"GRAVITY is not responsible for people falling in love." Pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng kanyang Facebook account ay 'yon na ang unang status post na nabasa niya galing sa isa sa mga kaibigan niya sa Facebook.
Napailing siya. "Hay nakow!" napabuga siya ng hangin. " Dahil naman talaga sa Gravity na 'yan, kaya nahuhulog, umiibig at nasasaktan ang isang tao, sana man lang ay nasasalo rin siya." pagre-react niya sa post.
Eh bakit ba para kang affected dyan? Bitter lang? Tanong ng isang bahagi ng isipan niya. Saka kung walang gravity, isipin mo nga ano na lang mangyayari kapag pumupupo ka— "Stop!" sita niya sa kanyang isipan. "That's gross!" nandidiring wika niya.
Napabuntong hininga siya saka agad ring nag-log out sa Fb account niya. Baka kasi kung ano na naman ang mabasa niya. Ibinaling na lang niya ang kanyang atensyon sa TV, pagbukas pa lang niya ng telebisyon ay tumambad agad sa kanya ang ma-dramang eksena ni Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa tagalog film na Labs kita, Okay ka lang? sa Cinema One.
"Oh Yes! Kaibigan mo lang ako! And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my Best friend!" Napakamot siya sa kanyang ulo.
"Tsk.." napailing siya. "Lahat na lang ba?" Napabuntong-hininga siya. Lahat na lang ba ng pagkaabalahan niya, may nagpapaalala tungkol sa umusbong na nararamdaman niya sa kanyang Best friend? "FYI, I'm not in love with my best friend!" Para na siyang nababaliw na kinakausap ang kanyang sarili. Wushuu.. Inamin mo lang kagabi e! Matamaan na ng kidlat ang nagsisiningaling! Pang-aaway ng kanyang isipan sa kanya.
"Fine!" saka niya itinaas ang dalawang kamay niya sa ere biglang pagsuko. Tumayo na siya sa sofa na kinauupuan niya. Kinuha ang kanyang gitara na nakatayo sa may stand nito at lumabas sa kanyang kuwarto.
Pumunta sa tree house na matatagpuan sa kanilang malawak na bakuran. Ipinatayo 'yon ng kanyang Papa para pahingaan nila. Masarap lang kasi sa pakiramdam kapag nasa taas ka ng puno at nagpapahinga, very relaxing.
Nagpaalam siya sa Restaurant na hindi na siya papasok ng araw na 'yon, para makapagpahinga. Pero nabo-bore naman siyang mahiga lang buong araw kaya kung ano-ano na ang pinagkakaabalahan niya.
Ano kayang nangyari kagabi? Gusto man niyang tawagan agad ang kaibigan para makibalita dito, pero baka makaabala lang siya. Hihintayin na lang niya itong umuwi.
Nilanghap niya ang sariwang hangin na pumapaypay sa kanyang mukha, it is cloudy at nagbabadyang umulan, pero mas bagay 'yon sa pag-e-emo niya ng mga sandaling 'yon. Umupo siya sa papag at kinuha ang kanyang gitara, saka niya sinimulang kalabitin 'yon.
"Drew looks.." No! "Ralph looks at me, I fake a smile so he won't see. That I want and I'm needin' everything that we could be." Panimula niya. Singing 'Teardrops on my guitar' by Taylor Swift. Iniba rin niya ang pangalan na naroon sa lyrics ng kanta. Tutal inamin naman na niya na in love nga talaga siya sa Best friend, then it's okay to senti about him, tutal wala naman ito.
"I'll bet she's beautiful, the girl he talks about. And she's got everything that I have to live without. He's the reason for the teardrops on my guitar. The only thing that keeps me wishing on a wishing star. He's the song in the car I keep singing don't know why I do."
"Senti mode?"
Biglang lumukso ang puso niya marinig pa lang niya ang boses nito, lalo na ng makita niyang nasa likuran na pala niya ito ng hindi niya namamalayan, masyado yata niyang ini-internalize ang kanta. This is the guy who made her heart beats like crazy at inaalayan niya ng kantang 'yon. Mukhang kagagaling lang sa trabaho dahil sa suot nitong business suit.
BINABASA MO ANG
Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)
ChickLitA best friends turns lovers story. <UNEDITED>