Surprise!
Angel:
Habang ang mga kaklase ko ay excited sa gaganaping exchange house experiment, ako naman ay parang walang pakialam.
Hindi lang naman ako, lalo na si Gio. Pareho lang kami na hindi masaya na kami ang magkapartner.
Kung ang mga kaklase ko'y kanya kanyang plano kung ano ang gagawin nila, bawat magkakapartner ay parehong nagpaplano. Kami ni Gio ay walang pansinan.
Wala kaming pakialam sa isa't isa. Ako abala sa pagbabasa ng History book, samantala si Gio tahimik lang sa upuan niya, nakasalampak ang headset sa tenga at malamang nakikinig ito ng music habang nakapikit.
Hindi man lang kami nag-uusap tungkol sa exchange house experiment na yan. Pareho nga kaming hindi interesado.
"Gelo, 'bat ang tahimik mo? Ok na kayo ni Gio? Ano ang napagkasunduan nyo?" Tanong sa akin ni Eron. Katatapos lang nilang mag-usap ni Sophia.
"Wala eh..." Malungkot kong sabi. Kasi totoo naman wala talaga kaming pinag-uusapan.
"Ganun? Paano 'yan, makakaapekto pa naman sa final grades natin kung hindi kayo magpaparticipte." Nag-aalalang sabi ni Eron.
"Bahala na lang..." sabi ko. Kahit ang totoo'y nag-aalala ako dahil baka maapektuhan ang scholarship ko.
"Sayang kung pumayag lang sana si Ma'am Crisanta, wala sana tayong problema." Sabi ni Eron.
Nakwento ko na sa kanya ang ginawa kong pakiusap kay Ma'am. Kahit ang drama ko kay Ma'am ay nakwento ko rin, 'yong tungkol sa pag-amin ko kuno na in love ako sa kanya. Tawa ng tawa si Eron nun habang kinukwento ko iyon.
"Smile...papangit ka niyan. Ganda mo talaga Gelo." Ginusot ni Eron ang buhok ko. Kahit sanay na ako sa kanya ay kinilig pa rin ako. "Try mo kayang iapproach si Gio, baka naghihintay lang 'yon na lapitan mo at kausapin mo siya." Suggestion ni Eron.
Tiningnan ko ang direksyon kung saan nakaupo si Gio pero wala na ito dun, malamang magkasama na sila ni Sophia. Naghihintay pala ha? Malamang hindi.
Thursday na at ngayon ang unang araw ng lipatan ng bahay. Ang iba kong classmates may mga dala nang gamit na akala mo'y mag-a-out of town ang mga ito.
Excited talaga sila. While kami ni Gio wala pa talagang napag-uusapan. Mukhang hindi na talaga kami magpaparticipate. Ngayon palang eexpect ko nang babagsak siguro ako o malamang bababa ang grade ko at malamang maapektuhan ang scholarship ko.
Maaga kaming pinauwi para magkaroon ng enough time na asikasuhin ang exchange house.
Ang bawat magkapartner sa mga classmates ko ay magkakasama na at sabay nang uuwi kung kanino mang bahay una silang titira.
Samantala ako naglalakad mag-isa, inaalis ko na nang tuluyan sa isip ko na magpapaticipate kami ni Gio. Nung idismiss kasi ang klase hindi ko na ito nakita pa. Baka umuwi na ito. Disgusto talaga ito na magkapareha kami. Well, pareho lang naman kami. Our feelings are mutual.
Hindi muna ako umuwi, nagdecide ako na gumala muna sa mall. Ayaw kong umuwi ng maaga, malamang magtatanong si Mama tungkol sa exchange house na yan. Alam pa naman niya na ngayon ang start nito. Malamang magtataka siya na wala akong kapartner. Nakakahiya, ano ang sasabihin ko? Na ayaw ng kapartner ko na ako ang makapartner niya?
Sa totoo lang hindi naman sa ayaw ko talaga kay Gio. Inunahan ko lang siya, ayaw ko kasing maapakan ang pride ko. Dahil alam kong makikiusap din siya kay Ma'am Crisanta na makikipagpalit siya ng partner at ayaw kong mapahiya kung iisipin ng mga kaklase ko na inayawan ako ni Gio Corpuz.
BINABASA MO ANG
On The Side of Angel (A Boys' Love Story)
RomanceOn The Side of Angel (A boys' love story) Dahil sa exchange house experiment ng Christian Living Education subject nila ay napilitan sina Gio at Gelo na tumirang magkasama sa loob ng isang buwan kahit pa nga may kanya kanya silang gustong makapareha...