Chapter 18

292 19 0
                                    

Chapter 18

Medyo tanghali na nang ako'y magising, kung pwede lang matulog ako buong araw; ay gagawin ko. Dali dali akong napabangon na-alala ko na tuturuan nga pala ako magluto ni Lola ngayon.

Naligo na ako, nagbihis ng kulay maroon na pantaas at itim na pantalon at dali-daliang nagpunta sa kusina, nakita ko si mama na naroon; naghuhugas nang plato.

"Good morning ma, nasaan si Lola?" tanong ko.

"Naroon sa garden, kanina ka pa hinihintay noon." she mumbled, kaya't agad agad akong nagtungo sa labas.

I saw her laughing, kasama ang isang binata, parehong nadako ang paningin nila sa akin. Naroon si Earl, na tila ba'y close na close na agad sila ni lola.

"Oh ayan na pala siya, hijo. Francisca, mabuti naman at nakabihis ka na. Sasamahan ka ni Earl mag-grocery ngayon." she smiled, pinandilatan ko siya at nakakaloko niya lamang akong nginitian.

"Good morning, Avery." sambit ni Earl, habang pinaglalaruan nang kamay niya ang susi nang kotse niya.

"Good morning." sambit ko as I smiled at him.

"Nasa akin na ang listahan nang bibilhin natin." he said.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kotse niya.

What's wrong with my mom and my lola? Pati ba naman si Earl inaabala pa. Nakakahiya. Imbis na magbakasyon yung tao, napipilitan pang samahan ako.

He opened the door for me, at matamis niya ako nginitian. Hinde pa rin talaga siya nagbabago, siguro nasa dugo nila nananalaytay ang pagiging magalang at gentleman.Naupo na ako, nakita ko ang pagpasok niya sa driver's seat.

"Earl, nakakahiya." sambit ko, as I looked at him guiltily.

"Avery, I insisted. Wala kang dapat ikahiya. Gusto ko kapag magkasama tayo, you should feel comfortable."

I felt a lump on my throat. Nababaliw na ata ako, dahil nakikita ko si Gabriel sa kanya; sa mga kilos niya.

Maya maya pa ay pumarada na kami sa harap nang supermarket, muli niya akong pinagbuksan nang pinto, as I mumbled thank you. Pumasok na kami sa loob, as he grabbed a cart. He looks very excited.

"Mauna muna tayo sa vegetable section." sambit niya. Sinabayan ko siya maglakad habang tulak tulak niya ang cart.

"So, your grandma's going to teach you how to cook Kare-kare." sambit niya sa akin, tumango ako dahil wala akong ka-alam alam sa pagluluto other than fried foods.

Matapos namin pumili nang sibuyas, bawang, petchay, at iba iba pang nakalagay sa listahan, ay sa meat section naman ang sunod na pinuntahan namin. Tila ba'y he's an expert. Napaka-metikuloso at mapanuri niya for a guy. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya.

"Earl, kukuha na ako nang cooking oil, habang namimili ka nang meat." sambit ko, para mapadali na kami.

"Alright, I'll just meet you near the counter. Don't get lost Avery." he mumbled.

I walked down the isle para hanapin ang section nang mga mantika. Nang mahanap ko ito ay kumuha na ako ng vegetable oil at nagmadali nang maglakad patungo sa counter nang mabanga ko ang isang cart.

"Omg, sorry po." sambit ko. Mabuti nalang at hinde natapon ang bitbit ko. Nginitian lamang ako nang babae.

"Be careful next time, hija." sambit niya. Pakiramdam ko'y nagkita na kami dati; hinde ko lang talaga ma-alala kung saan.

"Opo, pasensiya na po talaga." sambit ko at tipid niya lamang akong nginitian. She looks out of this world.

"Avery, andito ka lang pala." bungad ni Earl, nakita ko ang pagtingin niya sa babaeng nabangga ko kanina. He immediately approached her, at nagmano siya rito.

"Tita, nice to see you." bati niya, as he gave her a smile.

"Nakabalik ka na pala, hijo. I'm sure Dominic will be very pleased to see you." sambit niya, and with that bigla akong nakaramdam nang kaba. My heart thumped.

She didn't age at all, kung ano ang itsura niya dati noong una kaming magkita sa simbahan. She still looks like an angel, in fact she looks even more beautiful.

"I'm going to call him soon, Tita Priscilla. Say hi to Tito Gabriano for me. Mauuna na po kami." sambit ni Earl as he smiled, he put his hand on my shoulder at naglakad na kami papunta sa counter.

Earl insisted to pay, sobrang nakakahiya na talaga sa kanya. Matapos namin mamili ay hinde pa rin ma-alis sa isip ko ang mommy ni Gabriel. What a small world.

Ibanaba na namin ni Earl ang mga pinamili at dumiretso na siya papasok sa bahay, his tall large figure made it seem na sobrang gaan lang nang mga binubuhat niya, mariin ko lamang siyang sinundan papunta sa kitchen.

Inilapag na namin ang mga pinamili. I saw Earl grabbed a chopping board, nakita ko rin ang pagkuha niya nang bawang at sibuyas.

He washed his hands, at kinuha niya na rin ang kutsilyo.
Nakita ko si lola na nakangiti habang pinagmamasdan kami, she was getting the caseroles at iba pang mga gagamitin namin sa pagluluto.

"This is how you properly cut an onion." sambit sa akin ni Earl as he skillfully demonstrated how to do it.

"There are different ways to do it; chopped, diced, cubes, minced." he said professionally at mariin kong pinakinggan ang bawat sinasabi niya. Nakita ko ang pag-ngiti niya nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya.

Matapos maghiwa ay tinawag na kami ni lola, ipinakita niya sa amin kung paano lutuin ang kare-kare. Nakita ko ang seryosong mukha ni Earl habang pinapanood ang pagluluto; he's even writing down some notes.

Matapos magluto ay naghugas na ako nang kamay at naghain na. Naglagay na ako nang mga plato; may pinuntahan sila mama at Alice kaya wala sila ngayon.

Naupo na ako, at umupo na rin si Earl sa tabi ko. Inabot niya sa akin ang lalagyanan nang kanin at the kumuha ko rito.

I saw him smile as he took his first bite of Kare-kare. Akalain mong kumakain pala siya nang bagoong.

"Ay naku hijo, hinde talaga maikakaila that being a chef is destined for you." sambit ni lola, si Earl kasi ang nagtimpla nito ayon sa kanyang panlasa.

Sumang ayon ako sa sinabi ni Lola.

Matapos kumain ay nag-volunteer pa na maghuhugas si Earl, pero hinde pumayag si Lola. Sobra sobra na ang ginawa niya, I can't believe that Tita Ysabelle raised his son to be this humble and caring.

Napaka-swerte talaga siguro nang babaeng nagugustuhan ni Earl; he's not just a boyfriend material, yung tipong husband material din.

"Sobrang thank you talaga Earl." Sambit ko, kasalukuyan kaming naglalakad papunta as gate.

"Please stop saying "thank you". I had fun, Avery. See you at the party tomorrow." he mumbled. Nagtama ang paningin namin; his dark eyes reminded me of someone. Pero nawala lahat nang iyon when he smiled. Oo nga pala, it's Tita Ysabelle's birthday tomorrow.

Isinarado ko na ang gate at pumasok na sa loob ng bahay.

"I really, really like him for you, hija." bungad sa akin ni Lola. Pero iba po ang gusto ko, at iba rin ang gusto niya.

The Death of Gabriel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon