Chapter 17

296 18 0
                                    

Chapter 17

Ilang linggo na ang lumipas at nagdaan; ilang weeks ko na rin pala siyang iniiwasan. It's been pretty challenging, lalo na kapag nagiimbita sila sa mga party.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga dadalhin ko, dahil one week kaming walang pasok at uuwi muna ako kila mama at Alice dahil sobrang namimiss ko na sila.

Magcocommute lang ako at wala namang gaanong dadalhin other than some important books na kailangan kong basahin.

I'm not planning to be a pharmacist, but I'm beginning to study about drugs, medicines; their usage and side effects.

Suot ang kulay asul na jeans, at itim na T-shirt, ay bumaba na ako bitbit ang isang backpack. Andoon si Prim na kumakain nang tanghalian; she won't be going home to her parents dahil pupunta sila ni Clark sa bahay nang kanilang lola sa Quezon.

Si Beaury naman ay kanina pang madaling araw bumyahe patungo sa kanilang family house. Sila Kirsten at Misy naman ay tulog pa ata, sa Wednesday pa kasi ang uwi nila sa kanilang bahay.

"Mauuna na ako, Prim. Sabihin mo nalang sa kanila na umalis na ako." I mumbled as I made my way to give her a light hug.

"Sige Frans, mag-iingat sa biyahe. Maraming snatcher sa public transportations." sambit niya, like a mom being over protective to her child. Napangiti ako.

"Marami akong libro sa bag, hahampasin ko nalang kung may magtanka man na dukutan ako." I said jokingly, pero nawala din ang ngiti sa mukha ko nang ma-alala ko kung paano ko hinamapas nang hinampas si Gabriel.

"Baliw. Pumunta ka na, mamaya crowded na doon maraming magsisiuwian ngayon. Alas dos na oh." sambit niya, kaya't nagpatuloy na ako palabas.

Sumakay ako nang tricycle patungo sa sakayan nang bus. She's right mahaba na nga ang pila, alas cuatro na nang makabili ako nang ticket at nakasakay sa bus. Mainit sa labas kaya't sobrang thankful ako dahil maganda ang air condition nang nasakyan ko.

Naupo ako sa may bandang kagitnaan nang matanaw ko ang isang pamilyar na lalaking naglalakad sa isle para maghanap ng upuan. Agad ko itong kinawayan ay sinenyasan na bakante sa tabi ko. He smiled at me.

"Hi James." bungad ko.

"Hello Frans, long time no see." sambit niya, mabait si James at maginoo, kaya't hinde ko talaga maintindihan bakit ang laki nang galit ni Misy sa kanya.

"Uuwi ka sa inyo?" I mumbled.

"Oo, dadalawin ko sila nanay." sambit niya. Tumango ako at nanahimik na sa buong biyahe. Samantalang siya naman ay panay ang pagti-text. Siguro sa girlfriend niya.

Maya maya pa'y tumunog ang cellphone niya.

"Hello Dominic?"

"Sige aasikasuhin ko din kaagad. Makaka-asa ka."

Parang napako ang buong sistema ko nang bahagyang narinig ang mahinang boses niya sa kabilang linya. Inilipat ako ang tingin sa bintana, and nakakahiya naman kung makikinig ako sa usapan nila.

I diverted my thoughts on the trees that we are passing by. My heart skipped a bit na para bang lahat nang naipon na sakit sa puso ko ay biglang gustong kumawala.

The Death of Gabriel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon