"Hayop ka!"
Iyon agad ang sumalubong sa akin kasama ang sunod sunod na sampal galing kay Lucy.
Sa pagkakataong ito ay paniguradong alam na niya ang katotohanan. Matalino siya at madali niyang napagtanto ang bagay bagay.
"P-paano..."
Iyak lang siya ng iyak, hindi makapaniwala.
Dahan dahan kong kinalas ang sariling pagkakatali sa upuan, at dahan dahang tinanggal ang nakabusal sa aking bibig at tumayo.
Nginisian ko si Jesy at nginisian niya rin ako pabalik bago lumuhod sa tapat ng nanghihinang si Lucy. Pwersahan niyang itinaas ang ulo nito upang makita niya ako ng diretso.
Alam kong naguguluhan pa rin siya at may ilang mga katanungan, kaya hindi ko na rin patatagalin pa.
"Ako ang nagplano ng lahat."
Kinuha ko ang maliit na lalagyan ng wipes at pinunasan ang ilang sugat na natamo. Inaayos ang komposisyon kung paano ko sasabihin ang lahat.
"Inutusan ko si Jesy, para sabihin sa iyo na umakto ka bilang may ari ng bahay na 'to." Kahit paano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil may sagot na ang ilang katanungan ni Lucy.
Pagmamay ari ni Jesy ang bahay na ito, at inutos ko sa kanyang pagpanggapin si Lucy bilang may ari, nang sa gayon ay hindi mapaghalataan dahil sa hindi na nakakapagtaka na magkaroon ng ganitong pag aari si Lucy, na galing sa mayamang pamilya.
"P-pero, s-sabi mo nakikita mo ang mga m-mangyayari."
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Wala talaga silang kaalam alam. Ni hindi nila nahalata na gawa gawa ko lang ang mga iyon. Umakto lang ako. Dahil planado lahat.
"Umayon lahat sa plano."
Call me weird but I like imagining things, especially someone's death, their future, or their fortune or what path they will take when time comes. Pero ngayon, iba ang nangyari. Dahil ako mismo ang nagtalaga kung paano sila mamamatay, at kung anong kahahantungan ng kapalaran nila.
But I can't kill or murder someone, that is not my thing.
That's why I ask Jesy to do it all, dictating her what to do, for I know she can do the job well, she has this mental illness that only our family knows.
Normal siya at alam kung paano umakto ng tama, pero sabik siyang pumatay at makakita ng dugo.
Una pa lang ay magkasundo na kami sa ganitong bagay ni Jesy. Dahil ang totoo, pinsan ko siya.
Siya lang ang nakakakilala ng totoong ako, at ganoon din ako sa kanya.
“You know what, Jes? I really want to know what will happen to someone in the future, especially how they will die.”
Sambit ko at tiningnan lang ako ni Jesy.
Noong nakaraan araw naman ay padabog siyang nagtungo sa kwarto ko.
“I really hate them! Kung hindi dahil sa'yo, I wouldn't be going out with them!”
She's ranting again about our friends.
Well, I can't do anything, simula pa lang ay alam ko nang hindi maganda ang pakikitungo nila kay Jesy. I know their secrets, too. Kung ano ang mga ginawa nila kay Jesy, lahat ng pananakit, pambubuyo, at pangha-harass noong panahong tinatawag pang 'loser' si Jesy.
![](https://img.wattpad.com/cover/134030505-288-k808166.jpg)
YOU ARE READING
Thirteen Fortunes [✓]
Mystère / ThrillerHaving an ability to see someone's fortune and future isn't easy for Tiara. She thought it was gone through years, but what if one day, she just found out something, which also the time that their life is in danger? Would she use her ability to help...