Asar akong lumabas sa rest house at nagtungo sa malaking bato na nasa dalampasigan. Kahit paano ay nakakalma ako gawa ng sariwang hangin at magandang tanawin. Full moon kasi at maraming bituwin sa langit.
Yakap yakap ko lang ang sarili ko nang makaramdam ako ng presensya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil sa amoy pa lang ay kilala ko na siya.
Ang tahimik lang niya, kahit ako, walang nagtangkang magsalita sa amin. Although gusto ko siyang kausapin, nagdadalawang isip lang ako.
I heave a sigh. Ramdam kong napatingin naman siya.
"You want to tell me something? Go ahead, Ara."
Sa pagkakataon na 'yon ay tiningnan ko siya. He's holding a glass of, whiskey, I think? I don't know.
Hindi ko pinansin ang tanong niya, binalik ko na lang ang tingin ko sa langit, at naupo siya sa tabi ko.
Ilang minuto rin kaming gano'n, hanggang sa naisipan ko nang magsalita.
"You know what, Shaw, ayaw ko sanang tumuloy rito." Pagsisimula ko nang hindi siya tinatapunan man lang ng tingin.
Natawa lang siya, as if hindi naniniwala sa sinabi ko. Hindi ko siya masisisi, dahil alam niyang gusto ko rin ang ideya na magbakasyon kami, pero iba ang dahilan ko rito.
"I had a vision." Then I saw his reaction.
Hindi siya nagsasalita, pero alam kong curious siya.
"When we planned this trip, noong nagpunta ako ng locker, I had a vision," Panimula ko sa pagku-kwento. "It shows our trip, na may mangyayaring hindi maganda."
Wala pa rin siyang imik, hinahayaan niya lang akong magsalita, gusto niya atang tapusin ko ang sasabihin ko.
"I saw, blood, murder, betrayal... pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin, hindi ko alam kung paano, kung bakit, at kung sinong gagawa, kaninong plano." Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko.
May bigat sa loob ko, hindi ko alam, pero may halong galit na kung saan nagmumula. Tiningnan lang ako ni Shaw, pagkatapos ay inalo niya ako sa pag-iyak at niyakap.
"Ara, walang mangyayaring masama. And I won't let anyone harm you. Hush now, I'm here." Hinaplos haplos niya ang buhok ko, sinusubukan akong pakalmahin.
Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang sariling luha, sinusubukang ibalik ang postura ko kanina.
Batid naman niyang kumalma na ako kaya tumayo siya at nag alok ng kamay. Tinanggap ko naman iyon at tumayo na. Matapos ay ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.
"Let's get back there, magdinner na tayo, baka tayo na lang ang hinihintay nila."
Pagbaba namin sa bato ay bumungad sa amin si Brix, kaya napabitaw ako sa kamay ni Shaw. Ramdam kong bigla siyang nanlamig at sumeryoso lalo. Nakita niya panigurado ang kamay namin ni Shaw na magkahawak.
Tumalikod na lang siya at naglakad pabalik sa rest house. Sinundo niya siguro kami, at tama ako.
Pagbalik sa rest house ay kami na lang ni Shaw ang hinihintay.
Ang daming pagkain na nakahain sa hapag. Nagtatawanan silang lahat. Nang nagsimula kaming kumain ay puro kwentuhan sila, tungkol sa lovelife, sa school, at kung minsan pa ay sa sex life nila, habang ako ay tahimik lang na kumakain habang nakikinig.
Napansin naman iyon ni Jesy, kaya nagtanong siya na ikinatahimik ng lahat, nakatutok lang sila sa akin habang naghihintay ng sagot.
Ang awkward lang, kaya nakayuko lang ako at napatigil din sa pagkain.
"Don't mind her, she had a vision." Si Shaw ang sumagot.
Nagtaas ako ng tingin at nakita silang nakatingin pa rin sa akin, gusto ata nilang sa akin manggaling ang kwento, but no. I won't tell them, ayaw kong isipin nila.
Pero si Shaw na ang nagsimula. "She had a vision that we'll get a bloody vacation, someone will betray us and will murder us all." Tuloy tuloy na pagku-kwento ni Shaw.
Nakita ko naman ang sari-saring reaksyon nila, hindi naniniwala ang iba, ang iba naman ay natigil talaga sa ginagawa, ang sama nilang tumingin lalo na iyong tatlong babae na kaibigan ni Lucy.
"I thought wala ka nang kakayahan to see fortunes and to use your vision?"
Napalingon ako kay Lucy na nagtanong. How did she knew I can see someone's fortune? Ang alam ko ay hindi niya iyon alam.
"She had her vision when we ended our plan for this vacation." Si Shaw ang sumagot.
"I had my vision noong pauwi ako at dumaan sa locker room. Hindi ko alam pero biglaan 'yon, after that nagpunta ako sa music room at nagising na lang ako sa kwarto ko."
Ako na ang nagpaliwanag, ayaw kong may isipin silang kung ano o sabihing pinagtatakpan ako ni Shaw dahil sa siya ang sagot ng sagot sahalip ako dapat.
Tahimik lang ang lahat dahil doon, ipinagpatuloy ang pagkain at mabilis din itong tinapos at nagtungo na sila sa kani-kanilang mga kwarto, kahit ako. Hindi nila pinansin ang kwento ko pero alam kong pinag iisipan nila iyon at alam kong bumabagabag sa kanila.
Hindi ko sila masisisi, buhay ang pinag uusapan, totoo man o hindi ang nakita ko, mabuti na rin na mag ingat.
Hindi nga lang nila ako pinansin hanggang sa makatulog kaming lahat.
Alas singko pa lang kinabukasan ay nagising na ako, gising na rin si Jesy at Sachie, iyong kaibigan ni Lucy. Ginising na ni Sachie ang dalawa pa nilang kaibigan, habang ginising naman ni Jesy si Lucy. Hindi ko lang alam kung gising na ba ang boys.
Naligo ako at nag ayos, nagsuot ako ng skirtini swimsuit, ayaw kong maging gaanong revealing, kaya pinatungan ko pa ito ng see through croptop. Tinali ko ang buhok ko sa bun na 'Evil Mom' style.
Napagkasunduan kasi nila kagabi na magliwaliw sa dagat pagkatapos kumain ng breakfast.
Kasabay ng paglabas ko ang paglabas ni Shaw, nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik. Mukhang nakaayos na nga sila.
Nang makababa ay sunod sunod na silang nagsibaba at tumungo sa dinning area, ready-ng ready sila dahil ang mga boys ay naka board shorts na lang at ang girls naman ay naka swimsuit na rin.
Nagtatawanan ang lahat na akala mo walang narinig na banta kagabi patungkol sa mga buhay.
Nagtuloy tuloy lang ang ganoong daloy hanggang sa ilagay na sa hapag ang mga pagkain, madami iyon tulad kagabi, pero ayaw kong kumain kaya nagpunta ako sa kusina, magtitimpla ako ng kape.
Hawak ang tasa ay papalapit na sana ako sa counter nang makaramdam ako ng sakit sa ulo.
Parang pinipiga ang ulo ko sa sakit kaya napahawak ako roon.
"Takbo, takbo!"
"Hindi ka makakaalis dito!"
Sobrang dami ko pang naririnig na kung anu-ano, pati na ang mga larawan na nakikita ko tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Nakakakilabot, puro dugo!
"Arghhh!" Napasigaw na ako sa sakit at dinama ng dalawang kamay ko ang ulo ko. Nabasag din ang tasang hawak ko at unti-unti ay napaluhod ako.
"Ara!"
Hingal ako nang napatingin sa kanila, inalalayan ako ni Shaw patayo, at pinainom ako ni Brix ng tubig, mataman silang nakatingin sa akin.
Nang maka recover ako ay tiningnan ko sila isa isa, kulang kami.
"Ano bang nangyari?"
Hindi ko pinansin ang tanong at nagmadali akong bumalik sa dinning area, pero walang tao doon.
Tinungo ko rin ang mga kwarto pero wala sila.
Pagbaba ay nakasalubong ko si Lucy at Jesy, kaya agad ko silang niyakap.
"W-what happened?" Nagtatakang tanong ni Jesy.
Gaya ng nauna ay hindi ko rin sila pinansin at bumalik sa dinning room, nandoon silang lahat at naghihintay.
Pero wala pa rin siya.
"Si... S-si Aries?"
![](https://img.wattpad.com/cover/134030505-288-k808166.jpg)
YOU ARE READING
Thirteen Fortunes [✓]
Mystery / ThrillerHaving an ability to see someone's fortune and future isn't easy for Tiara. She thought it was gone through years, but what if one day, she just found out something, which also the time that their life is in danger? Would she use her ability to help...