Beautiful Angel!

1.1K 62 1
                                    

Beautiful Angel!

Gio:

"Benj, siya ang kuya Gio mo. Tapos si Ate Angel mo, ganda di ba?"

Nak ng, napakamot ako ng ulo ko bigla nang makita ko ang hitsura ni Benj nang ipakilala siya sa amin ni Angel. Anak ni kuya Jun si Benjamin o Benj, sasama siya papuntang Batangas.

Gusto kong kaltusan si Kuya Jun. Angel talaga? Hindi ba niya alam na dapat exclusive sa akin ang Angel? Gelo lang dapat. Maigi na lang may ate, safe.

"Hi, Angel! Tama si papa ang ganda mo." Si Benj.

Bat namumula ang mukha niya? Kinikilig ba siya? Anak ng....bakit Angel lang, walang Ate?

May gusto ba siya kay Angel ko?

"Naks, binata na anak ko, ah. Alam mo ba Angel na crush ka nito." Sabi ni kuya Jun. At proud tatay pa siya?

Kaltusan ko silang mag-tatay eh.

"Ay talaga kuya Jun? Totoo ba 'yon, Benj?" Tanong ni Angel.

At mukhang gustong gusto naman ni Angel na may crush sa kanya si Benj? Seloso din kaya ako.

Naku Benj, bata ka! Huwag ka lang magkakamali ng sagot, pepektusan talaga kita.

"Oo, crush kita. Ganda mo kasi. Sana maging crush mo din ako." Si Benj.

Muntik na kong masamid. Lakas ng amats ng batang 'to ah. Di man lang nagpakipot, umamin kaagad? Mukhang may karibal na ako kay Angel, ah? Asa pa siya! Tsssskkk...

"Hahaha, yan ang anak ko!" Si kuya Jun na mukhang ewan. Tanggalin ko na kaya siya sa trabaho?

"Naku, ang cute mo'ng bata ka. Okay lang naman na crush mo 'ko. Kaya lang bantay sarado na 'ko kay Kuya Gio mo eh. Bawal na daw ako magka-crush sa iba. Seloso din ata siya, eh" Tumingin sa akin si Gelo, kinindatan pa ako.

Naks naman, kinilig ako dun ah. Proud boyfriend tuloy ako. Ayun si Benj, kamot ulo na lang.

Gusto ko tuloy sanang halikan si Angel kaso mamaya na lang, hahanap ako ng tyempo.

Gelo:

Alas 'y tres na ng hapon ng kami'y makarating sa Batangas.

Isang malaking luma at sinaunang bahay ang bahay nina Nanay Paz. Pero malaki ito. Kugon ang bubungan, kapis ang bintana. Naghagdan kami papuntang sala. Maayos at mukhang nasisinop ng mabuti ang bahay nila. Kahoy ang sahig na makintab. Maluluwang ang mga bintana ganun din ang pintuan. Gawa sa narra ang mga upuan, lamesa at mga aparador. Napaka-aliwalas dito.

Madaming tao ngayon, busy silang lahat. May nagluluto, may nagkukwentuhan.

"Ganito talaga dito sa probinsya, kapag may pahandaan sa isang bahay halos buong barangay ay nagtutulong- tulong. Bayanihan kumbaga. Bisperas kasi ngayon ng kasal kaya madaming tao. Mamayang gabi ang pahapunan para sa bisperas, may pasayaw mamaya." Si Nanay Paz.

Ipinakilala niya kami sa mga kamag-anakan niya. Pati na rin kay Ate Belle, siya ang pamangkin ni Nanay Paz na ikakasal bukas.

"Kayo pala si Gelo at si Gio. Mabuti naman at sumama kayo kay Tiya. Feel at home ha, huwag kayong maiilang. Maiwan ko muna kayo. Papadalahan ko kayo ng meryenda, pamihadong napagod at gutom kayo sa byahe." Si Ate Belle.

Inihatid kami ni Nanay Paz sa magiging kuwarto namin ni Gio.

Maaliwalas din ang kuwarto, may dalawang malaking bintana. Iisa lamang ang kama pero syempre kere lang. May sariling CR.

"Magpahinga muna kayo. Kapag may kailangan kayo hanapin nyo lang ako sa kumpolan ng mga tao. Ipapasunod ko na ang meryenda nyo." Bilin ni Nanay Paz.

On The Side of Angel (A Boys' Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon