"I didn't tell her anything." Saka nito ikuwinento ang lahat ng nangyari dito. "At nandito ako hindi para papirmahin ka ng kahit na anong papel." seryosong sagot nito. "I am here because the love of my life is here,"
"Sino?" pilosopong tanong niya. Kahit nararamdaman naman na niya na siya ang tinutukoy nito. Nakita niyang napailing ito.
"E sino ba ang asawa ko?" anito.
"Ako?" nag-aalangan tanong niya. He kissed her forehead at muling tumingin ito sa kanya.
"Of course ikaw lang, nagpunta ako dito ng napagtanto kong dito ka pupunta."
"Ows?"
"I'm serious, alam mo bang halos mabaliw na ako kakaisip sa'yo." Pagtatapat nito. "Hindi kita agad nasundan dito dahil bigla akong nag-pass out at na-confine sa ospital ng isang araw," dagdag nito. Nag-alala naman siya agad dito. "Pero nandito na ako and I will never let you go—anywhere—alone again."
"Sa mga sinasabi mong 'yan, parang in love ka naman sa'kin n'yan e." sabay hampas niya sa braso nito.
"I am." He was deadly serious. "I am in love with you at sana bigyan mo ako ng chance to prove my love to you. I want to spend my lifetime with you.."
Kinurot niya ang kanyang sarili. Was this for real? O nananaginip lang siya? Si Raphael Ybañez na Best friend niya, in love rin sa kanya?
She laughed. "Are you joking?" she just want to make sure. Eh paano kung nagjo-joke lang ito? Yari siya!
"My God Sherri, mukha ba akong nanloloko sa mga oras na ito?" he answered.
Oh! He is really serious. "E diba si Kaye ang Perfect Match na sinasabi mo?"
"You disguised very well and I'm surprised because I haven't seen right away that—the real Perfect Match of my dreams was actually masquerading—as my best friend."
You love me? Hindi makapaniwalang tanong sa kanyang sarili. Sapak you want? Para malaman mo kung totoo ang sinasabi niya. Biro ng isang bahagi ng isipan niya.
"Yes! Mahal na Mahal kita more than anything and anyone in this planet." Pagsagot nito sa katungan ng kanyang isipan. Napayakap agad siya rito ng mahigpit na mahigpit.
"I love you too 'Yatot!" walang pasidlan sa tuwa ang kanyang nararamdaman sa mga oras na 'yon. She felt so contented and in love. Napaiyak tuloy siya. "Ang lakas mo maka-Gravity, tuloy hindi ko na napigilang mahulog sa'yo." Pagtatapat niya. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.
"Really?" nangingislap ang mga mata nito. Tumango siya rito. "Kaya ba mabilis kitang napa-agree no'ng yayain kitang pakasal?" biro nito sa kanya. Hinampas niya ito ng malakas sa braso nito, ngunit agad rin siya nitong ikinulong sa mga bisig nito. "Ikaw! Ikaw ang babaeng tinutukoy ng manghuhula sa akin," anito.
"Manghuhula?" nagtatakang tanong niya. Narinig niyang tumawa ito saglit.
"Nagpahula kami ni Mama at ang sabi ng manghuhula sa akin na once na mahanap ko na daw ang kattulad mo, hindi na kita dapat pang pakakawalan."
"Nagpapahula ka?" She smiled. The swagger actually believed in fortune telling?
"Hey, wait.." kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "I just tried it once, pinilit lang ako ni Mama na magpahula."
"Wala naman akong sinasabi ah," she smiled.
"But I felt like you are laughing at my back,"
Natawa na tuloy siya. "I just really can't imagine na isang katulad mo—naniniwala sa gano'n e."
"Wala namang masama e," he smiled. "Nasa sa'yo naman 'yon kung maniniwala ka o hindi, pero in my case, nag-silbi lang 'yon na basehan para mahanap si Perfect macth—na ikaw pala."
"Ohh.. And I am so happy," nakangiting sagot niya. Huminga siya ng malalim. "You are my best friend and my husband and I do not know which side of you I enjoy the most. But you know what, I treasure each side just as I have treasured our life together."
Ginawaran siya nito ng mabilis na halik sa kanyang mga labi. "And I will promise you one thing—that I will be a good husband and a best friend to you. Mamahalin kita hanggang gumuho at matuyo ang lahat ng karagatan sa buong mundo."
"Aww, ang corny mo honeypie.." she laughed.
"Ano uli 'yong itinawag mo sa akin?"
"Alin?"
"Tinawag mo ako sa ibang endearment. Ang sarap naman pakinggan. Pakiulit nga Babes.."
Napangiti siya. "H-O-N-E-Y-P-I-E!" pandidiin niya. Natawa tuloy sila pareho.
"Sasama ako sa'yo sa America." Maya-maya pa ay sabi nito.
"Ha? Paano mo nalaman?" tanong niya na tinutukoy ang pag-aaral niya abroad. Tumango ito at ngumiti sa kanya.
"Sinabi ni Seph ng makita niya akong paalis at papunta dito." Anito.
She smiled. "E ano namang gagawin mo do'n kung sakali?"
"Hmmm," lumapit ito sa kanya at bumulong. "Second honeymoon," nangislap ang mga mapupungay nitong mga mata. Natawa tuloy siya at pinalo niya ito sa braso.
"Mag-aaral ako do'n, hindi para mag-honeymoon no." Biro niya.
"O 'di habang nag-aaral ka, nagha-honeymoon na rin tayo. Ayaw mo no'n, two in one." He grinned.
"Puro ka kalokohan." Akmang papaluin na naman niya ito ay hinila siya nito for another hug.
"Gusto kong magpatayo ng bahay natin dito balang araw." Seryosong sabi nito.
"Kahit saan tayo tumira, basta kasama kita okay pa sa alright." Sagot niya. Mas lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.
"Thank God for giving me the chance to be your best friend at the same time as your husband." He whispered.
"And I also thank God for creating someone like you for me to love." Sagot niya. "At sa Gravity, na tumulong sa akin para mahulog at mainlove sa'yo." She smiled. Tumawa rin ito.
"Wait lang," Anito. Saka ito tumayo sa kanyang harapan. Tumikhim muna ito at dinukot ang isang rosas na nakatago sa likuran nito. May binabalak yata itong gawin. "Ohh.." kakanta nga yata ito. Ngumiti ito sa kanya. "Ikaw lang ang aking mahal, ang pag-ibig mo'y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan, ang aking tunay na nararamdaman.."
Kinilig naman siya ng bonggang-bongga sa pagkakanta ng guwapo niyang asawa sa kanya. Lumapit ito sa kanya at inabot ang rosas.
"For you," he smiled.
"Salamat! May nakatago rin palang ganda 'yang boses mo kahit papaano," she chuckled.
He smiled. "Now you know Babes," then he laughed. "Pero in love ka lang sa akin kaya nagagandahan ka sa boses ko."
She laughed. "Siguro nga," Tumawa rin ito at muli siyang kinabig at niyakap ng mahigpit.
Kasalanan man o hindi ng Gravity kung bakit nahulog sila sa isa't isa, ang mahalaga ay they are now together at alam nilang it will be forever. Mahal nila ang isa't isa and they are the real Perfect Match.
BINABASA MO ANG
Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)
ChickLitA best friends turns lovers story. <UNEDITED>