NANIGAS siya sa kanyang kinauupuan habang nakatulala siya sa harapan nito. Bigla kasing tumalon ang puso niya dahil sa nangyari, he wasn't aware of what he did, marahil hindi na nito napansin 'yon dahil sa labis nitong kaligayahan, pero bigla na lang nag-react ang buong sistema niya. Lalo na no'ng magtama ang kanilang mga mata, halos nahirapan siyang lunukin ang tila malaking nakabara sa kanyang lalamunan habang pinapakalma ang mga nagpa-panic na mga paru-paru sa kanyang sikmura.
"Hey, are you okay?" tanong nito na tumabi pa sa kanya saka siya inakbayan. Pakiramdam niya bigla siyang nakuryente ng milyo-milyong boltahe sa pagkakadaiti ng braso nito sa kanyang balikat.
What is going on? Tanong niya sa kanyang isipan. "H-Ha, oo. Teka, uuwi na nga ako, mag-gagabi na." pagpapaalam niya bago pa nito mapansin ang ka-werduhan niya. Akmang tatayo na siya ay hinila uli siya nito dahilan para mapaupo uli siya sa tabi nito. She gulped. She's having a rapid heart rate and a weird feeling down on her stomach.
"Maaga pa, mamaya ka na umuwi. Samahan mo muna akong mag-isip ng plano para makita si Kaye." Anito.
"Next time na lang 'Yats, kailangan ko na talagang umuwi." Saka siya agad tumayo at walang lingon-likod na naglakad palabas sa kuwarto nito. Narinig niyang tinawag pa siya nito pero nagkunwari na lang siyang wala siyang narinig.
Pagkalabas niya sa kuwarto nito ay natutop niya ang kanyang dibdib. Ang lakas ng pintig ng puso niya na hindi niya maipaliwanag. Hinalikan rin naman siya nito dati, pero hindi niya alam kung bakit gano'n na lang maka-react ang puso niya ngayon.
"Oh hija, bakit ka nakatayo diyan?" bungad ni Tito Wacky sa kanya.
"U-Uwi na po kasi ako Tito." Sagot niya. "Sige po." Nagmamdali na siyang umalis agad.
IBINAGSAK ni Sherri ang sarili sa kanyang kama saka siya nagpagulong-gulong doon. She think she's losing her sanity, bakit ba bigla na lang nag-iinarte ng gano'n ang katawan niya dahil lang sa halik na 'yon ni Ralph malapit sa labi niya?
Paano kung sa lips ka na talaga niya nahalikan,e 'di baka nabaliw ka na! sabi ng isang bahagi ng kanyang isipan. Of course not!
"He is only my best friend! A best friend! A forever best friend!" pangungumbinsi niya sa kanyang sarili. Saka siya tumayo sa full length mirror sa kanyang kuwarto. She was clearly seeing a woman blushing. She pretended na hindi siya ang babaeng nasa salamin pero hindi niya kayang paniwalain ang kanyang sarili doon. Gusto tuloy niya biglang basagin 'yon. Eh bakit ganyan nalang mag-inarte 'yang puso mo?
"B-Because—Because I was shocked!" sagot niya. Lokohin mo ang lelang mo! "Argh!" saka niya kinuha ang unan sa kanyang kama at ibinato 'yon sa harap ng salamin.
"Hija, are you okay?" sabay katok ng Mama niya na mukhang narinig ang pag-iingay niya.
Natutop niya ang kanyang bunganga, binuksan at sumilip siya sa pintuan. "I'm okay 'Ma." Nakangiting sabi niya.
"Alright! Dinner will be ready, kaya bumaba ka na rin agad." Anito. Tumango at ngumiti na lang siya rito.
Huminga siya ng malalim saka pinakalma ang kanyang sarili. "You are not in love with him! Wala lang 'yon kanina! Go back to normal, okay?" pagkakausap niya sa kanyang puso. Saka tinampal ang magkabilang pisngi niya. "I'm still sane and he's still my best friend." 'Yon lang at sumunod na rin siya sa kanilang dining table.
SHE WAS having her ferrero session in her room after dinner ng biglang tumunog ng malakas ang kanyang cell phone na ikinagulat talaga niya.
"Argh! That ringing tone!" kunot-noo niyang sambit. It was an old metallic song na bukod sa kinaiinisan niya ay talagang napakaingay pa. Alam na niya kung sino ang nagpalit ng kanyang ringtone. Raphael Ybañez!!! Na madalas na rin nitong ginagawa para asarin siya.
BINABASA MO ANG
Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)
Romanzi rosa / ChickLitA best friends turns lovers story. <UNEDITED>