Confession!

2K 93 7
                                    

Confession!

Angel:

Natapos ang first subject namin pero wala si Eron. Absent ba siya? Nakakapagtaka naman na wala siyang pasabi na aabsent siya?

Kahit ang teacher namin ay nagtatanong kung asan siya? Ako din naman ay naninibago kay Eron, minsan lang siyang umabsent dati at nagsabi siya sa akin.

Hindi ko naman matanong si Sophia, at mukha wala din itong balak magsalita. Dahil kung meron dapat sinabi na niya kay sir Canlas, teacher namin sa first subject kung nasaan ito?

Ang sabi lang ni Sophia ay maaga siyang umalis sa bahay nina Eron dahil nagkita sila ng mga barkada niya. May pinuntahan daw sila. Kaya hindi niya alam kung bakit wala si Eron.

Vacant period kaya nagkaroon ako ng chance na etext si Eron. Sayang wala pa naman akong load for calls. Natawagan ko sana siya.

ASAN KA? REPZ KA PLS. IM WORRIED.

Mga five minutes siguro ng magring ang cp ko. Si Eron tumatawag.

Mabilis ko itong sinagot.

"Asan ka?" Tanong ko kaagad kay Eron. "Bakit absent ka?"

"Gelo...pls...I need you." mahina ang boses ni Eron. At mukha umiiyak ito dahil may kasunod na hikbi ang mga salita niya.

"Anong nangyari? Asan ka ba? Pupuntahan kita." Sabi ko. Kinakabahan na talaga ako kay Eron.

"Andito ako sa harap ng Lawson sa may kabilang kanto malapit sa gate two. Please Gelo, kailangan kita. Kailangan ko ng kausap." Hindi na naitago ni Eron ang pag-iyak niya dahil tuluyan na siyang umiyak sa kabilang linya.

"Okay...pupunta ako dyan." Mabilis kong sagot. Hinanap ko si Gio para magpaalam sana ako kaso lumabas nga pala sila nina Ali para pumunta sa comfort room.

Wala na sa sariling kinuha ko ang mga gamit ko at walang paalam na lumabas ng classroom namin. Mabibilis ang mga hakbang ko. Kailangang mapuntahan ko kaagad si Eron. Mukhang may mabigat siyang problema. At gaya ng sabi niya kailangan niya ako.

Nakita ko si Eron na nakasandal sa motor niya. Kahit malayo pa ako sa kanya ay kita ko na ang pamumugto ng kanyang mga mata.

"Eron," tawag ko sa kanya. "Anong nangyari?"

Mabilis na umakap si Eron sa akin paglapit ko sa kanya. Inakap ko rin siya para man lang mabawasan ang pag-iyak niya.

"Samahan mo ko Gelo....gusto kong lumayo." Sabi ni Eron.

"Ha?" Naguguluhan man ako pero walang salitang sumakay ako sa motor niya. Pinatakbo niya ito pagkatapos kong isuot ang extra helmet na dala niya.

"Eron...saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Eron, halos sumigaw na ako ang ingay kasi ng makina ng motor.

"Kailangan kita Gelo...please. Kung wala ka baka magpakamatay na lang ako." Sabi ni Eron. Lalo naman akong kinabahan. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Kailangan ko talaga siyang makausap.

Malayo na ang tinatakbo namin at papunta kaming south.

"Eron, naiihi ako. Pwede ba tayong dumaan muna kapag may nakita tayong gas station?" Sabi ko sa kanya. Ang totoo dahilan ko lang iyon para makausap ko siya. Gusto kong malaman kung saan kami pupunta?

Tamang tama na may madadaanan kaming Shell station. Inihinto ni Eron ang motor.

"Iihi lang ako, huwag kang aalis." Bilin ko kay Eron. Kailangang panindigan ko na naiihi ako.

Pumunta ako saglit sa loob ng comfort room. Nagpalipas ng ilang sandali lang bago ko binalikan si Eron.

"Eron, pwede ba tayong mag-usap? Daan muna tayo sa Jollibee. Nagugutom na rin kasi ako. Mukhang hindi ka pa rin nag-aalmusal." Sabi ko. Hula ko talaga sa looks ni Eron mukhang wala pa siyang kain.

On The Side of Angel (A Boys' Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon