"Arghhh!"
Daing na agad sumakop sa pandinig ko.
"T-tama na." Paghingi ng tawad ni Yohan.
Hindi na bago sa akin ang lugar kung nasaan ako, dahil sa nanggaling na ako rito noon, at pamilyar na pamilyar ang masangsang na amoy at ang madilim na tunnel na ito.
Nandito na naman ako sa kinalalagyan ko noong nakaraang napunta ako rito.
Gaya noon ay nakalatag ang iba't ibang kagamitan sa mesa, kung tutuusin ay nadagdagan pa ito. Nadagdagan pa ng iba't ibang uri ng kutsilyo, at sa isang gilid ay may shelf na kinalalagyan ng iba't ibang klase ng baril.
Hindi na tama ito.
Kitang kita ko mula rito si Yohan na nakatali ang kamay sa kadena na nakasabit. Akala mo tulog dahil sa pagod at may ilang pasa, wala rin siyang ibang suot kundi ang boxer short niya.
Nakaupo naman ang isang tao sa upuan na katapat lang ni Yohan, animo hinihintay na mabalik ito sa ulirat upang ipagpatuloy ang nasimulang pagtorture sa biktima.
Tahimik lang akong nagmasid, hanggang sa itaas ni Yohan ang ulo niya, nakangising tumayo ang killer at kumuha ng maliit ka kutsilyo sa mesa.
Pinaikot niya ito sa kamay niya na animo'y bihasang bihasa sa paggamit nito.
Lumapit siya kay Yohan na takot na takot, sinusundan nito ang bawat galaw ng killer at mataman na nakatingin sa kutsilyo.
Napatakip na lang ako sa bibig nang makita ang mabilis na pagbaon ng kutsilyo sa hita ni Yohan, paos na sumigaw ito. Gustong gusto niyang kumawala dahil halos kumalas na ang kadena sa sobrang likot ng kamay niya.
Habang nakatarak pa rin ang kutsilyo ay kumuha na naman ng panibago ang killer at agad din itong pinatama sa isa pang hita ni Yohan.
Walang magawa si Yohan kundi ang dumaing at magtiis sa sakit. Batid kong gusto niyang isalba ang sariling buhay at manatiling buhay hanggang sa kanyang makakaya. Kahit ako, ganoon ang gagawin ko.
Gusto ko man tulungan si Yohan ay hindi ko magawa, tila napako na ako sa kinatatayuan ko at tanging ang manuod lang ang kaya kong gawin.
Pinanood ko ang pag alis ng killer, si Yohan ay patuloy sa pag iyak at nakabitin na sa kadena dahil sa hindi makatayo ng maayos.
Ilang minutong ganoon lang ang senaryo sa loob ng tunnel, hanggang sa biglaang mag-iba ang lugar na kinalalagyan ko.
Sa kwarto, nakita ko kung paano siya humiga sa kanyang kama, animo'y walang ginawang krimen, nagawa pa niyang magdasal. Pero hindi siya natulog, hinintay niya ang oras na lumipas, hanggang sa kumilos na siyang muli.
Napanood ko kung paano niya nilapat ang panyo sa bibig ng isa na namang biktima, sinundan ko lang siya hanggang sa makarating sa isang manhole sa likod ng bahay.
Ang lakas niya dahil nakaya niyang buhatin ang isang katao, tapos ay itinapon na lang niya basta sa loob ng manhole.
Iniwan niya lang ito, kaya dali dali kong pinuntahan ang manhole upang silipin.
Madilim sa loob, at hindi ko maaninag. Pagtalikod ko ay siya kong kinagulat ang presensya niya, at naramdaman ko na lang ang marahas na pagtulak niya.
"Tiara! Gising!"
Napakabalikwas ako dahil sa tawag ni Lucy, bumungad sa akin ang mukha niyang nag aalala at halos maiyak. Ramdam ko ang pawis ko at ang mabilis na tibok ng puso ko, pero isinawalang bahala ko lang ito. Takang taka ko siyang tiningnan at nagsimula na siyang umiyak.
"N-nawawala si Shaw." Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi ni Lucy.
"Ano? Hindi! Paano?"
Napatayo na ako dahil doon. Ni hindi namin namalayan na nawawala na ang isa sa amin! Ang bilis ng mga pangyayari. Umaga na at ito ang bubungad.
Hindi na tama, plano niyang ubusin kami, at hindi iyon pwede!
Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok habang pabalik balik na naglalakad, inaalala ang masamang bangungot kagabi. Ni hindi ko alam na si Shaw pala ang sinasalamin ng panaginip na iyon.
Napahinto lang ako dahil sa pagdating ni Brix, kitang kita ang lungkot sa mata niya. Agad ko siyang dinaluhan ng yakap.
Hindi ko na gusto ang nangyayari, ayaw kong pati siya ay madamay.
Mahigpit niya akong niyakap na nagpatakas ng mga luha sa mata ko, umiyak lang ako sa kanyang balikat, hindi ko alam kung paano ito tatapusin.
Hindi ako makapag isip ng maayos at hinayaan lang ako ni Lucy at Brix sa kama habang nasa tabi ko lang sila.
Siguradong hindi na babalik dito ang killer dahil alam niyang kilala na namin siya.
Hindi ko lang inakala na aabot sa ganito. Kaya naman nang makaramdam ako ng kaunting ginhawa ay agad kong sinabi sa kanila ang naging panaginip ko.
Iyak lang ang naging tugon ni Lucy, habang si Brix naman ay walang imik at hindi alam kung ano ang dapat sabihin, pero halata sa kanya ang galit.
"P-paano, k-kung ako ang, i-isunod niya? I d-dont want t-to die, Tiara."
Kahit ako, ayaw kong mamatay sa ganitong paraan, ayaw kong sa ganito magtapos ang buhay ko.
Niyakap ko lang siya, kami na lang ang natitira at ang bawat isa na lang ang pwede naming gawing sandalan.
Humugot ako ng buntong hininga at kumawala sa yakap niya, at pinabalik balik ko ang tingin sa kanila ni Brix bago magsalita.
"Haharapin natin siya." Matapang na sagot ko.
Walang magagawa kung hindi namin haharapin ito, dahil kailangan.
"Ihihinto natin ang kahibangan ni Jesy."

YOU ARE READING
Thirteen Fortunes [✓]
Mistério / SuspenseHaving an ability to see someone's fortune and future isn't easy for Tiara. She thought it was gone through years, but what if one day, she just found out something, which also the time that their life is in danger? Would she use her ability to help...