namin? Kami po ba ang pipili o magdodraw tayo?" Tanong naman ng kaklase kong si Jayson.

"I will be the one who will assign kung sino ang magkakapartner Mr. Bueno. Pinag-isapan kong mabuti and I have my reasonings and purposes, justifications as well kung paano ko pinagpartner partner kayo." Sabi ni Ma'am Crisanta.

"Hala Ma'am, dapat kami na lang po ang pipili." Halos sabay sabay na kontra naming magkaklase sa Section Masigasig A.

"Listen class," Medyo malakas na sabi ni Ma'am Crisanta, "If I will let you choose kung sino ang gusto nyong makapartner malamang sa malamang ang pipiliin nyo ay ang bestfriend nyo, friend nyo, kaclose nyo. Tama ba ako? If that will be the case masisira ang objective and purpose of this activity. So no more, hala ma'am. May list of partners na ako dito and no one is allowed to change it. Even myself." Sabi ni Ma'am Crisanta.

"Kailan po namin malalaman kung sino ang kaexchange house namin ma'am? At kelan po magstart ang paglipat namin?" Tanong ng kaklase kong si Samantha.

"Now Ms. Samonte. And sa Thursday na kayo lilipat." Sabi ni Ma'am. "Okay class, one more thing, I want all of you to be honest. I expect all of you will participate...no one is allow to cheat...sa loob ng two weeks sa bahay ng kapartner nyo kayo titira, walang uuwi sa sariling bahay unless napakahalagang bagay ang rason nyo at kailangan nyo akong iinform regarding dito or else your reason will be invalidated. Ako ang mag-aaprove if you will be allowed na bumalik sa house nyo ng hindi pa tapos ang two weeks nyo, is that clear?" Tanong ni Ma'am na lahat naman ata kami ay nagreply ng "Yes Ma'am".

"Remember class this activity will be 60% of your grade sa third grading period so it will really affects your final grade." Sabi pa ni Ma'am. "Sasabihin ko na kung sino ang magkakapartners so listen class."

Umugong ang excitement sa buong classroom namin. Kanya kanyang wish na sana'y gusto namin ang makapartner namin.

Ako, tahimik lang pero syempre nagwiwish din ako na sana kung hindi man friend ko ang makapartner ko, sana 'yong mabait o kaya ay kaclose ko.

"Lord, huwag naman po sana si Gio. Pleasssssse." Taimtim kong dasal. Biglang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Angelo San Jose and Giordan Corpuz will be partners." Sabi ni Ma'am Crisanta.

On The Side of Angel (A Boys' Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon