Last Night/ I love You?

1.7K 77 9
                                    

Last Night / I love You?:

Angel:

Lumipas ang Monday at Tuesday na halos hindi ko naramdaman. Wala pa rin si Eron. Absent pa rin ito. Pero ang alam ko'y nakipag-usap si Tita Melvie sa adviser at sa guidance councilor namin nun Monday.

Nakakalungkot lang na wala si Eron. Namimiss ko siya. Parang pakiramdam kong may kulang. Hindi ko alam kung kelan siya papasok ulit? Mula nang mag-usap kami sa resort ay hindi ko pa ulit siya nakikita.

Namimis ko iyong ngiti niya. Kapag sinasabihan niya ako ng ang ganda ganda mo talaga Gelo.

"Hey..Angel..okay ka lang?" Sabi ni Gio sa akin. Vacant period namin. At hinihintay na lang namin ang next subject namin bago mag-uwian.

"Namimiss ko si Eron." Hindi ko na nacontrol ang sarili ko at napaiyak ako bigla. Naging emotional ako.

"Sssshhhh....I understand how you feel Angel....nandito naman ako. Hindi kita iiwan." Inakap ako ni Gio. Mahigpit din akong umakap. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang mga daliri niya. Nawala na sa isip namin na nasa school nga pala kami.

Tuloy ang mga kaklase ko tahimik lang na nakatingin sa amin.

Tumunog ang bell, meaning start na ng last subject namin. Ang Christian Living Education. Dumating na si Ma'am Crisanta.

"Hey...cheer up." Bulong ni Gio sa akin.

Kaya naman inayos ko ang sarili ko.

"Okay class, the first two weeks of our experiment will end tonight. After that makakabalik muna kayo sa sari-sarili nyong bahay. I will inform you na lang kung kelan magstart ang next two weeks. So enjoy your last night sa bahay ng kapartner nyo. Reminder, after another two weeks saka nyo gagawin ang reaction paper nyo about this activity." Sabi ni Ma'am Crisanta.

Pagkatapos ng huling subject namin ay nagsi-uwian na kami.

"Last night mo na pala sa bahay ngayon." Sabi ko kay Gio. Magkaholding hands kaming naglalakad papunta sa parking area kung saan nandun ang motor niya.

"Hindi ah, baka nakakalimutan mo ang offer ni papa? Anytime pwede akong pumunta sa bahay nyo. Saka pwede naman unahan na natin si Ma'am eh. Pwedeng bukas pa lang tumira ka na sa mansion." Sabi ni Gio.

"Hintayin na lang natin ang update ni ma'am kung kelan 'yong next two weeks. Baka masyado na tayong masanay na lagi tayong magkasama. Remember one month lang 'to." Parang may bumara sa lalamunan ko nang sinabi ko iyon.

Hindi pa ba ako sanay? Mukhang sanay na sanay na nga ako. Kaninang sinabi ni Ma'am na last day na ng first two weeks saka ko lang narealized na mabilis lang talagang dumaraan ang araw. Parang kaylan lang nagmamakaawa ako kay ma'am na makipagpalit ako ng kapartner. Pero ngayon parang ayaw ko nang mahiwalay pa kay Gio.

Hindi na nagsalita si Gio. Pagkatapos niyang isuot sa akin ang helmet ay sumakay na ako sa likod niya. Umakap naman  ako sa bewang niya. Isa pa 'to sa nakasanayan ko na.

"Gusto kong ganito lang tayo Angel....ayaw kong matapos 'to." Saka pinatakbo ni Gio ang motor.

Lalo naman ako, Gio kung alam mo lang, ang dati'y iniiwasan kong isipin ngayon hindi ko na maiwasan.

Dahil mahal na mahal na kita. Ikaw kaya, mahal mo rin kaya ako o nakahanap ka lang ng companionship dahil madalas nag-iisa ka lang?

Pinilit kong maging kumportable sayo para hindi ako mainlove, pero mas lalo akong nahulog sayo. Inalis ko ang lahat ng malisya sa utak ko kasi alam kung kasunod nun ay pagkailang sa parte ko. Gusto kong eenjoy lang ang chance na makasama ka. Pero kung gaano ako kakumportable sayo ganun din lumalim ang nararamdaman ko.

On The Side of Angel (A Boys' Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon