6

166 38 2
                                        

Iyak lang ng iyak si Kaye dahil sa nasaksihan, lalo na nang ibaba nila ang bangkay ni Denmark.

Hindi niya siguro nakayanan ang nangyari kanina at mas pinili na lang ang mamatay. Masakit ang nangyari pero sana ay nag isip muna siya bago niya ginawa ang pagkitil sa sariling buhay. Kailanman ay hindi sagot ang pagpapatiwakal upang solusyonan ang mga problema.

Pagkatapos noon ay hindi na kami bumalik pa sa hapag at nagkanya kanya ng balik sa kani-kanilang silid, ang iba ay nasa baba upang magbantay.

Ni hindi ko na namalayan ang mga galaw ng mga kasama ko dahil sa agad akong nahimbing ng tulog.

At muli, nagising ako sa isa na namang sigaw, puno ng takot.

Pagmulat pa lang ng mata ay nakita ko na kaagad si Sachie na takot na takot dahil sa nakita.

Agad namang dumapo ang paningin ko sa tinitingnan niya at ganoon na lang ang gulat ko nang makita sa kabilang kama si Katie na may hawak na patalim, may saksak sa dibdib at wala nang buhay. Naliligo siya sa sarili niyang dugo.

Tulad ni Denmark ay sa tingin ko'y nagpakamatay rin ito. Parehas sila ng dinanas na sakit, kaya naman madali lang sa kanila na paslangin ang sarili dahil wala sila sa tamang pag-iisip. Weird pakinggan pero, may parte sa akin na nasasabik kung paano namin ito matatapos at paano kami agad makakaalis dito gayong tatlong araw pa lang ang nakakalipas noong nagpunta kami rito.

Agad dinaluhan ni Kaye si Sachie, at niligpit nila ang bangkay ni Katie, parang wala lang kay Santino, tahimik lang siya na pinagmamasdan kung paano nila maayos na itabi ang bangkay ng girlfriend niya.

Pagtayo ko ay bigla namang umikot ang paningin ko at muntikan pa akong matumba, mabuti na lang ay naalalayan ako ni Jesy.

Akala ko'y mawawala rin agad ang hilo ko, ngunit bigla na lang sumakit ang ulo ko na ikinadaing ko.

Punong puno na naman ng sari-saring kaganapan at boses ang pumuno sa ulo ko. Mga daing na naghihirap, maraming dugo, at sobrang nakakatakot ng mga palahaw nila.

"Ara, Ara!"

Bigla na lang akong nilukob ng kadiliman, nangangapa.

Wala akong makita, madilim at ramdam ko ang tubig sa paa ko, masangsang ang amoy ng dugo, at may mga tunog na sa tingin ko ay nagmumula sa daga.

Tinahak ko ang daan ng diretso kahit hirap na makaaninag, at unti unti ay may naaaninag akong liwanag. Doon ko lang napansin kung nasaan ako, sa isang... tunnel?

"Ahhh!"

Palahaw na narinig ko na animo'y naghihirap.

"S-sino ‘yan?" Unti unti ay nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko.

Tinahak ko lang ang daan patungo sa pinanggagalingan ng mga sigaw, hanggang sa mapunta ako sa sentro ng tunnel na ‘to.

Sa gitna ay may makikitang mahabang mesa, puno ng iba't ibang patalim, chainsaw, kadena, palakol at martilyo. Nang ilipat ko ang tingin sa gilid ay nakita ko ang apat na taong nakatali, puro hiwa ang mga kamay na nakatali ng kadena, habang kaharap ang killer na hindi ko makilala dahil sa suot nitong maskara.

Umalis siya sa harap at tumalikod para pumunta sa mesa, kaya agad akong nagtago. Nakita ko kung paano niya kunin ang chainsaw. Dahan dahan ay pinaandar niya iyon na ikinasigaw ng dalawang babaeng nakatali at ikinatakot ng dalawa pang lalaki.

Umayos siya sa harap ng apat na katao at inihanda ang chainsaw sa gilid. Bago niya ituloy ang binabalak ay tumingin siya sa gawi ko na ikinagimbal ko, nakita niya ako!

Tumakas ang ngisi niya sa awang ng maskara na ikinatakot ko. Binalik niya ang tingin sa ginagawa at dahan dahan niyang ipinadaan ang chainsaw sa leeg ng mga biktima.

"Huwag!" Napabalikwas ako dahil doon.

Kita ko ang nag-aalalang si Yohan.

"Okay ka lang? Ara?"

Mataman ko siyang tiningnan at lumunok bago nagsalita.

"S-sila Kaye, Santino, Sachie at Josh?"

Takang tumingin sa akin si Yohan, akala mo may nasabi akong mali.

"Uhm, Ara..." Nag aalangan pa siya, nakatungo at dahan dahang tumingin sa akin. "P-patay na sila."

Gulat akong napatingin na may pagtataka. P-paano?

Mukhang nabasa naman ni Yohan ang nasa isip ko kaya nagsalita siya ulit.

"N-nakita sila sa likod ng, rest house. Noong lumabas si Jesy para magtapon sa likod, n-nakita niya, p-puro saksak at g-gilit sa leeg."

Napatakip ako sa bibig ko. Gulat pa rin dahil sa nangyari.

"Ara..." Nag aalangan man ay tinuloy niya. "Ang totoo niyan... Ikaw... Pinaghihinalaan ka nila na, ikaw iyong pumapatay."

Lalo akong nagulat sa sinabi niya. A-ako?

Hindi ko magagawang pumatay, hindi kakayanin ng mga kamay ko na humawak ng sandata o patalim na gagamitin laban sa iba.

"Kaya ako nandito, k-kasi, sabi nila ay bantayan ka, pero, ngayon ay alam ko nang hindi ikaw. Dahil buong oras na tulog ka ay nandito ako sa tabi mo."

Napatango naman ako, alam ko rin sa sarili ko na hindi ako iyon.

"S-sorry." Nakatungo ang ulo niya na dahan dahan ding inangat dahil sa hindi ko pagkibo.

Nang magtama ang paningin namin ay nginitian ko lang siya.

Nag-ayos lang ako saglit at sabay na kaming bumaba, nasabi niyang may kailangan kaming pag-usapan dahil inuunti unti na kami ng killer, at ayaw nilang may sumunod pang biktima kaya naman ay dapat maghanda.

Paglabas ng kwarto ay dumiretso kami sa isang bakanteng kwarto na hindi namin napiling okupahin noon. Nandoon din ang mga bangkay ng mga kasama naming nasawi. Lahat ay may takip na kumot.

Mataman na tumingin sa akin si Lucy bago magsalita.

"Simula ngayon, sa oras na may makita kang pangitain, you need to tell us, immediately."

Thirteen Fortunes [✓]Where stories live. Discover now