2

914 26 0
                                    

ISANG kanto lang naman ang layo ng bahay ng mga Ybañez sa bahay ng mga Del Rio. Kaya madalas ang tambay doon ni Sherri. Kung minsan doon na rin siya nakikitulog o nakikikain sa bahay ng mga ito, parang pangalawang tahanan na rin kasi niya ito. Bukod sa gustong-gusto siya ng pamilya ng kaibigan, magkaibigan rin ang mga magulang nila.

Alas siyete na ng gabi ng nadatnan niya si Tita Alice na nagluluto ng hapunan kasama ng katulong nito sa kusina, kagagaling lang din niya sa kanilang Restaurant kung saan siya nagta-trabaho bilang Manager. 'Lutong-Bahay' ang pangalan ng Restaurant na pagmamay-ari ng kanilang pamilya, may tatlo itong sangay, ang isa ay pinamamahalaan niya. Isa ito sa pinakamasarap at pinakasikat na Restaurant sa buong Metro Manila.

Gusto sana niyang maging Chef pero Business Management ang kinuha niya n'ong College dahil 'yon ang sinabi ng kanyang Papa. Gusto rin sana niyang mag-aral ng culinary arts sa America pagkatapos niya ng College, pero naisip niyang tulungan muna ang Papa niya sa kanilang business. Her Mom is a full-time housewife at mas naaliw ito sa loob ng kanilang bahay at pinagsisilbihan sila at hindi naman niya maasahan ang kanyang Kuya Seph para samahan ang kanilang Papa kahit hanggang matapos lang sana siya sa pag-aaral ng Culinary Arts—lagi kasing parang may world war kapag nagtatagpo ang dalawa.

World war in the sense na ubod ng pasaway ang Kuya niya na humahantong sa laging pagtatalo nito at ng kanilang Papa, minsan pati tuloy siya ay nadadamay na sa pagtatalo ng dalawa. Pareho nila ni Ralph, her brother Seph graduated in Business Management, dalawang taon ang tanda nito sa kanila ngunit napaka-iresponsable nito at imbes na tumulong ito sa kanilang negosyo ay nagtayo pa ito ng isang rockband kung saan ito ang lead guitarist and vocalist.

NAPAILING siya ng madatnan niya kanina ang dalawa na nagtatalo, sa sakit ng ulo niya kung paano patitigilin ang mga ito ay kapwa na lang silang tumahimik ng kanyang Mama. Baka mas lumala pa kasi kung sasali pa sila. Magkakaroon na yata siya ng nervous breakdown dahil sa laging sigawan na naririnig niya sa kanilang bahay.

Kaya nga naman minabuti na lang niyang pumunta sa bahay ng kaibigan para mabawasan man lang ang pananakit ng kanyang ulo, iniwan na lang niya ang nag-aaway niyang Papa at Kuya, samantalang ang Mama naman niya ay nasa kuwarto na at nanunuod ng Telebabad sa TV.

Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay nalaman niyang natutulog si Ralph, kaya umakyat siya sa kuwarto nito. He really looked like a baby. Hindi pa ito nagdi-dinner kaya gigisingin na niya ito para sabay na sila mamaya—nang maisip niyang hindi pala gagana ang pagyugyog lang dito sa tuwing gigisingin niya ito, kaya bumaba uli siya at humingi ng ice cubes sa kusina.

And there, nagising agad at mukhang nagulat pa sa pagkakakita sa kanya doon.

"Makikikain ka na naman siguro o baka nag-aaway na naman si Seph at ang Papa mo." Panghuhula nito. He really knew her so well. Either of the two choices were correct. Sabagay bukod sa pamilya niya ay isa ito sa mga taong nakakaunawa sa kanya sa tuwing may iniinda siya. A very caring, cheerful, gentleman and kind-hearted best friend, huwag lang isali ang pagiging babaero nito—ayos na.

"Dito muna ako, may noise pollution sa bahay e." aniya. Saka siya nahiga sa kama nito, inokupa niya lahat ng ispasyo doon dahilan para mawalan ng mahihigaan ang kaibigan. Kaya hinila siya nito para bumangon.

At ginaya rin niya ang ginawa nito—ng hilain niya ito—ngunit nagpabigat ito dahilan para mapahiga siya sa ibabaw nito. Tinampal niya ang dibdib nito at gumulong sa tabi nito. Naramdaman niyang ipinatong nito ang mga binti nito sa kanyang mga hita at ang braso nito sa kayang leeg.

"Ang bigat mo!" reklamo niya habang pilit na inaalis ang braso at binti nitong nakadagan sa kanya, pero nagtutulug-tulogan na ito. Kaya kinuha niya ang katabing unan niya at malakas na isinampal sa guwapo nitong mukha.

Natawa siya ng marinig niyang umaray ito. Kasalanan naman kasi nito.

"Ah gano'n!" sabi nito saka ito tumayo habang hawak-hawak ang unan na ipinamalo niya sa mukha nito kanina.

"No!" sagot niya saka siya tumayo sa kabilang panig ng kama. "Pagod ako ngayon, I don't want to play any of your games." Aniya.

"Ikaw kaya ang nagsimula." Anito. Naningkit ang mga mata nito saka siya dinamba sa kabilang panig. Simple lang ang kuwarto nito pero maganda at may kalakihan. Gustong-gusto rin niya ang natutulog sa kama nito dahil hindi ito tulad ng mga pangkaraniwang rectangular shaped bed, bilog kasi ito at napakalambot.

"Stay away from me, you payatot!" nakakumbabaw ito sa kanya habang pinapalo siya nito ng unan sa kanyang mukha, pero hindi naman 'yon gano'n kalakas.

"You started this pillow fight Oinky!" anito.

Naging tuksuhan na nila ang Payatot at Oinky eversince. Sherri used to be the biggest as in pinaka-mataba na batang babae in their class during their grade school days at si Ralph naman ang pinaka-payatot na lalaki sa kanilang klase. Kapwa malaki na ang naging improvement ng kanilang mga pangangatawan ngayon pero nakasanayan na kasi nilang tawagin ang isa't isa ng gano'n.

"Ano'ng pillow fight, eh wala naman akong pillow at ikaw lang 'tong nakikipag-pillow fight ng wala man lang akong sandata." Reklamo niya.

Narinig niyang tumawa ito. "Fine! Here.." sabay abot nito sa kanya ng isa pang unan. Agad siyang tumayo at walang-pasa-pasabi—bigla na lang niya itong binirahan ng ilang malalakas na banat sa mukha nito.

"Para mo naman akong minamasahe niyan." Mayabang niyang sabi sa ginagawa rin nitong mahihinang paghahampas ng unan sa kanya.

"Nagpapala-gentleman lang ako." Sabi nito.

"Sabihin mo, nanghihina ka na. Palibhasa walang sustansya ang mga kinakain mo!" natatawang pang-aasar niya.

"Let's see!" tila nahamon ito sa kanyang sinabi. Kaya isang malakas na tira ang iginawad nito sa kanyang ulo na mukhang ikina-stiff neck pa yata niya.

Sineryoso nga ng kumag na 'to!

"Aray ko naman 'Yatot!" reklamo niya. Saka siya naupo sa sahig habang hawak ang kanyang leeg na nasaktan sa lakas ng impact ng matira nito sa kanyang ulo.

"Oinky, okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito na agad siyang nilapitan.

Bago pa ito makaupo sa kanyang tabi ay dinamba na niya ito at umupo sa tiyan nito habang pinaghahampas ng mabibigat ang mukha nito. Tawa siya ng tawa dahil panay lang ang pagsangga nito ng mukha gamit ang matitipunong braso nito.

"Betcha by golly wow!"

Tinig ni Tita Alice ang pareho nilang narinig, madalas na silang nakikita sa ganitong posisyon sa tuwing nagkukulitan sila, pero sadyang malisyosa talaga ang Mama nito, dahil hindi na raw kasi sila mga bata para sa gano'ng eksena.

Sabay silang napalingon sa matanda na mukhang nakangiti sa panunuod sa kanila habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa mga mata nito ngunit nakasilip naman. Agad siyang tumayo para umalis sa pagkakadagan rito. Sabay silang napakamot ng ulo ni Ralph.

"I just only want to inform you guys, that dinner is ready." Nakangiting sabi nito saka na rin ito nagmamadaling umalis.

"Tara na nga!" yaya ni Ralph ng makatayo na ito. Saka siya nito inakbayan at sabay na silang bumaba patungo sa dining area.

"HEY STOP eating my ferrero, binigyan na kita ng limang malalaking boxes niyan last time." Pagpapaalala ni Ralph sa kanya. Pagkatapos nilang mag-dinner ay sa kuwarto uli nito sila nagtungo. Nanunuod sila sa laptop nito ng full movies sa youtube.

"Isang araw ko lang kinain 'yong sinasabi mong limang malalaking boxes na ibinigay mo—kulang!" Sagot niya. Saka uli siya nagbukas ng panibagong box.

She really loved that chocolate. Bukod sa nakakabawas ng depressions ay nakakapag-dulot rin 'yon ng kaligayahan sa kanya. Ralph introduced that chocolate to her when they were little. At kapwa na sila naadik sa pagkaing 'yon.

Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon