9

141 34 1
                                        

Naghahanda kami ngayon, plano na naming umalis sa lugar na ito.

Hindi ko na rin kaya pang hintayin si Jesy at komprontahin sa mga krimeng ginawa niya, mabuti nang kami mismo ang magsuplong sa kanya sa pulis para matigil na ito.

Inabot kami ng hapon sa pag-aayos at paghahanda dahil hindi rin namin alam kung paano magiging matagumpay ang pagtakas namin. Ni hindi ko alam kung tama nga ba na tumakas kami nang walang ginawa man lang para tulungan ang mga kaibigan na posibleng buhay pa.

Agad kaming bumaba at lumabas ng bahay, dumiretso kami sa van na nakaparada sa gilid ng bahay, dumidilim na at mukhang nagbabadya ang malakas na ulan, animo hindi umaayon sa amin.

Si Brix ang naglagay ng mga gamit namin sa loob ng van, si Lucy naman ay nakayakap lang sa kanyang sarili dahil sa lamig.

"Sandali, tatawag ako ng pulis para kung sakaling hindi tayo makaalis, may aasahan tayo."

Tango lang ang isinagot ko kay Brix, tapos ay lumayo siya ng kaunti sa amin at tumalikod, nakita kong naglakad din si Lucy palayo sa sasakyan, siguro ay gusto munang magmuni muni at mapag isa kaya hinayaan ko na lang muna siya at itinuon ang pansin sa mga gamit na nailagay sa van, inayos ko ito at pinagkaabalahan habang wala pa ang dalawa.

"Ahhh—!"

Napalingon ako dahil sa isang matinis na sigaw. Nakita ko rin na nahinto si Brix sa pakikipag usap at naibaba ang hawak na smartphone.

"L-Lucy!"

Napatakbo ako sa pinanggalingan ng sigaw, ni hindi ko na naisip kung susunod ba si Brix o hindi. Kailangan kong maabutan si Lucy, ayaw kong pati siya ay madamay!

Takbo lang ako ng takbo, sinusundan ang mga bakas ng sapatos ni Lucy na unti unti ring lumabo dahil sa biglaang buhos ng ulan.

"Lucy! Lucy! Lucy!" Sunod sunod na tawag ko.

Ni hindi ko na namalayan na umiiyak na ako at basang basa na ng ulan.

"Tiara..."

Nilingon ko si Brix, hindi siya kalayuan sa kinalalagyan ko. Hikbi lang ang nagawa ko at lalapit na sana nang may mapansin sa likod niya na lalong ikinagulat ko.

"Brix!" Nanginginig na itinuro ko ang likod niya.

At bago pa man siya makalingon ay narinig ko na ang malakas na paghampas sa ulo niya na siya niyang ikinabagsak sa buhangin.

Wala akong nagawa kundi tingnan si Jesy na nakangisi habang hawak ang boteng basag habang papalapit sa akin.

Pigil pigil ko lang ang hininga ko habang idinadampi niya ang basag na bote sa leeg ko.

"Tiara, natutupad na." Sambit niya at biglang tumawa.

Puro hagulgol lang ang nagawa ko dahil sa takot. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Iba pala talaga kapag buhay mo na mismo ang nakasalalay.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakagapos ang kamay habang nakasunod kay Jesy habang hatak si Brix. May dugo sa ulo ni Brix dahil sa paghampas sa kanya ng bote.

Sumunod lang ako kay Jesy hanggang sa makarating sa likod bahay kung nasaan ang manhole.

Ipinilig niya ang ulo niya na nag uutos na mauna na ako. Ginawa ko naman agad ito at bumaba kahit nahihirapan gawa ng nakatali ang mga kamay ko.

Pagbaba ay sumalubong sa akin ang madilim na tunnel, pinili kong hindi muna kumilos dahil sa nabubulag ako ng kadiliman at hindi ko alam kung paano uusad, ni hindi ko magamit ang kamay ko ng maayos upang mangapa.

"Ah!" Napatalon ako sa gulat dahil sa bumagsak.

Napadaing si Brix sa sakit, at sumunod namang bumaba si Jesy.

Agad niyang hinatak si Brix pagkababa niya, kabisadong kabisado ang daan at hindi man lang nangangamba sa maaring madaanan. Gusto ko mang tumakas sa pagkakataong ito ay hindi ko maatim na iwan ang mga kaibigan ko.

Patuloy lang ako sa pagsunod hanggang sa marating namin ang pamilyar nang lugar sa akin.

Hinatak niya ang isang upuan at sinenyasan akong maupo na agad ko rin namang sinunod.

Inilibot ko ang tingin ko sa lugar, at doon ko nakita si Yohan, Shaw at Lucy. Tulog ang mga ito at halos maghingalo na si Yohan dahil sa dami ng sugat niya. Si Shaw naman ay puro pasa, habang si Lucy ay ganoon pa rin at walang malay.

Itinali ni Jesy si Brix gaya ng pagtali niya sa iba.

Halos kaharap ko lang ang iba't ibang armas, at kung manlalaban ako, maliit lang ang porsyentong makakaalis kami ng buhay rito.

Itinuon niya ang pansin sa akin at itinali ako sa mismong upuang kinalalagyan ko. Binusalan din niya ang bibig ko.

Sinusundan ko lang ang bawat galaw niya, kung paano niya gisingin ang sarili naming mga kaibigan sa marahas na paraan.

Matagumpay niyang nagising ang lahat, puro daing at sigaw ang naging tugon nila kay Jesy.

Kitang kita ko ang takot kay Lucy, habang si Yohan ay hirap na hirap. Nagawa niya pang tumingin sa gawi ko at ngumiti ng pilit.

Tumakas ang mga luha ko dahil doon, ang sakit makita na nasa ganoong sitwasyon ang kaibigan mo at wala kang magawa.

Kung sa akin ay awa, naging hudyat iyon kay Jesy upang tuluyang kitilin ang buhay ni Yohan, tinanggap ni Yohan ang mga saksak sa kanya, tila tinatanggap na ang kapalaran.

Puro sigaw ng takot at pagkamuhi ang bumalot sa buong lugar.

Sa ngayon, isa na naman sa kaibigan ko ang nawala.

Thirteen Fortunes [✓]Where stories live. Discover now