Chapter 7

363 15 1
                                    

Chapter 7

Today is our graduation day. It's also my eighteenth birthday. Sinabi ko na kay mama, that all I want is a simple celebration. Na magdinner nalang kami sa labas after my graduation.

Kontento na din naman ako, that after 6 years of hard work it all finally payed off. The greatest gift that I will ever receive is probably my high-school diploma.

Nakabihis na ako, suot ko na ang aking toga at ilalim nito'y isang puting bestida, nakabihis na din sila Alice at Mama, hinatid na kami ni manong sa school.

Nang makarating kami ay marami nang tao, pawang everyone ay excited. I am, too.

Pumasok na kami nila mama sa Auditorium kung saan gaganapin ang graduation.  They went to the parents section, at nagtungo naman ako sa student's where I saw Prim, Misy and Kirsten. Naupo na ako sa tabi nila. Nagsimula na ang program at bumulong sa akin si Misy.

"Hepi Birtdi" bulong niya sa tenga ko in a weird accent.

"Happy Birthdaaaaay, Frans." sambit na Kirs.

"HBD." tipid na sinabi ni Prim, I smiled at her.

"Joke lang. Happy Birthday; nakakainis yung mga taong ganoon, once a year na nga lang mag-bibirthday yung tao, ganoon pa eh." dagdag niya.

Tinatawag na ang mga pangalan, ang mga estudyante ay kanya kanya nang naglalakad, at nagbobow sa gitna, habang tinatanggap ang kanilang diploma.

Ganito pala ang pakiramdam, masaya pero nakakaiyak dahil mamimiss mo ang mga dati mong classmates at teacher. Bumabalik pala lahat nang memories simula noong unang pag-pasok mo.

Na mukha pa kayong mga nene at totoy noon.

Tinawag na sila Misy, Kirs at Primiella. Ako nalang hinde, dahil sa "V" pa nagsimula ang apelyido ko.

"Francisca Avery Vasquez, graduate with honors."

Naglakad na ako papunta ako, pa-akyat nang stage, nakita ko na papunta na din si mama. I shaked the principal's hand, and she handed me my diploma. Isunuot naman ni mama ang medalya sa ulo ko. As we face the crowd and smiled, as the photographer took pictures.

Matapos noon, the Valedictorian and Salutatorian who is Beaury, gave their speeches. Naiiyakan na halos lahat, dahil after this they would each go to their separate ways.
Medyo naluluha na din ako, habang magkakagroup hug kami nila Kirsten.

Mamimiss ko ang school na ito.

Mamimiss ko ang mga teachers.

Mamimiss ko ang mga classmates ko.

Mamimiss ko yung tindera at yung lutong pagkain sa cafeteria.

Mamimiss ko lahat, pero masaya pa din ako dahil alam ko na magkakasama pa din kami nila Primiella, Kirsten at Misy after this.

Matapos ang graduation, we took a class photo, at sabay sabay naming hinagis ang cap namin sa ereh.They took a good picture, pero hinde na namin alam kung alin doon ang pagmamay-ari namin. But still, it was fun.

Alas siete na nang matapos ang graduation. Sinundo na kami ni Manong, papunta na kami sa Lakeside. Sinabihan na din ni mama sila Misy, Prim at Kirs na sumunod nalang.

I removed my cap and gown.

Nakaputing bestida na lamang ako.

Nang-makarating kami sa Lakeside, bumaba na ako. Nang naramdaman kong may nagtakip sa mga mata ko. Napatili ako, but then I calmed myself down. Dahil alam ko naman na I'm safe dahil kasama ko naman sila mama.

The Death of Gabriel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon