Chapter 14
Nagpatuloy na ako at sumakay na sa driver's seat, at nag-paalam na kila Luis at James.
Pumarada na ako sa harap nang dorm. Nauna na umakyat si Beaury at pumasok na sa kanyang kwarto. Medyo nahimasmasan na rin si Kirsten.
Prim on the other hand helped me para alalayan si Misy pa-akyat upstairs, dahil nakatulog na ito. Siya ata ang may pinakamaraming nainom kanina. Matapos noon ay dumiretso na si Primiella sa banyo.
I removed Misy's shoes, at inayos siya ko na rin siya sa pagkakahiga. Pa-alis na ako, when she grabbed my hand. Napatingin ako sa kanya, nakita ko siyang bumangon at dahan dahang umupo, and then she started crying.
"Francisca .." she called my name.
Umupo ako sa gilid nang higaan niya.
"Bakit Misy?" pag-aalalang tanong ko.
"Ang sakit sakit sakit na dito." sambit niya as she lightly pat her chest area, umaagos ang mag luha sa mga mata niya.
"Break na kami ni Leon..."sambit niya habang humagulgol sa pag-iyak.
"Ano ba yung ginawa kong mali, ano ba yung pag-kukulang ko?"
"First boyfriend ko si Leon. Alam mo yun? Siya yung unang taong minahal ko nang ganito. Sobrang dami naming pinangako sa isa't isa; na sabay kaming ga-graduate, saan kami ikakasal, saan kami titira, ilan ang balak naming maging anak..."
"Ganito pala ang pakiramdam kapag iniwan ka sa ere, yung pakiramdam na lumalaban ka pa pero siya pagod na."
"Mahal na mahal ko siya eh. Mahal, na mahal, na mahal ko ..." I can feel the pain in each and every single word she say, ramdam na randam ko.
Niyakap ko siya, hinagod ang likod, matapos noon ay mas lalong lumakas ang kanyang pag-iyak.
"Kung pwede ko lang sana turuan yung puso ko na huwag nalang siyang mahalin dahil sobrang sakit na, sana matagal ko nang ginawa."
I don't know what to say, or what to do, nanatili lang ako sa tabi niya hanggang sa tumahan na siya sa pag-iyak.
"T-hank you, Avery. Pasensiya ka na din nadala lang ako nang emosyon. Please huwag mo munang sasabihin sa iba." pakiusap niya.
Tumango ako.
"Andito lang ako palagi, kapag kailangan mo nang kausap, andito lang ako palagi. In the right time makaka-move on ka rin." I said assuringly, while looking at her sincerly, bago ako dahan dahang umalis at naglakad na patungo sa kwarto ko.
Kanina pa napansin ko na, that there must be something wrong dahil sobrang tahimik ni Misy. If she wants to keep it as a secret, then I respect her decisions.
I changed my clothes and do my usual routine at nahiga na sa kama habang nag-iisip isip. It's almost twelve.
Last week lang okay pa naman sila ni Leon, bakit ang bilis mag-iba nang ihip nang hangin. Lumabas pa nga sila para mag-date.
I closed my eyes, and took a deep breath, before falling asleep.
Kinabuksan, I woke up early. Naabutan ko si Beaury sa kusina at nakapagluto na siya.
"Guys I look terrible, grabe sasapakin ko talaga si Luis kapag nagkita kami. Hinde na talaga ako iinom ulit." bungad ni Kirsten, as she made her way and sit on the kitchen table.
Mukhang wala siyang tulog.
Si Primiella naman halos gawin nang tubig ang kape. Naka-dalawang tasa na siya, ang matindi doon black coffee pa.
Si Misy tahimik lang na kumakain, pero feel ko dead na siya on the inside. There were bags under her eyes at medyo namamaga pa ito dahil sa kanyang pag-iyak.
Stressful Monday, dahil may pasok na naman kami. Hectic ang schedule dahil sabay sabay magpa-quiz ang mga professor namin.
"Hinde ko na kaya, Frans. Sasabog na ata ang utak ko." buntong hininga ni Kirs habang naglalakad kami palabas nang school.
Nakita na namin ang kotse ni Misy ma nakaparada sa harap, at sumakay na kami, naupo si Kirs sa tabi niya.
"Let's eat somewhere guys, my treat." sambit ni Misy.
"Really? Eat all you can?" excited na tanong ni Kirsten, umaliwalas ang kaninang problemado niyang mukha.
"Oo, kahit saan, dadaanan muna natin sila Prim sa VU." sagot mi Misy.
Nginitian ko nalang siya, as she rolled down the car's window at kinawayan si Primiella.
Tumingin ako sa bintana, nakita ko ang pagsenyas ni Prim sa mga kasama niya na mauuna na siya.
Namataan ko si Gabriel si hinde kalayuan, standing beside him was Beaury. Mariin ko lamang silang tinignan, mabuti nalang at tinted itong sasakyan.
Matangkad si Beaury pero hinde hamak na mas matangkad pa rin si Gabriel sa kanya, he opened the door for her at nakita ko ang dahan dahan pag-pasok nito sa loob nang kanyang sasakyan.
"Busy pa si Beaury, may gagawin pa raw siya." anunsiyo ni Prim nang maupo siya sa passenger's seat.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga establishimentong aming nadaraanan, ngunit hinde pa rin mawaglit sa aking isipan na magkasama sila ngayong uwian.
Pumarada na ang kotse sa harap nang isang eat-all you can restaurant at bumaba na kami.
"Table for how many ma'am?" tanong nang isang waiter.
"Four, sir." sagot ni Misy.
Pumasok na kami sa loob. Maganda ang ambiance sa loob nito, mixture of antique Spanish and sinaunang bahay kubo.
"Yes, unli sisig." bulong ni Kirsten as we made our way to fill in our plates.
"And unli rice." bulong din ni Misy.
Tahimik lang akong kumain, kanina excited ako, pero parang nawalan na ako nang gana. Akala ko ba hinde sila, akala ko ba hinde sila nag-dadate?
It's their life, I shouldn't be thinking about all of these.
"Frans..." tawag ni Prim na siyang pumukaw sa aking atensiyon.
"Uh yes, bakit?" sagot ko.
"Kanina pa kita tinatawag it seems like you're spacing out. Are you okay?"
"Okay lang ako, medyo stress lang sa school." mahinahon ko ng sagot while looking down on my plate.
"Kain lang nang kain, kaya ka nangangayayat eh. Minsan lang manlibre si Misy, sulitin na natin." giit ni Kirs. Basta pagkain talaga go na go siya, must be nice kasi kahit anong kain ang gawin ni Kirsten ay hinde siya tumataba.
Matapos kumain, ay tinawag na ni Misy and waiter para makapag-bayad. He slowly made his way to our table.
"Hi James, nagpapart-time job ka pala." bungad ni Prim. Tumango si James, at tsaka tipid kami nitong nginitian.
Nakita ko ang mukha ni Misy, magkasalubong ang kanyang kilay na tila ba'y pinagsakluban nang langit at lupa. Hinde ko maintindihan kung bakit ang laki laki nang galit niya kay James.
Bumalik na si James, dala dala ang bill nang namataan ko ang pagpasok nang isang pamilyar na lalaki, may kasama itong magandang babae. Nakita ko ang pagtawa nila sa isa't isa as he held out a chair for her. The girl was wearing a cream colored dress, she has long legs.
I know that James sensed the situation, at nakita ko ang pag-harang niya sa view para hinde ito makita, mabuti nalang at busy sila Misy. Tumayo na ako at hinawakan ang kamay niya.
"Tara na guys, I still to finish some homework." anyaya ko.
"This way, Ma'am." sambit ni James, as he lead us to the way out, nang makarating sa labas ay pasimple kong nginitian si James, and I mouthed "thank you". Tumango lamang ito at nagpatuloy na ito patungo sa loob nang restaurant.
"I can't believe that James still has time to do part-time job, he's a scholar at part nang varsity. Grabe siguro ang time management na ginagawa niya." anunsiyo ni Prim, nakita ko ang pagkunot nanaman nang kilay ni Misy.
BINABASA MO ANG
The Death of Gabriel
RomanceI'm afraid to love the wrong person. How do you define who's meant and not meant for you? Is it by the way they make you feel or the way you feel things that shouldn't be even there in the first place? How do you give someone a chance, when everythi...