NAPAPANGITI si Ralph habang naka-dipa siya at sinasamyo ang sariwang hangin ng Pagudpud. Nasa terrace siya noon ng malaking bahay ng Lola Lorna nila. Mula sa kalayuan ay natatanaw nila ang magandang karagantan at malalaking elesi na umiikot doon. Magdadalawang araw na sila ng kanyang asawa sa lugar, napaka-worthy ng kanilang bakasyon dahil sa isang mala-paraisong lugar sila napadpad.
"'Yatot, mag-breakfast na tayo, nakaluto na kami ni Lola." Yaya ni Sherri sa kanya. Natawa tuloy siya ng lihim. Kahit ilang beses na niyang sinabi dito na kailangan na nitong tawagin siya ng ibang special endearment, 'Payatot' pa rin talaga ang tawag nito. "Sanay lang kasi ako sa Payatot na tawag sa'yo." Tila nabasa naman nito ang kanyang iniisip.
Hinila niya ito at niyakap ng mahigpit. "Ang sarap mo talagang yakapin Babes." Nakangiting sabi niya. "Salamat." He whispered. Ngumiti lang ito.
Saka ito gumanti ng yakap sa kanya. "Ang sarap dito no?" anito.
Tumango naman siya at hinalikan ang ulo ng kanyang asawa. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at sa nagtama ng kanilang mga mata. And the moment their eyes met biglang may naramdaman siyang kakaiba sa tinibok ng kanyang puso. Kaya agad niya itong binitiwan at nag-iwas siya ng tingin.
What was that? Tanong niya sa kanyang sarili. Napalunok siya ng mariin ng mapatitig siya sa mukha ng kanyang asawa, nakapikit ito habang dinarama ang sarap ng hangin na pumpaymay sa mukha nito, she looks so lovely habang hinahangin rin ang may kahabaan nitong buhok.
Parang gusto niya uli ito yakapin at halikan. Pero bago pa siya makaiwas sa iniisip niya rito ay nayakap na niya ito at walang ano-anong hinahalikan na pala niya ang mga labi nito. Parang nagulat ito no'ng una but later on ay pumikit na rin ito at ginagaya ang ginagawa niyang paghalik rito. Mukhang naadik na yata siya sa matamis nitong labi.
Natapos lang ang kanilang halikan ng marinig nilang may tumikhim sa kanilang likuran—si Lola Lorna.
"What a nice view." Nakangiting sabi nito na nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila. Napangiti tuloy siya dahil sa sinabi ng matanda. "Tapusin niyo na 'yan at ng makapag-agahan na kayo." Bago ito umalis ay tinapunan pa sila ng mapanuksong ngiti.
PAKIRAMDAM ni Sherri ay namumula hanggang dulo ng kanyang splitends kung mayroon man. Her heart was thumping very hard. Hindi niya ini-expect na hahalikan siya ng kanyang asawa. Gustuhin man niyang tanungin kung para saan ang halik na 'yon pero naunahan na siya nitong magsalita.
"Sorry, nadala lang ako sa magandang ambiance." Anito. Na mukhang nasagot na rin ang kanyang katanungan. OUCH!
Pumasok na sila agad sa loob para makapag-agahan. Maya-maya pa ay nagdatingan na rin ang mga kamag-anak niya. Ipinakilala niya isa-isa ang mga ito sa kanyang asawa.
Ang Tita Merly na nakababatang kapatid ng Mama niya at ang anak nitong si Jiro na four years old ang kasama ng Lola niya sa malaking bahay nito at isang katulong. Ang Tito Steve niya na asawa nito ay nagtratrabaho sa ibang bansa.
"TALAGA ate Sherri, papachal tayo?" masayang tanong ni Jiro, ang pinsan niya na anak ng Tita Merly niya. Pagkatapos niyang gawan ang mga kamag-anak niya ng meryenda at sandaling pakikipag-usap sa mga ito, niyaya niya ang youngest cousin niya na mamasyal sa bayan ng Pagudpud. Alam din kasi niyang hindi ito gaanong naglalabas ng bahay, hindi pa kasi ito nag-aaral.
"OO, kaya maliligo na tayo para makaalis na tayo." Masayang sabi niya. Nakita niyang nagningning ang mga mata nito sa labis na kasiyahan.
"Aba'y mabuti pa nga at maipasyal niyo ang batang 'yan, nang hindi nangungulit 'yan dito." Anang Lola niya.
"Oo nga po Lola," sagot niya sa matanda. "Pero kung malikot pa rin siya sa pamamasyal namin, iiwan na lang namin siya doon." Biro niya sa pinsan niya.
"Hindi na po magiging pachaway." Tugon ni Jiro saka ito nagtaas ng kanang kamay bilang pangako. Natawa tuloy siya sa ka-cute-an nito. Parang gusto na rin tuloy niya magkaroon ng ganitong alagain—isang Anak. Paano aber? Napailing siya ng lihim. Paano nga naman mangyayarin 'yon? E nagpapanggap lang naman sila ni Ralph. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo para alisin ang mga gumagambala sa kanyang isipan.
"WOW! Ang ganda ng mga balloons!" masayang sabi ni Jiro na nagtatalon pa sa labis na tuwa pagkakita sa lalaking nagtitinda ng mga lobo. Natawa sila pareho ng asawa sa reaksyon ng bata.
"Gusto mo ba ng balloons?" tanong ni Ralph sa bata. Napapangiti siya habang pinapanuod ang dalawa, nag-squat ang kanyang asawa para pumantay sa kausap na bata.
Bakit ba ang guwapo mo? Na-imagine tuloy niya, paano kung magkaroon nga sila nito ng mga supling? Omigad! Kinikilig niyang sambit sa kanyang sarili. Napansin yata nito ang kanyang pagngiti kaya lumapit ito sa kanya at tinusok ang kanyang pinsgi.
"Bakit ka nagblu-blush?" nagtatakang tanong nito.
Napangiti siya ng lihim saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Hindi no."
Bumili sila ng balloons ni Jiro. Ilang sandali pa ay tumigil na ang bata sa paglalakad at bigla-bigla na lang naupo gilid. Hindi gaanong mainit noon kaya masarap mamasyal. Dagdag pa na mahangin doon at magandang ambiance.
Nilapitan nila ang bata at nag-squat sa tabi nito. "Bakit?" magkasabay nilang tanong.
"Pagod na po kasi ako naglalakad." Anito. Halata nga sa mukha nito ang kapaguran.
"Gano'n ba?" tanong niya. Ngunit nagulat na lang siya ng bigla na lang pangkuhin ni Ralph ang bata at ipinasakay sa balikat nito.
Nakita niyang biglang nagliwanag ang mukha ng bata na mukhang natuwa sa ginawa ng kanyang asawa.
"Tara na?" Yaya ni Ralph sa kanya. Ngumiti siya at tumango dito saka na rin sila nagsimulang maglakad.
BINABASA MO ANG
Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)
ChickLitA best friends turns lovers story. <UNEDITED>