Matapos nang nangyari ay kumalma ang lahat, pinilit matulog kahit na bumabagabag ang napanood kanina. Jesy bursted in tears noong nalaman niya ang napanood namin kanina. Wala kasi siya noon at inaayos ang paghahanap sa kabilang resort, sa kabila naman ay si Kaye at ang boyfriend niya, nagvolunteer na tumulong sa paghahanap.
Ang dalawang sina Sachie at Katie naman ay nakabantay lang kay Lucy dahil sa pagod si Jesy at Kaye mula sa paghahanap, ang boys, hindi ko na alam kung gising pa. Napagkasunduan kasi na sa baba ang tatlo at sa taas ang tatlo pa. Para kung sakaling may mangyari man, alerto sila.
Hindi naman ako tulog, nakikiramdam ako sa paligid, kung may kakaiba man, atleast alam ko. Pero hindi ko rin napigilan nang tuluyan akong dalawin ng antok.
Nagising na lang ako dahil sa sigaw, kaya dali dali akong tumayo at tiningnan kung anong nangyari.
Nakita ko ang iba't ibang pictures na nakadikit sa dingding, malapit sa pinto ng kwarto ng mga lalaki.
Nakakakilabot dahil ang pictures ay naglalaman ng anggulo kung saan makikitang ginilitan sa leeg si Aries, walang ari, putol ang parte ng daliri sa taas, puro pasa at hiwa ang katawan.
Pakiramdam ko tuloy ay bumaligtad ang sikmura ko sa nakita, hindi ko kayang tingnan iyon ng matagal. Nakakasulasok, nakakadiri.
Paglabas ko ng banyo ay dumiretso akong sa dining area, nakatulala lang si Lucy, mugto ang mata sa kakaiyak, at tahimik lang ang lahat.
Minatahan ako ni Lucy, akala mo nanunumbat.
"Anong nakita mo?" Tanong agad niya pagkalapit ko.
I heaved a sigh.
"Takbo! Takbo!"
"Hindi ka makakaalis dito!"
"Mamamatay ka, Aries. Hindi mo ako matatakasan!"
Takbo lang ang tanging nagawa ni Aries kahit pa hirap ito sa paglalakad, may saksak ang kaliwang binti niya.
Hindi ko alam kung sino iyong humahabol sa kanya dahil sa hindi malamang dahilan, hindi klaro ang mukha niya.
Nakita ko kung paano mahulog si Aries sa patibong at kinaladkad siya ng tali papunta sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.
Puro daing ang maririnig dahil sa nagkakaroon ng munting mga sugat si Aries dala ng pagkaladkad sa kanya.
Biglaang nag iba ang set up at namalayan na lang ang sarili ko sa isang sulok, sa loob ng madilim na lugar, na may nakakasulasok na amoy ng patay na daga, malandang dugo at lumlom.
Kitang kita ko si Aries na tulog, nakatali ang kamay niya sa kadenang nasa taas. Nagising siya dahil sa biglaang pagtarak ng kutsilyo sa magkabila niyang braso. Sinundan ng malakas na tunog ng chainsaw, at kitang kita ko kung paano pinutol ng kung sino ang pagkalalaki ni Aries.
Namutawi ang halakhak ng kung sino man sa aking tainga na akala mo nage-echo dahil sa paulit ulit ko itong naririnig.
Hanggang sa mapunta ako sa gubat, nilibot ko ang paningin ko, tanaw mula rito ang rest house, kaya nasisiguro kong malapit lang ito.
"Ugk!" Tinig na nagpahinto sa akin.
Si Aries! Kitang kita ko ang pagtaas ng ulo niya, at kung paano dahan dahang pinadaan sa leeg niya ang kutsilyo na nagsanhi ng pagpulandit ng malapot niyang dugo.
Doon, binawian siya ng buhay.
Natauhan ako sa isa na namang sampal sa akin ni Lucy. Galit siya habang tumutulo ang luha.
"Story maker! Paano mo nagagawang gumawa ng kwento sa gitna ng pinagdadaanan natin ngayon, ha! Baka nga ikaw lang din ang may gawa ng mga iyon kay Ari-"
Dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Hindi ko maatim ang mga salitang nanggagaling sa bibig niya.
Tiningnan niya ako, disappointed sa ginawa ko.
Alam kong hindi dapat, pero masyadong tumatabil ang dila ni Lucy at kung ano ano na ang sinasabi. Ayaw ko non. Wala akong ginagawa.
Tiningnan ko lang silang lahat, tapos ay umakyat na ako at nagmukmok sa kama ko. Ayaw kong nakakarinig ng mga ganoong salita, ayaw kong may nasusumbat sila sa akin, na hindi naman totoo. Sana ay kung totoong ako ang pumatay kay Aries, siguro ay ipinagmamalaki ko pa iyon sa kanya dahil sa napatay ko ang lalaking importante sa kanya. Ganoon naman, kahit wala kang ginagawa, sa huli, ikaw pa rin ang sisisihin, sayo lahat ng galit.
Naramdaman ko ang presensya ng kung sino man, naupo ito sa gilid ng kama ko at ramdam kong nakatingin siya sa akin. Naupo naman ako sa kama para harapin siya.
Bakas sa mukha niya ang lungkot habang nakatingin sa akin. Alam ko, nahihirapan din siya sa nangyari. Kung tutuusin kasi ay siya ang parating nakapagitna sa aming magbabarkada, neutral.
"Ako na ang humihingi ng sorry, kilala mo naman si Cycy." Paghingi ng tawad ni Yohan.
Ngumiti lang ako bilang tugon at tatayo na sana nang makaramdam ng hilo. Parang nagpanic naman si Yohan, hindi niya alam ang gagawin at paulit ulit niya lang akong tinatanong na hindi ko naman masagot.
Puyat ako sa kakaisip kagabi, isabay pang halos wala akong kain sa buong maghapon, tapos ay sumasakit na naman ang ulo ko at sari saring mga larawan na naman ang nakikita ko.
"Y-yoha-"
Naramdaman ko na lang ang unti unting pagbagsak ko, at nawalan na nga ng malay.
YOU ARE READING
Thirteen Fortunes [✓]
Misteri / ThrillerHaving an ability to see someone's fortune and future isn't easy for Tiara. She thought it was gone through years, but what if one day, she just found out something, which also the time that their life is in danger? Would she use her ability to help...