Ika-pitong Kabanata

1.8K 30 0
                                    

Jesse's POV

Isang buwan na ang nakakalipas ng mangyari ang kapahamakan sa buhay ko. Nagpapasalamat ako sa nagligtas sa akin. Pero sa Diyos parin ang lahat ng Pasasalamat. Salamat sa pamilya ko dahil Hindi nila ako iniwan sa lahat ng Bagay. At nalagpasan ko ang trauma.

Nandito na ako sa school. Malapit lang sa workplace ng Papa ko. Minsan hinahatid-sunod niya ako. Buti na lamang at mabait ang kanyang young master.

Naglalakd ako ngayon sa field mag-isa. Di ko pa nakikita yung bestfriend ko. Different course kasi pero childhood friends kami. Sadly, lumipat sila ng bahay.

"Pssssttt....!"

"Pssssttttt..!!" nilingon ko ang nasa likod ko pero Wala naman akong nakikitang tumatawag o Kaya sumusunod sa akin. Baka guni-guni ko lang yun. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Lakad, Lakad, Lakad......

"Pssssttt!" peste to a kanina pa a.. Paulit-ulit kong naririnig yan at parang ako ang sinusutsutan. Aba ang bastos naman.. Binilisan ko na lang ang paglakad ko hanggang sa nakarating ako sa pahingahan namin ng beatfriend ko. Sa ilalim ng acacia tree. Mahangin dito at masarap mag-Aral. Peaceful at nakakastress-free. Dito kami madalas magstay ng bestfriend ko.

"BULAGA!!!!" tumaas ang mga balahibo ko at napapikit ako sa gulat.

"Hahahahhaha!!.. Boo....!!!" humarap sa akin ang nanggulat sa akin.

"Hoy babae!!! Alam mo bang Hindi ka nakakatuwa?!" pagtataray ko. Tinaas ko rin ang isa kong kilay.

"Ano ba yan boo.!!! Hindi ka ba nasurprise? Hahaha" Nakangiti siya. Hindi ko na siya inimik. Bahala siya. Di ako nasurprise. Muntik na akong mamatay sa nerbyos.! Goodness.!..

"Uy boo. Sorry na. ito naman Di na mabiro.." Umupo na siya sa tabi ko at pinisil ang mukha ko.

"Arrrraaaaaaayyy...!" hinampas hampas ko ang kamay niya. Panay ang sorry niya pero Di ko siya pinapansin. haha. Bakit ba?? Trip niya ako, trip ko rin siya... "Jasmine Cavalencia!!!!!!!!!" sigaw ko sa kanya masyado kasing maingay. hahah...

"Sorry na nga kasi e.!!!" sumandal siya sa puno at nagcross-arm, nagpout pa nga ang babae. Hahahaha.. Ang cute niya lang. Simple.siyang babae katulad ko Kaya nagkasundo kami agad nung bata pa lang. Accountancy ang course niya at aaminin kong matalino siya at maganda. Mahal ko tong babaeng to..

Tumayo ako para pumunta ng canteen. Nagugutom na rin naman ako. Hinihintay ko kasi yung text ni Papa kung susunduin niya ako or Hindi. Tinignan ko lang si Boo.

"Ahm. Boo....." Di niya ako pinapansin. Hahahah.. My plan worked.

"Tara Kain tayo, libre ko." Napatingin siya sa akin at ang kaninang nakasimangot na mukha ngayon ay naging maladiwata ang ganda. Sabi na nga ba e. Basta't libre at pagkain..

"Sure! Tara?" o Diba.. hahahah.. Dapat siya manlibre at Hindi ako. Di hamak na mayaman siya kesa sa akin.

"Ahm, nagbago na pala ang isip ko. Since ginulat mo ako at kasalanan mo yun.... Ikaw ang manlilibre, or else........" Napakunot ang ulo niya. Hahahah... "Di mo na makikita ang kuya ko forever..! hahaha.."

"Ah e. Sige! ako na ang Taya. So makikita ko pa kuya mo." napakamot siya ng ulo. Nakakatuwa talaga itong babaeng to Basta kapag patungkol Kay Kuya.. Kasi.... Matagal na niyang gusto si Kuya. 7 years agwat nila. pero okay lang sa kanya kasi 'Age doesn't matter' ayon sa kanya.

Nagpunta na kami sa canteen at bumili na ng pagkain namin. Syempre Libre niya!!!! hehe.. Nakatanggap ako ng text mula Kay Papa. Hindi niya ako masusundo dahil sasamahan niya si young master niya sa isang launch ng sasakyan. Hayy. ang yaman talaga nila..

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon