Chapter 10
"Good morning!" sigaw ni Kirsten, habang bumaba ito sa hagdan.
Nagulat ako at muntik nang matapon ang dala dala kong kape.
Sumaryosep, akala ko naman kung ano na.
I sat down on the table kung nasaan kasalukuyang kumakain sila Misy at Primiella nang umagahan. Hinde umuwi si Beaury dito kagabi sabi niya she went home to their family house.
Sabado ngayon, hinde ko pa alam kung anong plano namin. Mamaya pupunta ako sa library nang school to return some books, dahil due na ang pagsasauli noon ayokong mag-multa. I didn't have time to return it yesterday.
"Anong plano natin today guys?" mahinanong tanong ni Prim.
"Mag-grocery tayo today." sambit ni Misy.
She's right paubos na din kasi ang stock naming pagkain sa ref.
Matapos kumain ay nag-bihis na kami. I wore a white blouse, light blue pants, and some flat shoes. Dala ko na din ang mga librong isasauli kong mamaya.
Makulimlim sa labas ngayon, I hope it doesn't rain later.
Nagpunta kaming apat sa isang grocery, I was the one pushing the cart.
"Meron nang mga pagkain, toiletries meron na din." I was walking next to Prim as she slowly made sure that we got everything on the list.
"Bili na din tayo nang one gallon ice cream." sambit ni Kirsten noong napadaan kami sa ice cream section. Primiella nod at her.
Strawberry ang favorite flavor ko, but I don't mind if it will be another flavor.
"Yung half chocolate, half vanilla." sambit ni Misy.
Matapos noon ay nagbayad na si Prim, every month isa sa amin ang nagbabayad, there's just a maximum price set.
Madami dami itong pinamili namin. Inilagay na namin ito sa compartment nang sasakyan ni Misy.
"Frans, idadaan ka muna namin sa school?" tanong ni Misy.
"Oo, isasauli ko yung mga librong hiniram ko. Huwag niyo na ako hintayin, I'll just walk pauwi." sambit ko.
Huminto na si Misy sa harap nang gate nang school, and I slowly removed my seatbelt, bumaba na ako bibit ang tatlong makakapal na libro.
"Uwi ka din agad Frans, I'll bake cupcakes." pahabol ni Kirsten.
Pumasok na ako sa loob nang school and made my way down to the library. Walang gaanong tao ngayon. Mangilan ngilan na estudyante lang ang naroon. Isanauli ko na ang mga libro sa librarian. Pamilyar na ako sa kanya, dahil palagi akong nagpupunta dito. I smiled at her at nagpatuloy na para makalabas nang school.
Medyo madilim na ang langit ngayon, bahagya na ring umaambon.
Nagmadali na ako, pero hinde pa ako nakakalayo ay bigla na agad bumuhos ang malakas na ulan. Kaya't napilitan muna akong sumilong sa pinakamalapit na waiting shed. Bahagyang nabasa ang damit na suot ko.
I forgot my phone.
Hihintayin ko nalang siguro humina ang ulan kahit papaano, siguro titila na rin naman ito maya maya.
I stood there for while. Hanggang sa isang tinted na Mercedes ang pumarada sa tapat nang kintatayuan ko. Kinabahan ako.
Uso ang kidnap ngayon diba?
Umalis na ako sa aking kinasisilungan, I don't care if it's raining. Mas okay na ang mabasa kesa makidnap.
Diba ganoon yun? Dadalhin ka nila sa malayo, tapos ibebenta ang internal organs mo.
BINABASA MO ANG
The Death of Gabriel
RomanceI'm afraid to love the wrong person. How do you define who's meant and not meant for you? Is it by the way they make you feel or the way you feel things that shouldn't be even there in the first place? How do you give someone a chance, when everythi...