Chapter 8

368 19 0
                                    

Chapter 8

Tapos na ang summer, it went by so fast. Kirsten and I got our driver's license already, pero wala pa akong kotse.

One day nalang pasukan na, I already packed my suitcase, pati na rin ang mga gamit nadadalhin ko sa dorm.

Kasama ko si mama ngayon, ihahatid niya ako, dahil gusto niyang makita ang itsura nang tutuluyan naming magkaka-ibigan.

Ipinarada muna ni manong ang kotse sa harap nang gate, mabuti nalang at bago pa mag-graduation at nakipag-contrata na kami, dahil wala nang slots ngayon.

There are five rooms in one apartment type, pero apat pa lang kami nila Prim, so we might have to find another person to fill in the spot.

Two hours ito away from our house, pwede naman ako bumyahe araw araw. Kaso sabi ni mama, I can focus more on my studies if I live nearby. Siguro uuwi nalang ako sa bahay, siguro once a month kapag Sabado at Linggo.

May guard ito sa harapan, kaya't hinde basta basta makakapasok ang kahit na sino. Kailangan mayroon kang dalang I.D. Kinausap muna namin si manong guard, bago nito pinapasok ang sasakyan.

Maganda sa loob animoy maliit na subdivision, there's sixteen different dorm style apartments. Sa right side ay for girls, sa left side naman ay para sa mga lalaki. Animoy designed talaga para sa mga magkakaibigan.

There's eight for girls and eight for boys. May basketball court rin doon, at mayroon ding swimming pool na hinde naman gaanong kalakihan.

Doon kami sa G#06.

Ipinarada na ni manong ang kotse harap nito. There's a parking lot for three cars in front of it, andoon na nakaparada ang kotse ni Misy. I opened the door hatak hatak ang suitcase ko.

Malinis na sa loob, the floors are tiled. Dahil nandito na sila Misy at Prim, at Kirs nasa kwarto na din nila ang gamit nila.

There's a kitchen at mayroon din itong maliit na sala. The walls are cream colored. The aircon is also centralized.

There's two restrooms isa sa taas at isa sa baba. There are three rooms upstairs at dalawa naman dito sa baba.

Dahil sa baba si Misy at Kirsten. Doon kami sa taas ni Prim. Na-abutan namin sila sa sala, na nanonood nang Korean nobela.

"Hi Tita. Frans, doon ang room mo sa taas sa left." sambit ni Prim, at nakipagbeso beso kay mama.

"Hi Tita, maganda po dito, tsaka safe rin." rinig kong sambit ni Kirsten kay mama.

Umakayat na ako, tinulungan ako ni manong buhatin ang maleta ko paakyat. I went to the left room, katapat nito ang restroom. It's not that big, pero it's not that small either. May higaan na doon, tanging bed sheets at unan na lang ang kulang.

May maliit na closet din doon sa gilid, sabitan nang uniforms. Mayroon din doong pintuan papunta sa maliit na terrace. Inayos ko na ang mga gamit ko.

Ang mga uniform kong plinantsa ni mama ay sinabit ko na rin. Naglagay na din ako nang maliit na study table sa tabi nang higaan, and put a small lampshade.

Tsaka ko na lalagayan nang disenyo ang wall.

After that, bumaba na ako, nakita kong inayos na ni mama ang kitchen. May iilang pagkain na sa ref.

Nandoon na ang rice cooked na regalo ni Tita Josie. Nilagyan na din ni mama nang balot ang lamesa, may nakalagay na rin na iilang sets nang plato, at mga baso. Mayroon na ding dishwashing liquid sa lababo. Matapos noon ay, niyakap ko na si mama.

"Oh anak, huwag kakalimutan yung mga bilin ko ah. Love you anak. Mag-iingat kayo palagi." sambit ni mama.

"Opo ma, love you too." sambit ko at niyakap na si mama.

"Tatawag ako every day after school ma. Uuwi din ako kapag Sabado at Linggo." sambit ko.

"Bye Tita. Kami na po ang bahala kay Frans." sambit ni Kirsten.

Umalis na si mama at manong. I wonder what it feels like ...

Wala nang magluluto sa umaga para sayo.  Wala nang gigising kung sakaling hinde man tumunog ang alarm clock mo. I'm excited, but quite scared. First time ko itong mapapalayo kay Alice at mama.

Kinabukasan, it was the first day of school. Maaga akong gumising at gumayak. Just like any other first year college. I'm thrilled and nervous at the same time, pero keribells lang dahil I'm in the same school with Kirsten and Misy naman. Ano bayan and pati tuloy mga terms nila nagagaya ko na.

Pagbaba namin ni Prim ay nandoon na sila Kirsten at nakaready na din ang dalawa. Sumakay na kami sa kotse ni Misy, and we dropped off Prim sa school niya. Walking distance lang naman, pero we decided to use her car.

Ipinarada na ni Misy ang kotse niya sa parking lot at bumaba na kami.

Sobrang laki nitong school, I wonder how are we supposed to find all of our classes, without getting lost.

We parted to our own different ways, pero parehas kami nang last period class ni Kirs. This will be challenging. My first class is located on the 3rd floor, U127. Pumasok na ako sa U-building.

There's a lot of people, pero wala pa naman akong kakilala dito. Dali dali akong sumakay sa elevator kasabay ang iilang estudyante. The day went by so fast, I've been lost on the hallway a couple of times.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ni Misy. Prim called Kirsten already and na mauna na daw kami, she finally found someone to fill in for available room we have left.

Umuwi na kami, nagbihis kasalukuyan akong nagluluto nang dinner, si Misy naman ay naglalagay nang plato nang dumating si Prim, she was with Beaury.

Ipinakilala niya ito sa amin.

"Guys, this is Beaury we went to the same school with her, kasalukuyan siyang naghahanap nang malapit na dorm, kaya nabanggit ko itong atin." sambit ni Prim.

"Oh right siya ang salutatorian sa school natin. Nice to meet you Beaury, please feel at home." sambit ni Kirsten.

Tipid itong ngumiti as they went upstairs para ipakita ni Prim and extrang kwarto. Inimbitahan na din namin ito na dito na maghapunan, napagkasunduan na that she will move her things here tomorrow.

"I didn't know that you're good at cooking, Avery." puna niya sa luto ko.

"Hinde naman, natutunan ko lang kay mama." tipid kong sagot.

We talked a lot. Napag-alaman ko din that she was pursuing to be a fashion designer. Mahahalata mo talaga that she's pursuing what she loves. Si Prim na ang naghugas. Hinatid ko si Beaury palabas nang gate.

"Avery..." sambit niya.

"I'm sorry for slapping you that day." she said sincerly as she looked at me apologetically.

"Okay lang Beaury. I've forgiven you already. Naiintindihan ko naman na concern ka lang ang kapatid mo, tsaka matagal na yun. Kalimutan na natin." sambit ko.

"Sa totoo lang, I hate you at first." panimula niya.

"I hate how you don't know how to stand up for yourself, but as I get to know you slowly.
I'm starting to hate you more." she said at mariin ko lamang siyang pinakinggan.

"Masyado ka kasing mabait, naiintindihan ko na why Brandon likes you. I hope we can be good friends." sambit niya while looking at me straightly.

I smiled at her and bid her goodbye, at sumakay na siya nang taxi. Bukas na siya maglilipat nang mga gamit niya.

Me too, Beaury. I hope we can be good friends.

The Death of Gabriel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon