Masusi ang ginawa nilang pagpa-plano. Anim na lang kami at hindi malalaman kung sino ang susunod. Dahil sa huling kaganapan, napatunayan lang na kayang kaya ng killer na tapusin kami ng walang kahirap hirap. Idagdag pa na, baka isa sa amin ang killer. Hindi malabo, dahil alam na alam ng killer ang pasikot sikot ng bahay.
Mahirap magturo ang daliri sa isang tao, kaya mabuti nang manahimik na lang at mag-ingat sa pansariling kapakanan. Alam kong hindi lang ako ang ganoon ang iniisip, ganoon din sila panigurado.
Nagpahinga kami matapos ng pag-uusap. Ilan sa napag-usapan ay ang pag-iingat. Kailangan naming maging mapagmatiyag at alerto, dahil hindi alam kung kailan aatake ang killer.
Napagkasunduan din na walang lalabas ng rest house hanggang hindi dumadating ang mga pulis, na alam naman naming imposible dahil hindi kami makakatawag agad, mahina ang signal dito.
Nagbilin din sila na parating magdala ng patalim o kahit ilagay sa malapit sa amin, nang sa gayon ay may pang depensa kami sa oras na umatake ang killer, maganda nang maging handa.
Hindi na lang ako umangal dahil para rin naman sa kapakanan naming lahat ang mga bilin nila.
Natulog kami ng sama sama sa iisang kwarto, para mas mabantayan namin ang kilos at galaw ng bawat isa. Kanya kanyang pwesto ang ginawa namin. Si Yohan at Shaw ay boluntaryong nagpaubaya na sila na ang matutulog sa sahig upang bigyan kami ng espasyo sa mga kama. Hindi na rin ako umangal, ni wala akong imik.
Ni hindi ko alam kung dapat ba akong magtanong o dapat bang may sabihin sa kanila, kaya minabuti ko na lang na humiga at subukang matulog, na hindi rin nangyari.
Nakapikit lang ako sa pagdaan ng ilang oras na pagkakahiga, kahit huni ng mga kuliglig ay rinig na rinig ko. Pati ang yabag ng kung sino.
Narinig ko rin ang mahinang pagkabali ng buto at munting daing. Ni hindi ko magawang gumalaw sa takot na baka pati ako ay madamay. Mahirap pero kailangan, mahirap na pigilan siya.
Sa ngayon ay masasabi kong makasarili ako, dahil ayaw ko pang mauna, ayaw kong mamatay sa ganitong paraan. Kung kaya ko lang ay kanina pa ako nagsagawa ng hakbang laban sa mamamatay tao na ito.
Narinig ko ang mumunting yabag, palabas ng kwarto. Ilang minuto pa akong naghintay at nakiramdam, pagkatapos ay dahan dahan akong tumayo sa pagkakahiga.
Sinuri ko muna ang paligid ko, at laking gulat ko na lang nang bumangon din isa isa ang mga kasama ko. Gising din sila.
Kumislap sa dilim ang luhang nagbabadya sa mata ni Lucy, ramdam ko ang takot niya.
"G-guys." Tawag niya, ni hindi alam kung paano magsisimula, at hindi maiproseso sa isip niya ang mga nangyayari.
Agad naman akong tumayo sa kama at inalo siya. Niyakap ko siya at doon siya humagulgol ng iyak habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"I-I... I can't b-believe this." Patuloy siya sa pag iyak.
Gulong gulo naman si Brix at naihilamos na lang sa kanyang mukha at ginulo ang buhok, halatang naf-frustrate sa mga nangyayari.
"Hindi ko akalain na siya. Hindi ko man lang naisip o hindi man lang sumagi sa isip ko na siya ang gagawa nang lahat ng ito."
Tahimik lang ako, ni hindi ko alam ang dapat kong sabihin. May parte sa akin na natatakot, at may parteng nakokonsensya, dahil hindi ko man lang natulungan ang mga kaibigan ko.
Hinintay lang namin na tumahan si Lucy, tahimik lang kaming lahat at nakikiramdam sa maaring mangyari. Nang masiguro na walang sinuman ang nasa paligid ay nagsalita si Brix.
"We should act."
Naguluhan ako sa sinabi niya, ni hindi ko alam ang gusto niyang iparating.
"Um-akto tayo na hindi natin alam na siya ang pumapatay. Hayaan natin siya. Mahihirapan na siya dahil apat na lang tayo at nakuha na niya si Yohan. Malamang, bukas..." Nag aalangan pa siya sa susunod niyang sasabihin, pero ipinagpatuloy pa rin. "Patay na si Yohan."
Nakatulala lang si Lucy habang si Brix ay pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Kung sakaling may kunin pa siya sa isa sa atin, hindi na tayo dapat pang magsawalang bahala, kikilos tayo agad."
Sinang ayunan namin ang plano ni Brix, hindi kami natulog, nakiramdam lang kami buong magdamag. Hinihintay kung may susunod na hakbang ang killer. Pero wala.
Naramdaman ko na lang ang pagpasok ng isang katauhan sa loob ng kwarto, lumangitngit pa ang kama kaya siguradong nahiga siya ulit.
Nakalma ang sistema ko dahil doon. Kaya nang makaramdam ng antok ay hinayaan ko na lang hanggang sa makatulog, alam ko, mahirap na ang haharapin namin bukas.
At handa ako.
YOU ARE READING
Thirteen Fortunes [✓]
Misterio / SuspensoHaving an ability to see someone's fortune and future isn't easy for Tiara. She thought it was gone through years, but what if one day, she just found out something, which also the time that their life is in danger? Would she use her ability to help...
![Thirteen Fortunes [✓]](https://img.wattpad.com/cover/134030505-64-k808166.jpg)