Book 2- XIX

1.4K 24 0
                                    

Pasensya na po sa wrong grammars and spellings. I can make mistakes so please bear with me. If my time ako I'll try to revise those errors.

Anyways... Maraming salamat po sa pagbabasa nito. Hindi ko man kayo kilala at maski matapos ko ito ng walang nagbabasa okay lang. I really enjoyed writing this book.
Malapit na po ito magwakas at sana magustuhan niyo.

Please vote and comment po. <3 Thank you..

#RobSee

-yuNmi_07


Robert

Two weeks had past since Jesse woke up and I am very happy right now seeing the woman I love and that little boy who completed us. Gusto ko mang sabihin sa buong mundo how much I'm blessed to have them both in my life but there's something I want to clear first. Ilang araw at gabi na rin akong binabagabag dahil hindi ko pa talaga nakakausap ng masinsinan si Jesse about our son and to apologize and ask for forgiveness.

Hindi ko kasi siya masolo. Everytime nandito ako sa bahay ni Keith bantay sarado ang mga nagmamahal kay Jesse. I know they are just protecting her. Hindi ko sila masisisi. Pero gusto ko na siyang makausap.

As I was looking at my son in his crib sleeping I can't stop smiling thinkinh how similar we are. Halos lahat ng features nakuha niya sa akin only one thing na naiba ay ang labi niya na nakuha niya sa Mama niya.

And I laughed with the thought na baka mahumaling ang mga babae sa anak ko dahil sa labi niyang kay nipis at pula kung saan isa iyon sa pinakakinahumalingan ko sa Mama niya.

Natigil lang ako sa pagiisip ko when my Dad wants to talk to me. Sumunod na lang ako sa kaniya patungo sa library ng bahay ni Keith.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay nakita ko na si Mr. Ramirez, Kiel at Mom na wari ko'y kanina pa kami hinihintay ni Dad.

"So let's start?" panimula ni Dad. I can't explain what I'm feeling right now. Kinakabahan ako bigla lalo na nung magtama ang mga mata namin ni Mr. Ramirez.

Ito na ba siguro ang hinihintay kong pagkakataon lalo na at hanggang ngayon ay hindi ko pa naibibigay ang regalo ko para kay Jesse.

*

Jesse

Sunday ngayon at napagpasyahan nila Ate Sophie na lumabas muna ang pamilya nila. Gusto sana nila akong isama kaya lang pinagbabawal pa ng doktor na lumabas ako ng bahay. Baka raw magrupture yung mga sugat ko at magkakomplikasyon pa ako. Kaya heto ako mag-isa sa bahay. Sinama kasi nila si Love.

Nagstay na lamang ako sa veranda dahil ito ang place ng bahay na mararamdaman mong peaceful. Ang dami ko tuloy napagtanto...

Simula ng magising ako hindi na umaalis sa tabi ko si Rob. Aalis man siya para lamang mag-CR. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo-halo ang emosyon na pumapalibot sa dibdib ko.

Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang magkakasundo agad ang mag-ama ko. Kahit maliit at hindi pa masyadong makaintindi ang anak namin ay ramdam na ramdam kong masaya siya na kasama ang ama niya. Ganun din kay Rob, na akala ko hindi na siya magbabalik sa buhay namin pero heto siya at patuloy na ginagampanan ang pagiging ama niya kay Robbie.

Nalulungkot ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa siya nakakausap ng masinsinan. Yung malaman ko lahat sa kanya. Yung masabi ko rin lahat ng hinanakit at kung gaano ko siya kamahal.

Oo. aaminin kong Mahal na mahal ko pa rin siya. Lalo na ngayong nakikita ko kung gaano siya kasayang makita at makasama ang anak namin. At syempre gusto ko rin humingi ng tawad sa kanya at marinig kung mahal pa rin ba niya ako.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon