Care!
Angel:
Dumating kami sa bahay na tulog na silang lahat. Maliban kay Papa na siyang nagbukas sa amin ni Gio ng pinto.
Tulog na si Liam sa kuwarto nila papa kaya bukas na lang niya malalaman na may mga toys na pasalubong sa kanya ang kuya Gio niya.
Pagkalinis ng mga sarili namin ay natulog na rin kami ni Gio. Walang kasama si Liam kanina kaya kina papa ito nakitulog.
Ang ending sa akin na naman nakitabing matulog si Gio. Nakaakap siya sa bewang ko at tumatama ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Kanina pa siya tulog.
Naalala ko ang sinabi ni Nanay Paz, malungkot si Gio. Lagi siyang nag-iisa sa mansion. Kaya hindi na ako nagtataka na hindi siya sanay matulog na walang kaakap. Ang malungkot lang sa halip na akap ng mga magulang niya ang kasama niya tuwing gabi ay nagtyatyaga siya sa isang teddy bear. Sa teddy bear siya nakatagpo ng kakampi.
Mayaman nga sila, marangya ang buhay pero hindi sapat iyon upang maging maligaya. Tama si Nanay Paz, hindi sa material na bagay lang pwedeng maging masaya. May kaligayahang hindi kayang bilhin ng pera.
Pinakiramdam ko si Gio mahimbing ang tulog niya. Masaya ako na komportableng nakakatulog siya dahil willing akong magpaakap sa kanya.
Ilang araw ko pa lang siyang nakakasama. Mula sa hindi naman talaga kami close, kung iisipin ko kakaiba ang sitwasyon namin ngayon. Hindi ko masabing friends na kami ngayon, kahit kung close na ba kami ay hindi ko rin sure.
Pero sigurado akong kahit paano ay may nabuwag na pader sa pagitan namin.
Pareho naming ayaw sa isa't isa nung una na maging magkapartner kami, pero kung akong ang tatanungin sa ngayon, okay na sa akin na siya ang naging kapartner ko. Well, sabi ko nga hindi naman sa ayaw ko talaga sa kanya. Natakot lang akong mapahiya kung sakaling maunahan niya akong magsabi kay Ma'am Crisanta na ayaw niya sa akin. Kaya inunahan ko siyang makiusap kay ma'am.
Nabuksan sa akin ang tunay na kulay ng buhay ni Gio. Akala ko noon napaka perfect ng buhay niya. Pero hindi pala, sa material na bagay lang pala siya marangya pero sa kaligayahan ay payak na payak siya.
Gusto ko siyang maging kaibigan. Kung paanong Angel ang pinili niyang itawag sa akin...gusto kong maging tunay na anghel ako sa kanya.
Ewan ko ba, wala man lang ako nararamdamang pagkailang kapag nagpapaakap ako sa kanya. Ang totoo pa nga, parang nasasanay na akong naka-akap siya sa akin kapag natutulog.
Hindi ko alam kung paano nagsimula, o kung ano ang nag-udyok sa akin. Basta isa lang ang alam ko.
Kumportable na ako sa kanya.
"Bat gising ka pa?" Naalimpungatang tanong ni Gio sa akin. Obviously ay kagigising lang niya mula sa pagkakahimbing. Halata pa nga sa boses niya na antok na antok pa siya. "May iniisip ka ba?"
Pwede ko bang sabihing siya ang iniisip ko?
"Matutulog na rin ako." Sabi ko.
Humigpit ang yakap niya sa akin. Nagtagpo ang mga kamay namin at nagsaklob ang mga palad namin. Matutulog kaming magkaholding hands, masaya akong makakatulog siya nang mahimbing.
Hindi ko namalayan ang sarili ko, basta narealized ko na lang na ginawa ko pala ito. Hinalikan ko siya sa pisngi. Mas humigpit ang yakap niya. Nakangiti akong nakatulog.
Nagising ako sa malalakas na bayo ng tubig ulan sa bubungan ng bahay namin. Napakalamig din kahit nakabalot kami ng kumot. Maigi na lang nararamdaman ko ang init ng katawan ni Gio habang nakaakap siya sa akin.
BINABASA MO ANG
On The Side of Angel (A Boys' Love Story)
RomantizmOn The Side of Angel (A boys' love story) Dahil sa exchange house experiment ng Christian Living Education subject nila ay napilitan sina Gio at Gelo na tumirang magkasama sa loob ng isang buwan kahit pa nga may kanya kanya silang gustong makapareha...