Sleepless Night

1.6K 80 7
                                    

Sleepless Night:

Angel:

"Angel, please. Sasama na lang ako sayo pauwi. Ayaw kong umuwi sa house. I'm not happy to see them."

"Ikaw talaga, hindi ba dapat masaya ka kasi after five months ay makakasama mo sila? Alisin mo nga yang tampo mo dito ah..." sabay turo ko sa puso ni Gio.

"Why pa? Aalis din naman sila after one week? Or maybe five days? Or baka three days? Angel, nasanay na ako sa style nila. Wala nang excitement pa for me kapag nalalaman kong darating sila."

Naiintindihan ko kung ano ang pinaghuhugutan ni Gio. Kaya lang ayaw ko naman na nagkakaganito siya. Darating ang parents niya galing Spain. Tamang tama dahil hangga't hindi pa nagstart ang second two weeks ng experiment ay may makakasama muna siya sa mansion nila. Hindi healthy para sa kanya kung magtatanim siya ng tampo sa parents niya. Lalo na kung ilalayo niya ang loob sa mga ito.

Bilang wala naman ako sa sitwasyon niya kaya mas makakapag-advise ako sa kanya ng maayos.

Ayaw kong tuluyang manlamig ang puso ni Gio sa parents niya. Kahit pa nga naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya.

"Kung sumama ka na lang kaya sa akin? Para makilala ka nina mom at dad. Para naman magkainterest akong umuwi sa bahay na 'yon."

Nanlaki ang mga mata ko sa suggestion ni Gio. Ako, sasama sa mansion nila? Para makilala ang parents niya?

"Ano ka ba? Moment nyo 'yon ng parents mo. Isa pa baka magulat sila at tanungin ka kung sino ako?"

"Kaya nga ipapakilala kita Angel...sasabihin ko sa kanila na ikaw ang pinaka-special na tao sa buhay ko." Makahulugang sabi ni Gio sa akin.

Kung ano man ang meaning nang sinabi niya ay hindi ko alam. Marami namang pwedeng reason kung bakit ikaw ang pinaka-special sa isang tao?

May ibinubulong ang isip ko kaya lang natatakot ang puso ko na umasa. Dahil wala naman talagang kasiguraduhan ang sitwasyon namin ni Gio. Ang sigurado lang na kayang kong sabihin ay nasasanay na kami sa sitwasyon namin sa isa't isa. Pero ang gusto ng puso ko, hindi talaga malinaw sa amin ni Gio.

"Hinihintay ako nina mama, hindi ako nakapagpaalam. Isa pa, may usapan kami ni Eron na itu-tutor ko siya para mahabol niya ang mga lessons natin, ilang araw din kasi siyang absent di ba? Sige na kanina ka pa hinihintay ni kuya Jun."

"So it's because of Eron, kaya pala." Obviously nagtatampo si Gio.

"Hey...." pigil ko sana sa kanya.

"Sige na Angel...baka hinihintay ka na ng Eron mo. Uuwi na ako."

Lumakad na si Gio papunta sa naghihintay na sasakyan niya. Naiwan akong umaasang magpapaalam siya ng maayos sa akin. Hindi ko inexpect na ganito. As in? Ayaw kong isiping makasarili si Gio. Sana lang naisip niya na need din ni Eron ng tulong ko. Hindi lang naman siya ang pwedeng isipin ko oras oras. Hindi lang sa kanya pwedeng umikot ang mundo ko.

Medyo disappointed ako kay Gio.

Malungkot na humakbang ako papunta sa terminal ng jeep. Mag-isa lang akong uuwi dahil hindi pa naman pumapasok si Eron sa ngayon. Sa Monday pa siya ulit papasok kaya nga kailangan niyang humabol sa mga lessons namin. Madami siyang kailangang gawin.

Ayaw kong lingunin si Gio. Malamang nakaalis na ang sasakyan niya. Baka lalo lang akong malungkot. Akala ba niya siya lang ang nalulungkot na hindi kami magkatabing matutulog ngayon? Syempre malungkot din ako. Kaya lang may mga bagay na dapat inaaccept mo na lang lalo't wala ka namang choice. Simula't sapol naman malinaw ang sinabi ni Ma'am Crisanta na two weeks lang per house ang ilalagi ng bawat isa sa amin.

On The Side of Angel (A Boys' Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon