Nagising ako dahil sa sakit ng ulo, kanina pa kasi ako nakakarinig ng kalampag sa kung saan, hindi ko naman matutukoy kung saan nanggagaling I on kung hindi ko titingnan.
Paniguradong wala sila rito sa rest house, alam kong hanggang ngayon, hinahanap nila si Aries, kahit pa malamig na bangkay na lang ang posibleng mahanap.
Hindi rin naman namin masabi o mai-report sa pulis dahil paniguradong isa sa amin o kaming lahat mismo ang pagkakamalang gumawa noon sa kanya. Hindi na bale, alam kong sa pagdaan ng ilang oras at araw ay malalaman din namin kung sino ang nasa likod nito at ano ang dahilan niya.
Bumaba ako sa kama ko at maingat na nilisan ang silid kung saan ako naroon, hahanapin ko lang kung saan nanggagaling ang tunog.
Pero bago iyon ay tinawagan ko lang si Brix, tinanong ko kung nasaan na sila dahil sa lumulubog na ang araw at baka abutin sila ng dilim sa paghahanap. Sinagot naman niya ito at sinabing pauwi na sila, kaya wala na akong kinabahala pa.
Inisa isa ko ang pagsilip sa mga kwarto, sinusubukang hanapin ang tunog, pero hindi ko akalaing makakasaksi ako ng malaswang eksena.
Si Kaye, nasa itaas ni Santino habang nagtataas baba, kapwa sila walang saplot, at sarap na sarap sa ginagawa. Pero mali, dahil boyfriend ni Katie si Santino.
Dahan dahan na sana akong aalis at magkunwaring walang nakita, pero pagbalikwas ko ay bumulaga agad sa akin si Katie.
"Anong sinisilip mo riyan, Tiara?" Takang tanong niya, nakakunot ang noo at animo galit.
Nakuha namin ang atensyon ng ibang kasama na kakarating lang din.
Hindi ko sinagot si Katie, kaya inirapan niya lang ako at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto, na agad ding nahinto dahil sa eksenang nadatnan.
Halos hindi maproseso ng utak niya ang nakita, lumingon pa siya sa akin na akala mo iiyak na dahil sa luhang nagbabadya sa kanyang mga mata.
Gulat na gulat naman si Santino at Kaye, akmang ibabalot ni Kaye ang kumot sa kanya nang agad na kumilos si Katie para hablutin ang buhok niya. Lahat nang nasa likod ko ay gulat din lalo na nang sunod na hinila ni Katie si Kaye palabas ng kwarto, sinakyan niya ito at pinagsasampal. Galit na galit habang umiiyak na kahit pigilin siya ni Santino ay parang hindi siya nagpapatinag.
"Walanghiya ka! How dare you f*ck my boyfriend!" Hinila niya ang buhok ni Kaye, at aksidenteng nauuntog ang ulo sa lapag. "P*ta! Hindi kita kaibigan!" Tuloy tuloy lang siya, sinusuntok na rin niya ang ilang parte ng katawan ni Kaye na nanghihina na.
Pagsuntok niya sa bandang tiyan ni Kaye ay biglang napaaray si Kaye ng sobra, namilipit siya sa sakit, at biglaang may umagos na dugo sa hita niya.
"Katie!" Sigaw ni Sachie na ikinahinto ni Katie.
Umiiyak na bumaling si Katie sa binti ni Kaye, gulat na gulat nang makita ang dugo roon.
Iyak nilang magkaibigan ang nangingibabaw, walang umiimik o nagbabalak magsalita. Tila napipi kaming lahat sa nasaksihan.
"A-ang baby ko."
Binuhat ni Santino si Kaye na iyak nang iyak, umiiyak na rin si Santino. Ang boyfriend ni Kaye na si Denmark ay nakatulala lang sa gilid, animo walang pakialam sa nangyayari.
Malakas ang kutob ko na kay Santino ang dinadala ni Kaye sa sinapupunan niya.
Pinasok ni Santino si Kaye at inihiga sa kama, at dinalohan ni Sachie si Katie na humahangos, akala mo mauubusan na ng hininga sa kakaiyak.
Bumalik ako sa kwarto ng nakatulala, hindi ko intensyon na masaksihan iyon. Malaki ang magiging epekto nito sa aming lahat.
Ni hindi na ako lumabas sa kwarto, buong maghapon, nakahiga lang ako sa kama at nag-iisip ng kung anu-ano. Bumaba lang ako noong tawagin ako ni Jesy para kumain ng hapunan.
Hindi na naman kami kumpleto sa hapag, kulang kami ng limang katao. Siguro ay iyong apat ay nag-iisip dahil sa nangyari, at si Lucy, paniguradong nasa labas na naman.
Tulog sila Brix at Shaw samantalang ang iba ay kumakain.
Nakakaasiwa dahil parang inoobserbahan ni Sachie ang galaw ko, siguro iniisip na pakana ko na naman ang nangyari kanina.
Sa sobrang pagkailang ko ay tumayo na ako at dire-diretsong pumanhik sa taas.
Ngunit may nakapagpahinto sa akin. Sa ceiling, may nakasabit.
"Tiar- oh my gosh!" Napahinto si Jesy.
Tulad ko ay gulat na gulat din siya sa nakita. Lumabas ang iba naming kasama na nasa kani-kanilang kwarto.
"Denmark!" Humagulgol agad si Kaye at niyapos ang binti ni Denmark.
Nakasabit si Denmark sa lubid na nakalagay sa ceiling, wala ng buhay.
YOU ARE READING
Thirteen Fortunes [✓]
Mystery / ThrillerHaving an ability to see someone's fortune and future isn't easy for Tiara. She thought it was gone through years, but what if one day, she just found out something, which also the time that their life is in danger? Would she use her ability to help...