"Aries!"
"Aries!"
Sigaw lang kami ng sigaw. Hinahanap namin si Aries.
Ang planong pagtatampisaw sa dagat ay nauwi sa paghahanap. Hinanap na namin siya sa loob ng bahay, pero wala, kahit sa likod at ilang parte ng beach ay wala rin, hanggang hapon ay ganoon lang ang ginawa namin, tuwing kakain lang ang pahinga namin, tapos ay balik na sa paghahanap.
Nagpatulong na rin kami sa mga tauhan ng bahay nila Lucy, pati na ang katabing resort, baka sakaling naligaw si Aries doon.
"Maybe nakakita na naman siya ng babaeng makaka hook up niya, we don't know." Suhestiyo ni Lucy, sinusubukang pagaanin ang atmosphere dahil kita talaga na nag aalala ang lahat.
Hindi ko rin alam, pero imposible dahil kung ganoon nga, sana ay nakabalik na siya. Hindi siya nagtatagal sa pakikipag-sex at umuuwi agad, o hahanap ng panibago. Ang nakakapanibago lang ay hindi siya nagpaalam na ugali naman niya tuwing kasama niya kami.
Dumaan pa ang ilang oras at wala pa rin kaming Aries na natatagpuan, pagod na ang lahat pero wala pa rin.
"We should stop for now. Dumidilim na."
"Yohan, hindi natin pwedeng ipagpabukas ito! For pete's sake we're missing one head!" Si Lucy, halatang naasar siya sa sinabi ni Yohan.
May punto silang dalawa, pero mas mabuti ngang ipagpaliban na bukas. Nawawalan kami ng isang kasama at hindi ko na gugustuhin pang mawalan ng isa.
"Yohan's right, Cy. Baka kung ano pang mangyari sa atin, baka may mawala pa—"
"And what about Aries? Hahayaan na lang natin siya, ha! No way!" Nanggigilid na ang luha ni Lucy sa tinuran niya, halatang nag aalala siya ng sobra para kay Aries.
Tahimik lang ang lahat habang mahinang humihikbi si Lucy, nang maka recover ay nagsalita siya ulit.
"Fine, bumalik kayo sa bahay kung gusto niyo, but I'll stay here, hahanapin ko si Aries. At hindi niyo ako mapipigilan." Matalim niya kaming tiningnan at naglakad palayo.
Bagsak ang balikat naming lahat na bumalik sa bahay, nawalan na ng ganang kumain ang iba, kasama ako, kaya bumalik na lang ako sa kwarto.
Pagod na pagod ako, pakiramdam ko ay paghiga ko makakatulog agad ako.
Nagshower muna ako bago nahiga, wala pa akong kasama sa kwarto dahil ang tatlong magkakaibigan ay kumakain sa baba, si Jesy naman ay nakita ko kanina na nagmumuni muni sa harap ng bahay habang nakatingin sa dagat, at si Lucy, hinahanap si Aries.
Napatitig lang ako sa kawalan nang maalala ko ang nakita kanina, kaya dali dali akong bumaba.
Naabutan ko silang matamlay na kumakain.
Napatingin sila nang maramdaman ang presensya ko, nandoon na si Lucy, matalim ang tingin sa akin.
Hindi rin ito nagtagal at lumabas, magpapahangin siguro. Kaya sinundan ko siya.
Tumabi ako sa kanya, nakasiklop ang kamay niya sa baba ng dibdib niya at nakatingin lang sa kawalan. Walang nagsasalita sa amin.
Napabuntong hininga ako sa naisip.
"Lucy—"
"Don't talk to me." Pinutol niya agad ang sasabihin ko at binalingan ako ng tingin.
Kita ko ang galit niya.
"This is your fault, Tiara. Ano na naman bang pakulo 'to, ha? It's not funny at all!" Bulyaw niya sa akin.
Nagbadya ang luha ko, ganoon ba ang tingin niya? Am I a threat to them?
"Tell me, ano na namang nakita mo? Is this some sort of magic? A witchcraft? Or what the shit it is? Huh?" Tumutulo ang luha niya habang galit na nakatingin sa akin.
Wala akong magawa, hindi ako makapagsalita, I feel so guilty.
Lumabas ang mga kaibigan namin, inalo ako ni Brix at pinuntahan naman ni Shaw si Lucy, sinusubukang pakalmahin.
"Kapag may nangyaring masama kay Aries, kakalimutan kong kaibigan kita!"
Kumawala siya sa hawak ni Shaw at dire-diretsong pumasok sa loob, sinundan ko siya.
Napahinto siya sa sala kung saan nakatulala rin ang iba niyang kaibigan habang nakatingin sa flatscreen TV.
Tinuon ko ang atensyon ko roon, hindi makapaniwala sa nakikita.
"A-aries..."
Nakatutok lang kaming lahat, nakatingin kay Aries na nakatali ang kamay sa itaas gamit ang kadena, may busal sa bibig, walang kahit anong saplot sa katawan, sa loob ng lugar kung saan halos walang liwanag at ang dumi.
"Aries!" Sigaw ni Lucy, animo maririnig siya ni Aries.
Wala kaming magawa kundi panoorin si Aries, hindi gumagalaw at mukhang tulog.
Nabigla ang lahat dahil sa isang kutsilyo ang agad na bumaon sa magkabilang brado ni Aries. Nagising din siya dahil sa sakit na naramdaman.
Daing lang niya ang narinig namin, puro sigaw at ungol niya na halata ang paghihirap.
Napaiyak si Lucy nang tuluyan, at ikinabigla namin ang sumunod na nangyari.
Maingay na tunog ng chainsaw ang bumulabog sa sigaw ni Aries, na kalaunan ay lalong lumakas dahil sa pagkatanggal ng iniingatan niya puri.
Nandidiri man ay tiniis kong tingnan ang nangyayari, andaming dugo ang pumulandit mula roon. Si Aries ay hindi na malaman kung saan ibabaling ang ulo sa sakit na nadarama.
Pagkatapos noon ay nag itim na ang screen at nawala ang video.
Nagkagulo rin sila sa nangyari, ang iba ay takot na takot sa nasaksihan, inalo ni Shaw at Yohan si Lucy na nakasalampak na ngayon sa sahig dahil sa panghihina, iyak lang siya ng iyak nang bumaling sa akin na nagngingitngit sa galit.
Tumulo na rin ang luhang kanina ko pa pinipigilan, pumiglas siya sa hawak sa kanya at lumapit sa akin.
At naramdaman ko na lang ang palad niyang lumapat sa pisngi ko.
YOU ARE READING
Thirteen Fortunes [✓]
Misteri / ThrillerHaving an ability to see someone's fortune and future isn't easy for Tiara. She thought it was gone through years, but what if one day, she just found out something, which also the time that their life is in danger? Would she use her ability to help...