17

616 14 0
                                    

"NOW tell us, ano ba ang katotohanan sa narinig naming sinabi ng kasama mong babae kanina?" nakahalukipkip na tanong ng kanyang Papa. Pakiramdam niya sa ginagawang pagtitig nito sa kanya ay huling pagkakataon na lang niya para mabuhay.

"P-Pa.." bumuwelo muna siya para kumuha ng lakas ng loob. Para kasing biglang nawala ang confidence niya ng mga sandaling 'yon. "Ang totoo niyan.." huminga siya ng malalim. "N-Nagpapanggap lang kaming nagmamahalan ni Sherri para maibigay niyo sa akin ang posisyon na 'yon sa kompanya." Pikit-matang pagtatapat niya.

"What?!" sigaw ng Papa niya.

Napalunok siya ng husto. "I just really want that position so bad before but—"
"Mama Alice!" narinig niyang sigaw ng kanyang asawa. Pareho silang napalingon ng kanyang Papa sa kinaroroonan ng dalawang babae, nakita nilang nakahandusay na sa mga bisig ng kanyang asawa ang Mama niya at wala ng malay-tao.

Tumawag sila kaagad ng ambulasya para dalhin sa ospital ang Mama niya. Sinisisi niya ng husto ang kanyang sarili sa lahat ng nangyayari. Hindi kasi niya naisip na maaaring mangyari ang lahat ng ito sa sobrang pagiging makasarili niya na makuha ang inaasam niyang posisyon.

NANGINGILID na ang mga luha ni Ralph at kulang na lang ay paluhod na siyang naglakad papunta sa ospital kanina. Nasa labas siya ngayon ng private room na inookupa ng kanyang Mama, kailangan daw nitong ma-confine dahil sa sobrang panghihina. Naihilamos na lang niya ang kanyang mga palad sa mukha niya. Naramdaman niya ang isang kamay na humagod bigla sa kanyang likuran para pakalmahin siya, kahit hindi na siya mag-angat ng tingin, alam na niya kung sino 'yon, memorized na yata ng buong sistema niya ang presensiya nito.

"Sasamahan kitang magpaliwanag sa kanila." ani Sherri. Sa sobrang panghihina niya ay gusto na niya itong yakapin ng mahigpit, pero wala na siyang lakas para gawin 'yon. At nabasa yata nito ang nais niyang gawin kaya ito na ang gumawa. She hug him so tight, tama lang para mabawasan ang lahat ng sakit na nararamdaman.

"Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kaya hayaan mong ako na lang ang lumutas ng mag-isa, ayaw kitang madamay dito."

"Pero pumayag pa rin naman ako kahit alam kung mali, kaya may kasalanan pa rin ako." Pagmamatigas din nito. Hinawakan niya ang kamay nitong nakapalibot sa kanya.

"I will handle this one, ayokong madawit ka sa ganitong problema."

"Pero mag-asawa na tayo, harapin nating pareho—"

"Please.." pakiusap niya. Bigla itong natahimik. Nakita na lang niya ang pagtango nito ng lumaon.

Ilang sandali pa ay lumabas na mula sa kuwarto ng kanyang Mama ang Papa niya, he really wanted to explain his side, kaya kahit nanghihina na siya ng mga sandaling 'yon ay tumayo siya para salubungin ito.

"Sa loob ka na muna.." bilin niya sa kanyang asawa. Naintindihanan naman yata nito ang balak niya, kaya pumasok agad ito sa loob. "Pa, can we talk?" baling niya sa kanyang Papa.

Hindi nagsasalita ang Papa niya, kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita ng nais niyang sabihin rito.

"Inaamin ko, noong una ang Presendential position lang talaga ang hinahangad ko sa kompanya natin, dahil sa pang-sarili kong kagustuhan. Pero no'ng narinig kong kay Dave 'yon mapupunta kung hindi ako magtitino at maging responsable, na-alarma ako, naisip kong ako ang anak niyo pero bakit sa kanya niyo ipapamahala ang pinaghirapan niyo ni Lola? Kaya—"

"Panakot ko lang 'yon sa'yo." Maya-maya pa ay sumagot na rin ito. "Gusto ko lang malaman kong ano ang gagawin mo sakaling takutin kita ng gano'n. At dahil alam kong hindi ka papayag at gagawa ka ng paraan para makuha ang posisyon na 'yon." Napailing ito. "Pero ng malaman kong si Sherri ang mahal mo at ang balak mong pakasalan, gumaan ang pakiramdam ko, for I know that Sherri is a good and responsible woman at baka sakaling kapag naging asawa mo na siya, mahawa ka sa taglay niyang mga 'yon. Kaya hinayaan ko kayo and it did happen ng mapansin ko ang pagbabago sa'yo. Pero bakit niyo naisipang magpanggap?" mas mahinahon na ito ngayon sa pagsasalita.

Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon