Jealous!
Angel:
After naming mag-usap ni Eron ay umalis na rin kami ni Gio sa resort. Naiwan dun sina tita Melvie at Eron pero pupunta sila sa Tagaytay para makipag-meeting sa lawyer nila. Mukhang kailangan na nina Tita Melvie at Tito Alvin na daanin sa legal na paraan ang problema nila.
"Angel....are you okay?" Tanong ni Gio. Nagdadrive siya ng kanyang sasakyan. Wala si kuya Jun dahil biglaan lang ang pagpunta kagabi ni Gio dito.
"I am, iniisip ko lang si Eron. Sana maging okay siya. Sana maging strong siya." Sabi ko.
"Ako din naman, hoping na maging okay na siya." Sabi ni Gio.
Thankful ako kay Gio na hindi na siya nag-usisa tungkol sa napag-usapan namin ni Eron. Sapat na sigurong dahilan na magkasama pa rin kaming dalawa papunta sa rest house nila sa Calatagan Batangas.
"Kelan tayo babalik ng Manila?" Tanong ko kay Gio. Namimiss ko na rin kasi sina mama at papa, syempre sina Liam at Agatha.
"Overnight tayo mamaya tapos tomorrow afternoon tayo uuwi. Sunday naman bukas kaya okay lang kina mama na hindi muna tayo umuwi."
"Hmmm..Okay....tayo lang ba ang tao sa rest house nyo? I mean may caretaker ba kayo dun?"
"Si Kuya Uda ang caretaker namin dun pero pumupunta lang siya dun para maglinis. Hindi siya dun nakatira. Pamangkin siya sa pinsang buo ni Nanay Paz."
"Safe ba tayo dun?" Tanong ko pa.
"Of course...hey Angel. Relax, hindi kita dadalhin sa lugar na hindi ka safe. You're with me...I promise you. You're safe with me....Hmmmmm, wait? You mean? Ikaw ha, I guess alam ko na kung bakit ka nag-aalala, you and me..alone..so you're thinking na..." hindi na tinapos ni Gio ang sasabihin niya dahil tumawa na ito ng tumawa.
"Oy hindi ah, grabe ka. Lakas tawa talaga..? Bat naman ako matatakot sayo? Ay naku Giordano Corpuz (kahit Giordan lang naman ang buong name ni Gio)... kung ano man yang iniisip mo akala mo uurungan kita? Palaban 'to no!"
Biglang preno si Gio. Maigi na lang nakaseatbelt kami. Ano ba ang nasabi ko? Bakit ganun ang reaksyon niya?
"Seriously, Angel. You mean..." Napakaluwang ng ngiti ni Gio. May malisya ang mukha niya na dahil sa kagwapuhan niya sa halip na kilabutan ka ay kikiligin ka na lang.
"Oy...oy...anong seriously ka dyan? Palaban ako kasi marunong akong sumuntok, marunong ako sumipa, marunong akong mangurot..." Sabi ko kay Gio. Kiniliti ko siya sa tagilaran na ikinapangisay niya habang tumatawa ng malakas. Nasa tagiliran pala ang kiliti niya. Hindi ko siya tinantanan.
"Hahahhahaha...Angel tama na. Kapag di ka tumigil hahalikan kita dyan." Banta ni Gio sa akin.
Wala akong balak tumigil. Nakatigil naman ang sasakyan kaya safe kami.
"Naku kiss lang pala, bakit naman ako matatakot sa kiss na yan. Ano Gio? Lalaban ka? Hindi kita uurungan." Pang-asar ko pa. Tawa na rin ako ng tawa.
"Seriously Angel...we can do it here, mukha namang walang dumaraang tao dito." Omaygosh! May ganitong side pala si Gio. What if pagbigyan ko siya? Syempre joke lang.
"Mamaya na lang sa resthouse..." Natatawa kong sabi. Ewan ko ba, sabi ko nga basta si Gio hindi ako naiilang. Joke lang naman 'yong sinabi ko. Pero sabi nila, jokes are half meant.
Naging inspired tuloy si Gio habang nagdadrive.
"Angel....kung lulutuan mo ko, anong luto ang lulutuin mo?" Tanong ni Gio sa akin.
Si ako naman, hindi tumitigil sa kaharutan ko.
"Hmmmmmmm.....luto ng dyos?" Sinabayan ko ng malakas na tawa. "Joke, joke lang. Daan tayo sa wet market. Tingin na lang tayo ng pwed nating lutuin." Suggestion ko.
BINABASA MO ANG
On The Side of Angel (A Boys' Love Story)
RomanceOn The Side of Angel (A boys' love story) Dahil sa exchange house experiment ng Christian Living Education subject nila ay napilitan sina Gio at Gelo na tumirang magkasama sa loob ng isang buwan kahit pa nga may kanya kanya silang gustong makapareha...