"H-HA? Bakit ako?" tanong niya. But that idea made her heart sway in the air, nakaka-overwhelm at siya ang napili nito. Because you are his 'Best friend' at ikaw lang ang makakatulong sa kanya. Anang isang bahagi ng isipan niya. Right! A 'Best friend' to the rescue!
"Dahil ikaw lang ang makakatulong sa akin, please.." pakiusap nito sa kanya, saka siya tumayo at lumuhod sa kanyang harapan. See?
"Bakit hindi na lang si Kaye ang alukin mong pakasal, siya ang mahal mo diba?" pero against naman ang puso niya sa kanyang sinabi. Nagpapakipot ka pa!
"Hindi siya papayag, may pinapangalagaan siyang image at career, at ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon." Pakiusap nito saka ito tumayo at hinawakan ang kanyang dalawang kamay habang siya ay nakaupo sa may swing. Nagsusumamo itong nakatingin sa kanya.
"Pero paano na kayo ni Kaye kapag nagpakasal na tayo?" muntik na siyang mapangiti sa ideyang magpapakasal na nga sila.
"I will deal with that some other time, makuha ko lang ang puwestong 'yon, ipapa-annul ko din agad ang kasal natin. Alam ko rin naman may sarili ka rin namang gusto—"
"What?" biglang parang nanakit ang buo niyang katawan at kaluluwa sa kanyang narinig dito. Pagkatapos raw nitong makuha ang puwestong inaasam nito sa kompanya ng mga ito, ipapa-annul din nito agad ang kanilang kasal. Kaya nga 'Magpapanggap' lang kayo, hindi naman kasi niya sinabing totohanan diba? Pangangaral ng kanyang isipan sa kanya. Para tuloy siyang binagsakan ng malalaking bulalakaw na galing sa outerspace.
"Please.. Please.. Please.." nag-puppy eyes pa ito sa kanya. Nang tumango na siya ay hinalikan siya nito. Para tuloy siyang napaso dito. "I love you so much!" masayang sabi nito. "You're the Best Best friend ever." Anito. Saka siya nito niyakap ng mahigpit.
"Yeah! What are best friends for?" sabi na lang niya. Pero kulang na lang magtatakbo na siya palayo rito at magtago na lang sa isang lugar para umiyak ng umiyak. Ang sakit e! Tumatagos sa kaluluwa ko!
"'PA, 'MA, we have something important to say.." agaw-atensyon ni Ralph sa mga magulang nitong nakaupo sa isang dining table. Nanunuod lang sa mga nagkakasiyahan at nagsasayawang mga bisita nila. Napag-desisyunan na nilang dalawa na sabihin sa mga ito ang tungkol sa pinag-usapan nila.
Napalingon ang mag-asawa sa kanilang kinatatayuan.
"Happy Anniversary nga po pala Tita, Tito." Bati niya saka niya iniabot ang binili nilang French Bordeaux wine ng kaibigan.
"So sweet of you hija," anang Mama nito saka ito humalik sa kanya. Niyakap naman siya ng Papa nito.
"Ano ang gusto mong sabihin?" maya-maya pa ay tanong na ni Tito Wacky sa kaibigan niya.
"I can't marry Chantal!" pauna nito.
"Diba pinag-usapan na natin na kung hindi ka magpapakasal—"
"Because I am in love with Sherri Mae." Kunwaring pagtatapat nito. Seryoso ang mukha nito at animo totoong totoo ang pinagtatapat nito sa mga magulang nito. Kahit hindi totoo ang sinasabi nito, kinikilig pa rin siya, hindi ba niya alam kung bakit ganito na lang maka-OA ang puso niya. Nababaliw na yata talaga siya.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Tito Wacky at napangiti ang Mama nito.
"Really hijo?" tumayo si Tita Alice niya at hinawakan ang kanilang mga kamay ni Ralph. Nakaramdam tuloy siya ng konsensya sa ginagawa nilang magpapanggap nito. Kung bakit hindi niya matanggi-tanggihan ang kanyang kaibigan sa ideya nitong 'yon.
"Yes 'Ma," sagot nito. "We've been in love for so long. Nahihiya lang kaming magtapat sa inyo."
Pakiramdam niya parang totoong-totoo naman ang kanilang eksena. The Best Actor award goes to Raphael Ybañez!
"Ohh., I am so happy to hear that!" kinikilig na sabi ni Tita Alice saka sila niyakap na dalawa. Niyakap rin nila ito.
"How can you prove to me that you are saying the truth? Na hindi lang kayo nagpapanggap para ipaubaya ko ang kompanya sa'yo?" tanong ng Papa nito. Mukhang hindi ito basta-basta magpapaniwala. Mautak at matalino kasi ang Papa nito.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito na animong may gustong ipahiwatig sa kanya. Hindi naman kasi siya maaaring mag-react dahil baka mahalata sila ng mga ito.
LUMAPIT SI Ralph kay Sherri at binulungan niya ito. "Just pretend we're lovers in love, tatanawin kong malaking utang na loob ito sa'yo." Mabilis niyang sabi sa dalaga saka walang paa-paalam na inilapat ang kanyang mga labi sa labi ng kanyang kaibigan.
Narinig niyang napasinghap ang kanyang mga magulang, ngunit kailangan niyang gawin 'yon para mapaniwala ang mga ito, kung hindi ay masasayang lang ang lahat ng kanyang plano. While kissing her, nakaramdam siya ng kung anong init na nanalaytay sa kanyang mga ugat patungo sa kanyang puso, biglang bumilis ang tibok niyon lalo na ng makita niya ang pagpikit ng mga mata ng kanyang kaibigan, he was savoring the sweet taste of her lips. Tama nga siya, this was the sweetest lips ever. Sa lahat ng mga labi na nahalikan na niya sa mga nagdaang mga flings niya, ibang-iba ang labi ng kanyang best friend.
NAGWALA ANG puso ni Sherri sa lakas ng tibok niyon na animong gigibain na ang kanyang ribcage, nanlambot ang tuhod niya, mabuti na lang at nakaalalay ito sa kanya. That was her first kiss at muntik ng sumabog ang puso niya dahil sa dami ng emosyong namuo doon. Mukhang mas nanganganib tuloy ang puso niya dito, baka masaktan lang siya sa huli kung sakaling hindi siya masalo nito sa pagkahulog ng puso niya rito.
Pero sa isang bahagi ng isip niya, kahit masaktan na siya. Ang mahalaga naranasan niyang mahalikan at mahalin nito kahit pagpapanggap lang.
"I'm so happy for both of you!" masayang bati ng Mama nito.
Nakita niyang ngumiti na rin ang Papa nito na animong nakumbensi agad dahil sa halik nito sa kanya. "Kailangang maidaos agad ang inyong kasal sa lalong madaling panahon." Anang Papa niya. Tumango at ngumiti na lang silang dalawa.
ISANG LINGGO na ang nakakaraan simula ng maidaos ang kanilang kasal. Siya na ngayon ang kinikilalang asawa ni Raphael Ybañez. Nagulat ang kanyang mga magulang ng ipagtapat nilang dalawa sa mga ito na ikakasal na sila ni Ralph, pero sa huli ay natuwa rin ang mga ito sa kanila. Kumpleto ang pamilya nilang um-attend sa kanilang kasal, simple lang 'yon pero solemn. Napilit rin niya ang kuya niya na um-attend sa kasal niya. Hindi pa rin nagkakasundo ito at ang kanilang Papa pero masaya siya dahil buo silang pamilya sa pinakamahalagang araw ng buhay niya ang—kasal niya, kahit pagpapanggap lang.
"Dalawin natin si Lola Lorna?" yaya niya sa kanyang best friend na ngayon ay asawa na niya. Ito na rin ang bagong Presidente ng YFG at napunta na sa pinsan nitong si Dave ang dati nitong posisyon.
Naka-one week leave silang dalawa sa trabaho para sa kanilang honeymoon. Imbes na mag-out of the country sila ay naisip nilang bumisita na lang sa Lola niya sa probinsya. Nakilala na rin ng Lola niya ang asawa ng minsan itong dumalaw sa kanilang bahay noon, kaya excited na siyang ibalita sa matanda na sila nito ang nagpakasal, gusto na rin kasi ng matanda si Ralph noong una pa lang at para hindi na rin ito nag-iisip tungkol sa kinabukasan niya.
Oo at nagpapanggap lang sila ni Ralph, but in her heart totoong mahal na kasi niya ito at masaya siyang ipakilala sa kanyang Lola ang lalaking totoong itinitibok ng puso niya.
"Sure." Nakangiting tugon nito. "Tutal gusto ko rin namang makita si Lola Lorna at makalanghap na rin ng sariwang hangin sa probinsya." saka ito tumawa. Napangiti tuloy siya.
Nagpaalam silang mag-asawa sa kani-kanilang pamilya na sa probinsya muna sila magbabakasyon, masayang sumang-ayon naman ang kanilang mga pamilya sa kanilang desisyon.
BINABASA MO ANG
Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)
ChickLitA best friends turns lovers story. <UNEDITED>