Kiss at Kalamay

1.2K 60 1
                                    

Kiss at Kalamay

Gelo:

"Good morning, Angel! Good morning love..." Nakangiting mukha ni Gio ang gumising sa akin.

"Good morning, love." Matamis na ngiti ang ibinigay ko rin kay Gio. I kissed him sa lips, yong mabilis lang. Siya naman ay hinapit niya ako pa-akap sa kanya.

Well this is our first morning, na kami na talaga. Dito kami natulog sa roof garden nila.

Ang ganda ng sikat ng araw. Nakaka-gaan sa pakiramdam.

"Mmmm...may dumi ba ako sa mukha? May muta ba ako? May hilik ba ako?" Umiling lang si Gio sa akin, nakatitig pa rin. "Then, why!?" Acting ala Liza Soberano ako dyan sa last line ko.

Good job kasi natawa naman kahit paano si Gio.

"Kasi po, I can't help my eyes na huwag kang titigan. You're so beautiful, Angel. Happy first morning with love, love.." Subrang sweet lang ng ngiti ni Gio. Pansin nyo, madalas lagi kaming nakangiti? That's the magic with Gio, every time na magkasama kami, lagi kaming nakangiti. And I want to keep it that way.

"Happy first morning with love sa pinaka gwapong lalaki sa buhay ko. Next to papa syempre." Sabi ko rin." Love, tinatamad akong pumasok. Holiday naman tomorrow, wala tayong pasok." Ewan, nakakatamad pumasok. Gusto ko ganito lang muna kami today.

"What if, hindi tayo pumasok? Hindi naman siguro magiging napakasama nating mag-aaral kung aabsent tayo ng isang araw pa. Saka hindi naman siguro tayo babagsak kaagad." Si Gio. "Mas masarap 'yong ganito lang muna tayo." Pinisil niya ang tungkil ng ilong ko.

Naks naman at pareho pala kami ng naiisip ni Gio.

We came up sa desisyong huwag na lang pumasok today. Walang pasok bukas, so long week end kami.

"What if sumama tayo kay Nanay Paz, love? It's a good chance para makapag- vacation tayo, total long week end naman." Naexcite naman ako sa sariling suggestion ko.

"Hmmmm, parang I don't like that idea, love. Kasi baka ipagpalit mo ko sa mga lalaking probinsyano dun" Nakasimangot na sabi ni Gio.

"Oy grabe siya. Baka ikaw nga ang pagkaguluhan ng mga girls dun eh. Selosa ako, remember?"

"Ikaw lang naman, ang Angel ko. Hindi ko kailangang maghanap ng iba dun."

"Ikaw lang naman ang Gio ko ah, bakit ako maghahanap ng iba?" Tinitigan ko si Gio. May halong landi ang titig ko.

"Gessssh! Angel huwag kang ganyan. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, masundan kaagad yong kagabi. Baka mahuli tayo ni Nanay Paz." Hinawakan ni Gio ang kamay ko, dinala iyon sa, omg nya.
"You turned me on, love."

Grabe, ang astig naman ng ano nya. Nang omg nya! Ang tigas.

"May nabasa ako sa internet, mas masarap daw ang lo..ve ma..king, sa beach kapag full moon. I guess full moon the day after tomorrow. Kung sasama tayo sa kay Nanay Paz, nasa beach tayo next next night. Haha!" Biro ko kay Gio.

"Sige, sama na tayo kay Nanay Paz. Promise me, sa beach ha." Ang lawak ng ngiti ni Gio. Kaloka siya. Para biniro ko lang naman siya. "Promise na promise mo sa akin yan Angel ah, hindi mo ko ipagpapalit sa mga mokong dun, ah."

"Haha, grabe siya. Joke lang yun sa beach."

"Hala ang daya..." Pinupog ako ng halik ni Gio. Kaya naman halos mawalan ako ng ulirat sa katatawa.

Nababaan namin si Nanay Paz na nakahanda na nito ang almusal. Sinabi namin ang plano namin ni Gio na sumama sa kanya.

"Aba ay maigi para sabay sabay na tayo ni Kuya Jun nyo, uuwi din daw siya. Aba, syempre naman kasi kamag-anakan namin siya. Pwede nating gamitin ang sasakyan. Ano, Gio? Maigi naman kasi nahihirapan talaga akong mag- commute. Ako na ang tatawag sa maestra nyo, ipagpapaalam ko kayo. Tapos kayong dalawa pagka- almusal nyo ay sumaglit muna kayo sa bahay nyo, Angel. Magpaalam kayo sa mama at papa mo. Pagbalik nyo ay saka tayo luluwas."

On The Side of Angel (A Boys' Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon