SIMULA

556 65 18
                                    

Nandito ako sa loob ng investigation room. Hindi ko pa rin maiwasan na hindi matulala habang nagpapaulit-ulit sa isip ko ang mga nangyari.

They're, gone.

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na ang imbestigador na na-atasan na magsagawa ng imbestigasyon sa krimen. Bakas ang panlulumo sa kanyang mukha habang nakatingin diretso sa akin.

Hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kanya, animo kasing sinisisi niya ako sa mga nangyari, naiirita ako sa tingin niya, nakakailang.

Umupo siya sa katapat na upuan, ipinagsiklop ang kamay at humugot ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Maari mo bang i-kuwento ang nangyari? Makikinig ako." malumanay na tanong niya sa akin.

Base sa name plate na nakalagay sa uniporme niya ay siya si Miss Dela Paz.

Hindi ko alam pero may kung anong takot akong nadama.

Unti-unti ay naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko, kasabay ng paninikip ng dibdib. Hindi ako makahinga ng maayos.

"Huwag kang matakot, sabihin mo lang."

Sinubukan niya akong pakalmahin dahil sa hawak ko na ang dibdib ko at kinukulang na ako sa hangin, hindi ko na kaya pang magpatuloy kung hindi ko ikakalma ang sarili ko.

"N-nakakatakot." Ang kanina pang luhang pinipigilan ko ay tuluyan nang nag-unahan sa pag-agos. "P-pinatay niya s-silang l-lahat. Pinatay niya!" Takot ang namutawi sa akin.

Nakita ko ang ekspresyon ng imbestigador. Hindi siya naniniwala!

"Traydor siyang kaibigan!"

Hindi ko na napigilan, gusto kong kumawala rito! Gusto kong ako mismo ang humanap sa kanya, hulihin siya.

"Kailangan niyang magbayad sa ginawa niya! Pinatay niya ang mga kaibigan ko!"

Labis ang pagpupumiglas ko, para makaalis. Kahit pa nasasaktan ay hindi ko ininda ang anumang sakit at sugat na natamo ko.

Kita ko sa mukha ni Miss Dela Paz ang panghihinayang, habang nakaarko ang mga labi niya na animo'y pinipigilan ang pagtawa. Ang laking insulto sa akin noon.

Hahawakan ko na sana ang imbestigador nang nakaramdam ako ng pagkahilo. May kung anong droga silang itinurok sa likod ko.

Umiikot ang paligid, ang sakit sa ulo. Sa tingin ko ay kahit anong oras, babagsak ako.

"S-si..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang tuluyan akong mawalan ng malay, at kainin ng kadiliman.

Thirteen Fortunes [✓]Where stories live. Discover now