"Hey, Tiara!" tawag sa akin ng bestfriend ko, si Jesy.
"Here, have a sit." turo niya sa bakanteng espasyo sa tabi niya.
Nadatnan ko sila sa canteen na nagtatawanan.
"Hi, Tiara!" Masiglang bati nila pagdating ko.
"So, what's the plan?" Jesy asked out of the blue.
Jesy was with me since grade school, half Filipino, half Canadian. Obviously, she loves to travel.
Graduating college students na kami at nagpl-plano para sa Christmas vacation namin.
But, we're still incomplete.
"Nasaan ang iba?"
I saw them counting, we're missing two heads here.
"Wala si Shaw at Lucy," Yohan was the first one to figure out.
"Hmm, there's something we don't know here, don't you think?" Jesy said then she giggled.
Nakita kong napailing si Brix.
I can sense something, natahimik kasi ang lahat habang nakatingin sa akin.
Then I realized, nililigawan ako ni Shaw, at bestfriend ko si Lucy. Ayokong mag-isip ng masama, kailan ko na lang ulit nakasama si Lucy dahil sa kakauwi lang niya mula New York.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagsulat na lang sa journal ko.
"Tawagin ko na lang." pagpr-presinta ni Yohan.
"Wew." Parang nang aasar si Aries habang kumakain siya ng chips, tss.
Bahala sila, ayaw kong gayahin ang pag-iisip nila ng kung anu-ano tungkol lang sa bagay na wala namang kasiguraduhan.
Naghintay lang kami ng ilang minuto at dumating na si Yohan at kasama na niya si Shaw.
Hindi ko naman gusto si Shaw. Oo, nanliligaw siya sa akin at malapit talaga kami sa isa't-isa, dahil bukod kay Jesy, siya ang kababata ko.
Ilang minuto lang pagdating ni Shaw ay sunod na dumating si Lucy.
"Ayan! Kumpleto na tayo, so... what's the plan?" Pag-uumpisa ni Jesy.
"Let's go to a rest house? Beach house rather." Suhestiyo ni Lucy na pinaglalaruan ang hibla ng buhok.
Nakikinig lang ako sa kanila habang nagpupunit ng patterned papers para sa journal.
"Maganda iyong suggestion mo." Pagsang-ayon ni Shaw.
"We have a private beach house located at Zambales, kung ok sa inyo, doon tayo." Pagpr-presinta na naman ni Lucy.
Lucy came from an elite family, kilala ang pamilya nila sa Medical field. Neurosurgeon ang Daddy niya at Gynecologist ang Mommy niya, at marami pa siyang kamag-anak na doktor,
"We should celebrate our Christmas there too, I'm sure masaya iyon!" Kung pwede lang magkorteng puso ang mata ni Jesy, nangyari na. Excited na excited siya sa ganitong usapan.
Nagplano pa kami at ilang oras lang ang nakalipas ay natapos na ang pagpl-plano.
Napag-planohan din na may isasama si Lucy, ang tatlo pa niyang kaibigan; sina Katie, Kaye at Sachie.
Nagpaalam ako sa kanila na pupunta sa locker ko at mauuna nang umuwi, dahil sa wala naman na akong klase. Sumang-ayon naman sila at nagpaiwan na ang iba, ang iba naman ay may klase pa.
Maggagabi na at madilim na ang paligid, nagbabadya ang malakas na ulan, kaya binilisan ko na ang paglalakad sa corridor nang mapahinto ako dulot ng sobrang sakit sa ulo.
YOU ARE READING
Thirteen Fortunes [✓]
Gizem / GerilimHaving an ability to see someone's fortune and future isn't easy for Tiara. She thought it was gone through years, but what if one day, she just found out something, which also the time that their life is in danger? Would she use her ability to help...
![Thirteen Fortunes [✓]](https://img.wattpad.com/cover/134030505-64-k808166.jpg)