Heartbeat!
Angel:
"Gelo, pinapasabi ni Gio punta ka daw sa gymnasium. Hihintayin ka daw niya." Sabi ni Lou sa akin. Kaklase namin siya.
Thursday...may teacher's meeting sa faculty room ang mga teacher kaya naman free kaming gawing ang gusto naming gawin. Isang oras na lang kasi at uwian na rin naman.
"Salamat Lou, tatapusin ko lang ito at pupunta na ako." Isang page na lang at tapos na rin ako sa aking ginagawa.
May practice sina Gio ngayon ng basket ball. Pinapupunta niya ako sa gymnasium para manuod sa game practice nila.
Niligpit ko na ang mga gamit ko at saka naglakad papuntang gymnasium.
"Hi Gelo...kamusta? Hindi na tayo nakakapag-chikahan lately. One of these days gala naman tayo." Sabi ni Riel. Kaibigan ko siya pero hindi kami magkasection kaya medyo nakukulangan kami sa time. Same year level kami pero section Matulungin B siya.
"Kaya nga eh...sige gala naman tayo minsan. Saan ka pala galing niyan?" Tanong ko kay Riel.
"Sa gymnasium, isinama ako ni Carlo para manuod sa game nila. Kaso natamad na akong manuod, andun sina Sophia at ang grupo niya." Sabi ni Riel.
"Ganun ba? Dun nga rin ako pupunta. Pinapapunta ako ni Gio." Sabi ko. Hindi ko alam kung may something ba sa pagitan nila ni Sophia?
"Okay Gelo, gala tayo soon. I think marami na tayo pagkukwentuhan about "The Giordan Corpuz" na yan." Sabi ni Riel.
Nagpaalam na ako kay Riel para puntahan sina Gio.
Habang naglalakad ay nagtatalo ang isip ko kung tutuloy ba ako? Andun sina Sophia, meaning sina Gio din ang pinapanuod ng mga ito.
Lately hindi ko gusto ang mga padaplis na tingin ni Sophia sa akin. Though wala naman siya ginagawang hindi maganda sa akin maliban dun. Nararamdaman kong may something sa mga tingin niya sa akin. Hindi rin naman kasi kami close ni Sophia kaya wala na akong dapat ipagtaka pa kung cold ito sa akin.
Sa huli nagdecide akong puntahan si Gio. Si Gio naman ang nagpapa-punta sa akin dun. Isa pa sabay kaming uuwi ni Gio, malamang kailangan ko talaga siyang hintayin hanggang matapos ang practice nila.
Naalala ko kaninang umaga, hindi ko maiwasang mangiti kapag iniisip ko iyon.
"Sure ka iyan ang gagamitin natin pagpasok sa school? Hindi tayo magku-commute? Walang kasabay sina Eron." Tanong ko kay Gio. Nag-aalangan talaga ako kasi iniisip ko si Eron. Sanay siyang laging kasabay akong pumasok.
Naka-helmet na si Gio at nakasakay na sa motor. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya kaya lumapit ako. Walang pasabing isinuot niya sa akin ang biniling niyang helmet.
"Mas maigi na dito na lang tayo sumakay pa-school, at least sa bewang ko ikaw naka-akap at hindi sa balikat ni Eron na lagi mong sinasandalan. Pumayag naman sina papa na gamitin natin 'to kasi nagpromised ako na mag-iingat ako sa pagdrive. Bawal daw kasing masugatan ang prinsesa namin. As if papayag akong masugatan ka." Sabi ni Gio.
Kailan pa naging big deal ang pagsandal ko sa balikat ni Eron? Wala namang malisya 'yon ah?
Hindi na ko kumontra pa kahit nagi-guilty ako nang makita kong naghihintay si Eron sa akin para sabay kaming pumasok. Kinausap ko na lang si Eron at nauunawaan naman niya ang paliwanag ko. Hindi masama ang loob niya.
Kaagad kumaway sa akin si Gio pagkakita niyang pumasok na ako sa entrance ng gymnasium. Isinenyas niya sa akin kung nasaan ang mga gamit niya kaya dun ako pumunta para maupo.
Nadaanan ko ng tingin ang grupo nina Sophia. Hindi ito tumitingin sa akin at busy sa kung ano ang ginagawa niya pero ang mga friends niya ay nakatingin sa akin at nagbubulungan. Kita ko rin na nag-uusap ang kanilang mga mata.
BINABASA MO ANG
On The Side of Angel (A Boys' Love Story)
RomanceOn The Side of Angel (A boys' love story) Dahil sa exchange house experiment ng Christian Living Education subject nila ay napilitan sina Gio at Gelo na tumirang magkasama sa loob ng isang buwan kahit pa nga may kanya kanya silang gustong makapareha...