First!
Angel:
Maaga akong gumising total Sabado naman ngayon at walang pasok. Kapag walang pasok ako naman ang nagsisilbi kina mama at papa dahil alam kong pagod sila sa isang linggong pagtatrabaho. May maliit na pwesto kami sa palengke na tindahan ng tela. Ito ang negosyo namin. Hindi man kalakihan pero nakakatulong para mabuhay kami ng maayos.
Kumuha ako ng mga itlog at beef tapa sa ref pagkatapos kong isalang ang takori sa kalan para mag-init ng tubig para sa kape.
Kumuha din ako ng bawang at sibuyas.
"Ano ang lulutuin mo?"
Nagulat ako nang magsalita si Gio. Halatang kagigising lang. Gulo gulo pa ang buhok nito.
"Bakit gising ka na? Maaga pa, matulog ka na muna ulit. Gigisingin na lang kita kapag kakain na." Sabi ko.
"Nagising ako nang maramdaman kong gising ka na. Okay lang, hindi na ako inaantok. Help na lang kita." Sabi ni Gio.
Since mukhang wala na siyang balak matulog ulit ay hinayaan ko na lang siyang tulungan ako. Siya ang pinaghiwa ko ng sibuyas at bawang. Hindi siya marunong magluto kaya tinuruan ko siyang magsangang ng kaning lamig.
Mukha naman siyang nag-enjoy sa ginagawa niya.
Pagka-alamusal ay pumunta na sina mama at papa sa pwesto namin sa palengke.
Kapag may pasok kasama nila si Agatha sa tindahan dahil wala naman kaming yaya. Si Liam naman ay pumapasok na rin at si papa ang tagasundo dito.
Pero sabado ngayon kaya iniwan nila si Agatha sa bahay dahil may magbabantay naman. Nandito kasi ako.
Naglinis ako ng bahay, isa ito sa gawain ko kapag walang pasok. Si Gio naman ang nagbantay kina Agatha at Liam. Masaya silang naghaharutan sa sala.
Pawisan ako sa pagwawalis ng may kumatok sa pinto namin.
Si Eron pala ito. Pumasok na ito pagkabukas ko ng pinto.
"Bakit pawis na pawis ka Gelo. Basang basa ang likod mo." Sita ni Eron. Kumuha siya sa kwarto ko ng bimpo.
Pinunasan niya ang mukha ko saka isinunod ang likod ko.
"Huwag kang magpapatuyo ng pawis. Baka ka magkasakit ka."
"Salamat Eron...naglilinis kasi ako. May kailangan ka ba?" Tanong ko.
Nailang ako ng konti kasi pinapanuod kami ni Gio. Inalis lang nito ang tingin sa amin ni Eron nang kulitin ito ni Agatha.
"Nagluto si mommy ng pesto pasta. Pinapatawag ka niya." Sabi ni Eron.
Dahil sanay naman ako na nakikimeryenda kina Eron kaya hindi na ako tumanggi.
"Hi Gio, sama kana. Isama na rin natin ang dalawang bagets." Aya ni Eron dito.
"Hindi na pre...dito na lang ako." Tanggi ni Gio.
"Sumama ka na, andun si Sophia. Para makita mo siya." Sabi ko kay Gio.
Dun lang siya pumayag na sumama sa amin.
Si Sophia lang pala ang magic word para sumama siya?
Sabay sabay na kaming pumunta kina Eron.
Karga ni Gio si Agatha at hawak naman ni Eron si Liam habang kami ang magkapantay sa paglakad. Nasa likuran namin si Gio.
Nasa pintuan pa lang ay amoy ko na kaagad ang masarap na niluluto ni Tita Melvie, ang mama ni Eron.
"Halina kayo...magmeryenda." Aya ni Tita Melvie sa amin.
Nakangiting sinalubong ni Sophia si Gio. Miss na miss siguro nila ang isa't isa? Pinakilala ni Eron si Gio sa mommy niya.
Pesto pasta at breaded chicken fillet ang niluto ni Tita Melvie. May fresh orange juice pang kasama. Sinalinan ko sa plato sina Agatha at Liam ng para sa kanila.
Kukuha na dapat ako ng para sa akin pero inunahan na ako ni Eron.
"Ang dami naman niyan." Reklamo ko kay Eron. Ang dami niya kasing nilagay sa plato ko.
"Share na kasi tayo dito kaya dinamihan ko na." Sabi ni Eron.
Sinubuan ako ni Eron. Hindi na ako tumanggi kasi sanay na ako sa kanya.
"Naku masanay na kayo sa dalawang iyan. Lagi silang parang bagong kasal." Sabi ni Tita Melvie. Pinapanuod kasi kami nina Gio at Sophia.
Pagkatapos naming magmeryenda kina Eron ay nagpaalam na kaming uuwi na. Sina Eron naman at Sophia ay may pupuntahan daw kasama si Tita Melvie.
Kaming apat na lang ang naglakad pabalik sa bahay namin.
"Kuya Gelo punta kaya tayo sa park?" Aya ni Liam. "Gusto kasi namin ni Agatha na maghabulan."
Total tapos na ako sa gawaing bahay at maaga pa naman kaya pumayag ako sa gusto ni Liam. Okay lang naman din kay Gio. Isa pa malapit lang ang park. Wala pa sigurong fifteen minutes ay nasa park na kami.
Naglaro kaagad sina Agatha at Liam pagdating dito. Walang humpay na habulan. Parang bata si Gio na nakikipaghabulan din sa dalawa.
Pinanuod ko lang sila.
Habang tumatakbo si Agatha ay hindi nito naiwasan ang isa maliit na bato, naapakan niya ito dahilan para mawalan siya ng balanse. Kung hindi siguro maagap si Gio baka sumubsob si Agatha sa semento.
Nagulat na lang ako ng makita kong may dugong dumadaloy sa tuhod ni Gio. Nasugatan pala ito.
Umuwi kaagad kami ng bahay. Kumuha kaagad ako ng bulak, alcohol at povidone iodine sa kwarto nina mama. Gagamutin ko si Gio.
"Tiisin mo lang ang hapdi ha." Binasa ko ng alcohol ang bulak at sinimulang linisan ang sugat niya.
Napapikit si Gio sa subrang hapdi siguro.
Naawa tuloy ako sa kanya kaya hinipan ko ang sugat niya para makatulong na mabawasan ang hapdi. Ganun kasi ang ginagawa ni Papa kapag nasusugatan kami.
Tumingin ako kay Gio para alamin kung nasasaktan pa siya pero nakatingin na pala siya sa akin. Pinapanuod pala niya ang ginagawa ko.
Nilagyan ko ng povidone iodine ang sugat niya pagkatapos na malinisan ko na ang sugat niya.
"Okay na yan. Mamaya tanungin natin si mama kung ano ang pwede mong inuming gamot." Sabi ko kay Gio.
"Salamat ah..nakangiting sabi ni Gio sa akin.
Sa ilang araw niyang pagtira dito sa amin ngayon lang siya nagthank you sa akin. Masarap pala sa pakiramdam?
"Ang swerte naman ni Eron sayo. Gaano na kayo katagal?" Tanong ni Gio sa akin.
Napatanga ako sa tanong niya. Wala sa hinagap ko na tatanungin niya ako ng ganun. Nakatingin sa akin si Gio at hinihintay ang sagot ko.
"Five years na." Sagot ko kay Gio.
"Ang tagal nyo na pala." Sabi ni Gio. Nag-iwas na ito ng tingin sa akin. Tumayo na ito at pumunta sa pwesto nina Liam.
Five years na mula nang maging magkaibigan kami ni Eron. Mula ng lumipat sila dito sa lugar namin dahil dito sila nakabili ng lupa para patayuan ng mansion nila ay naging magkaibigan kaagad kami. Super friends.
Mabait kasi si Eron, walang yabang sa katawan. At higit sa lahat wala siyang pakialam kahit asarin siya ng iba bata kapag nakikipaglaro siya sa akin noon. Mahinhin kasi ako. At kilos babae ang kilos ko.
Pumunta na ako sa kusina para simulan ang lulutuin ko sa hapunan. Naka assigned din kasi sa akin 'to kapag walang pasok.
Sinulyapan ko si Gio, busy na ito sa pakikipaglaro kina Liam at Agatha.
Masaya na kaya siya na kami ang naging magkapartner?
Written by:
mikzylove
BINABASA MO ANG
On The Side of Angel (A Boys' Love Story)
RomanceOn The Side of Angel (A boys' love story) Dahil sa exchange house experiment ng Christian Living Education subject nila ay napilitan sina Gio at Gelo na tumirang magkasama sa loob ng isang buwan kahit pa nga may kanya kanya silang gustong makapareha...