10

165 36 6
                                    

"Now, let us play a game."

Pinaikot ikot ni Jesy sa kamay niya ang kutsilyo na ginamit kanina kay Yohan, ngiting ngiti siya habang naglalakad sa isang parte ng tunnel na may kurtina.

Tumingin muna siya sa amin matapos ay hinatak pababa ang kurtina. Natatakpan pala nito ang isang malaking dart board.

Ayaw kong pangunahan ang maaring mangyari pero malakas ang kutob ko, hindi magiging madali ang sinasabi niyang laro.

Tumingin muna si Jesy sa akin matapos ay binalingan si Lucy.

Tila bumaluktot ang tapang ni Lucy sa pagsigaw, takot na takot siya lalo noong tanggalin ni Jesy ang tali niya at marahas na dinala sa dart board.

Gustuhin man pumiglas ni Lucy ay hindi niya magawa dahil sa nakatutok sa leeg niya ang kutsilyo, at isang maling galaw lang niya ay mabilis siyang babawian ng buhay.

Alam na niya ang gustong mangyari ni Jesy, kaya siya na mismo ang nagtali ng mga paa niya sa dart board at naglagay ng piring sa mata. Ang mga kamay naman ay si Jesy na ang nagtali.

Halos manginig sa takot si Lucy dahil sa hindi niya man lang makita ang maaring bumungad sa kanya.

"Simple lang ang laro." Panimula ni Jesy. "Two truths, one lie." Tapos ay tumawa ito.

Unti unti ay bumigat ang paghinga ni Lucy, gusto na niyang kumawala dahil sa higpit ng pagkakahawak sa tali sa kamay.

"I'll be giving you two truths and a lie, at dapat alamin mo kung alin ang totoo. Consequence sa mali," hinanda niya ang isang kutsilyo at mabilis na pinadaan iyon sa gilid ng mukha ni Lucy. "You'll die."

Pigil na pigil ni Lucy ang iyak niya at nilalabanan ang takot.

Kahit ako ay kinakabahan, lalo na noong magsimula ang laro.

"Two truths and a lie. One, I am the one who planned everything. Two, you betrayed me and so do I. Lastly, I had a child."

Kumuha siya ng limang kutsilyo sa mesa habang naghihintay ng sagot kay Lucy.

"A-ah... I-I betrayed y-you."

Napangisi si Jesy dahil sa narinig, halatang inaasahan na iyon, akmang ibababa niya ang isang kutsilyo, pero iba ang nangyari.

"Ahh! Sh*t!" Napaiyak si Lucy dahil sa sakit. Ang bilis ng pangyayari, ang bilis ng pagkakabato ni Jesy ng kutsilyo na mabilis bumaon sa braso ni Lucy.

"That sh*t is right! For f*ck's sake you bitch!" Halos magwala si Lucy dahil sa sakit.

"One more truth."

Inayos ni Lucy ang sarili niya bago magsalita, humihikbi man ay pinilit niyang magsalita.

"Y-you... p-planned every... thing."

Mahinang napahikbi si Lucy nang matagal na naghintay kung may tatama ba sa kanya. Akmang titingala si Lucy dahil sa kaginhawahan.

"Wrong." Tapos ay isa na namang kutsilyo ang bumaon sa braso niya.

Agad namang pinakawalan ni Jesy si Lucy at tinanggal ang dalawang kutsilyo na nakabaon pa rin.

Hindi ininda ni Lucy ang sugat bagkus ay masamang tumingin sa akin.

Pinaupo niya si Lucy sa lapag at kinuha si Shaw at siyang ipinalit sa pwesto ni Lucy kanina sa dart board.

Nang matagumpay na maipwesto ay inabutan niya si Lucy ng kutsilyo, na lalong ikinaiyak nito.

"Kill him... or I'll kill you."

Ni hindi ko namalayang nagpupumiglas na ako sa upuan ko. Alam kong hindi kaya ni Lucy ang pumatay.

Tumayo si Lucy, habang pinagmamasdan ang kutsilyo, iyak lang siya ng iyak habang nakatingin kay Shaw na tahimik na umiiyak. Ni hindi man lang natinag. Parang wala lang sa kanya kung ano ang magiging desisyon ni Lucy.

Iniba ni Lucy ang direksyon ng patalim papunta sa kanya, akala ko ay sariling buhay ang kukunin.

Pero nagkamali ako, dahil wala pang ilang minuto, nangingisay na si Shaw, nagsisitalsikan ang dugo na akala mo kinatay na manok dahil sa kutsilyong nakatarak sa kanyang leeg.

Umiyak lang ng umiyak si Lucy, hinang hina habang ibinabalik siya ni Jesy sa pagkakatali.

Hindi pa dito natapos ang lahat, dahil agad niyang binalingan si Brix.

Pinaulanan niya ito ng suntok na akala mo isang punching bag na nakasabit. Halos sumuka na ng dugo si Brix dahil sa tuloy tuloy na suntok. Akala mo naman hindi nauubusan ng lakas si Jesy dahil tuwang tuwa pa siya sa ginagawa.

Sa kabilang banda ay naagaw ng ni Lucy ang atensyon ko.

"Tama na... Tama na..." Paulit ulit na bulong niya. "Tama na!"

Dahil sa biglaan niyang pagsigaw ay nahinto si Jesy sa ginagawa at itinuon ang atensyon sa kanya.

"Jesy..."

Hindi ko alam pero ang tinig ni Lucy ay mahihimigan ng pagmamakaawa, hirap na hirap siya sa kalagayan niya.

Nilapitan siya ni Jesy habang hawak ang isang patalim. Ni hindi natakot si Lucy at mukhang inaasahan na niya iyon at handang harapin.

Pero sa halip patayin gaya ng inaasahan, pinakawalan niya si Lucy.

Thirteen Fortunes [✓]Where stories live. Discover now