I will...!
Angel:
Masarap pakingan ang hampas ng alon sa tabing dagat. At higit sa lahat masarap gumising na kagaya ni Gio ang katabi mo.
Ten o'clock na ng umaga ng Sabado, pero wala pa ring bumabangon sa aming dalawa. Actually naghihilik pa nga si Gio.
Kamusta na kaya si Eron? Halos alas tres na ng madaling araw nang magulat kami ni Gio sa biglang pagdating ni Tita Melvie dito sa resort. Sumunod din ito dahil hindi mapalagay na nagkakaganito si Eron. Kita ko kay Tita Melvie na kinakaya nitong maging matapang. Very thankful si tita sa akin dahil hindi ko daw iniwan si Eron.
Nagsorry ako kay tita dahil hindi ko napigilang maglasing si Eron, pero naiintindihan naman ni Tita na wala din akong magagawa kung ayaw makinig ni Eron sa akin.
Ang ending kumuha kami ni Gio ng isang kwarto at hinayaan naming magkasamang matulog sina Eron at Tita Melvie.
Na siya namang ikinatuwa ni Gio.
"Kapag sinuswerte ka nga naman." Masayang sabi ni Gio.
Sabi niya kasi, kung kasama naming matutulog si Eron baka magulat ito na nandito siya at lalo pa't makikita nitong nakaakap siya sa akin.
"Good morning...Angel." Bulong ni Gio sa tenga ko. Sa wakas ay gising na rin siya. Kanina pa kasi ako nagugutom.
"Good morning river!..." Bati ko rin sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya magets kung bakit river? At assignment niya 'yon. Kapag nalaman niya kung bakit river ang tawag ko sa kanya ay may premyo siya sa akin. Hindi ko muna sinabi kung ano para exciting. At wala pa rin naman akong idea kung ano ang pwede kong ipampremyo sa kanya. Hehe.
"Ikaw na siguro ang pinakamaganda sa umaga...Angel. Nagugutom ka na?"
Ang sweet naman ng boses ni Gio.
"Alam mo...ikaw naman ang pinakagwapo sa umaga. Oo kanina pa nga kita hinihintay, gutom na kasi ako." Akala ba niya siya lang ang marunong mambola? Syempre ako din. Saka totoo namang napakagwapo pa rin niya kahit kagagaling lang sa pagtulog.
"Wow...nice to know na para sa 'yo ako ang pinakagwapo, Angel." Humigpit ang yakap niya sa akin. Kahit ramdam ko ang morning erection niya ay dedma lang ako. Basta kay Gio wala akong nararamdamang malisya, comfortable talaga ako sa kanya.
"Breakfast na tayo..." Aya ko kay Gio.
"Fifteen minutes more..." At lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
Naglalakad na kami ni Gio sa buhanginan para magbreakfast, actually brunch na 'to, nang makasalubong namin si Eron.
Kita ko kay Eron na hindi pa talaga siya okay. Nagwoworry ako sa kanya. Hindi ako sanay na ganito siya. Napakalayo sa Eron na kilala ko.
Saglit lang na tinapunan ni Eron ng tingin si Gio. Tumango lang ito bilang pag-acknowledged sa presence ni Gio. Siguro ay nasabi na ni Tita Melvie na nandito si Gio at kasama ko.
"Gelo...can we talk later? About last night...lahat nang ikinonfess ko sayo, totoo iyo." Malungkot ang boses ni Eron.
"Nagbreakfast ka na ba Eron?" Tanong ko. Medyo naiilang ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Akala ko kagabi ay hindi niya matatandaan ang mga sinabi niya. Akala ko'y nasabi lang niya ang mga iyon dahil sa kalasingan at makakalimutan niya kapag nagising siya sa umaga. Kaso hindi pala.
"Please....Gelo." Nakiki-usap si Eron sa akin. Kagabi mas pinili kong huwag magcomment sa confessions niya pero ngayon mukhang kailangang mag-usap talaga kami. Hangga't maaari ayaw ko masaktan ko si Eron. Ayaw kong dadagdag pa ako sa problema niya ngayon.
"Sige, later usap tayo...magbebreakfast lang kami. Smile ka na ulit...gusto kong makita na ulit 'yong dating Eron." Sabi ko kay Eron.
Pilit na ngiti ang pinakawalan ni Eron, saka siya nagpaalam at patuloy na naglakad pabalik sa kuwarto nila ni tita Melvie.
Narating namin ni Gio ang kainan na tulala ako. Windang sa kung ano ang pwede naming pag-usapan ni Eron mamaya?
"Hey....Angel." Tawag ni Gio sa attention ko. "Kanina ka pa parang ang lalim lalim ng iniisip mo. I know I should mind my own business, but I can't help na hindi mag-alala kung ano ang ikinonfess sayo ni Eron. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa pag-uusapan nyo later. I can sense something's not okay...I mean I can feel that....hmmm dunno how to say it." Kita ko sa mukha ni Gio ang frustration.
"Gio...I don't want to add heartaches kay Eron, pero hindi ko alam kung paano iiwasan iyon? Inamin niya kagabi na mahal niya ako. I mean...as in love. Not as friend, but...alam mo 'yon, gets mo?" Magulo kong sabi kay Gio.
Si Gio naman ang parang natulala sa sinabi ko. Halos hindi na niya nagalaw din ang inorder namin food.
"Anong plan mo?" Tanong ni Gio sa akin. Naglalakad kami pabalik sa kwarto namin. Gusto ko munang mag-isip sana at paghandaan ang pag-uusap namin ni Eron. Iisipin ko ang mga pwede kong sabihin kay Eron mamaya.
"Bahala na, hindi ko rin alam. Bahala na mamaya kapag nag-usap kami later." Sabi ko.
Walang kibuang naglakad kami ni Gio pabalik sa kuwarto namin. Tahimik lang si Gio. Ibang iba ang mood niya, nararamdaman ko ang pagkabalisa niya.
"Oy..." Nilapitan ko si Gio. Inayos ko ang buhok na humaharang sa mukha niya. "You're not okay...mag-uusap lang naman kami." Sabi ko. Pinutol ko din kaagad ang sasabihin ko. Baka masyado akong nag-assumed, what if hindi naman pala ang dahilan ng pinagkakaganito ni Gio ay ang iniisip ko.
"Angel....I don't wanna loose you. What if...you and Eron,.." Bitin na sabi ni Gio.
"Shsssssh...hindi ako mawawala. Bakit naman ako mawawala?"
"Angel...." Hindi ko napaghandaan ang gagawin ni Gio. Naramdaman ko na lang na nakakulong sa mga palad niya ang mukha ko. Magkatapat na ang mukha ko at ang mukha niya. Matagal niya akong tinitigan, dahan dahang lumapit ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako ng maramdaman kong lumapat ang ilong niya sa ilong ko, sumunod ang mga labi niya sa labi ko. It was unexplainable moment. Alam ko lang, nagustuhan ko ang paglapat ng mga labi namin. Hanggang sa naging halik ang ginagawa na namin ni Gio. Ako ang unang bumitiw. Para kasing mauubusan ako ng hininga. Kailangan ko ng hangin.
"Angel....I hope I gave you enough reason para hindi ka mahirapang magdecide if you need to, kapag nag-usap na kayo ni Eron." Hinawakan ni Gio ang mga palad ko at pinisil iyon ng marahan...."You're my angel... and I wanna be on the side of angel..now and forever."
"I will...promise I will be your angel...now and forever." Sabi ko. Hindi ko na mahanap pa ang iba ko pang sasabihin.
Naguguluhan na ako sa sitwasyon namin ni Gio. Kontento naman ako kung ano meron kami kahit wala kaming malinaw na napag-uusapan.
Kaya lang pakiramdam ko may kulang. Ayaw ko lang sigurong pakaisipin pa ito.
Written by:
mikzylove
BINABASA MO ANG
On The Side of Angel (A Boys' Love Story)
RomanceOn The Side of Angel (A boys' love story) Dahil sa exchange house experiment ng Christian Living Education subject nila ay napilitan sina Gio at Gelo na tumirang magkasama sa loob ng isang buwan kahit pa nga may kanya kanya silang gustong makapareha...