1

1.3K 36 0
                                    

"IT'S YOUR turn hijo." Pagbibigay alam ng Mama ni Ralph na si Alice sa kanya.

Kalalabas lang nito galing sa isang private room at nasa bahay sila ng isang manghuhula. Nagpasama noon ang kanyang Mama dahil may important appointment daw ito and he already knew it would be here, but he didn't know na isasali pa talaga siya sa katuwaan nito.

Kagagaling lang niya noon sa kompanyang pinagta-trabahuan niya na pagmamay-ari din ng kanilang pamilya. He is the current Vice President of the Ybañez Finance Group and the future President—kung magseseryoso lang siya kanyang pagta-trabaho.

"What?" nagulat at napakamot siya sa kanyang ulo. Bukod sa hindi siya naniniwala sa hula-hula ay parang napaka-gayish lang kasi ng idea na isang katulad niya ang magpapahula.

"Ano ka ba hijo, katuwaan lang naman." Nakangiting sambit ng Mama niya. Yeah right, kaya lang naman ito nagpapahula ay dahil naaaliw siya sa mga nakakatuwang sinasabi ng manghuhula rito. Pampalipas oras at libangan lang nito.

"But 'Ma, nakaka-gayish naman kasi ng—"

"Magpapahula ka lang gayish na kaagad?" may halong pagtatampo sa tinig nito. "Come on hijo, baka dahil sa hulang 'yon e matulungan ka pang mahanap ang Perfect Match mo."

Napailing siya. Gusto na rin kasi nito na makahanap na siya ng babaeng seseryusuhin niya. Yes, he's a great playboy at nakailang reto na rin ito ng mga babae sa kanya para magtino na siya sa buhay, pero ni isa sa mga 'yon ay wala siyang nagustuhan. Magaganda at puro galing sa may kayang pamilya ang mga babaeng nirireto sa kanya and he tried to date them pero isang beses lang at hindi na naulit, pakiramdam niya kasi ay laging may kulang.

Kaya may expiration rin siya ng mga dini-date na girls dahil hinahanap niya ang babaeng makakapag-paramdam sa kanya ng hinahanap niya na hindi niya matukoy-tukoy kung ano.

"Next time na lang 'Ma," pag-iiwas niya. Akmang maglalakad na siya ng hilain siya nito para papasukin sa kuwartong pinanggalingan nito kanina.

Napabuga siya ng hangin. She's really persistent, may pagka-makulit lang talaga ito minsan pero mabait at napaka-sweet nito, kaya hindi na siya nag-portesta.

"Enjoy! At makinig ka okay?" payo pa nito sa kanya. Napangiti na lang siya at tumango rito bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto.

Pagpasol niya sa kuwarto ay biglang nagtayuan ang kanyang balahibo. The room was decorated with black stuffs. As in black curtains, black table cloth, kahit ang damit ng manghuhula at lipstick nito ay itim, medyo dim din ang gamit na ilaw sa loob. This is so creepy!

"Ava'y guwafu ka nga hijo, gaya ng sinasaveh ng Mama mo!" may pagka-Gloria Arroyo na pananalita nito.

Ngumiti lang siya dito at napalunok ng mariin. She didn't look like a fortune teller, mas mukha pa yata itong mangkukulam sa hitsura nito na kulang na lang ay broom stick at ang tawa nitong 'hihihihi'.

"Okay, magsisimula na tayo." Nagulat pa siya sa walang-pasabing hinawakan nito sa kanyang palad lalo na no'ng biglang umangat ang bolang crystal nito na galing sa ilalim ng mesa nito na nagsisilbing liwanag nilang dalawa.

Kapag nalaman ito ni Oinky, pagtatawanan niya ako! Sa isip niya.

Mukha talagang seryoso ang manghuhula sa pagpa-palm reading nito sa kanya, naka-kunot-noo ito habang inaanalisa ang anumang nakikita nito sa kanyang palad.

"There will be a girl who will make you step outside of yourself." Pauna nito. Wow, sosyal naman ni Ate, nakaka-nosebleed! Tumikhim ito ng mapansin yata siyang napapangiti. "Who can turn you to be a better person. Hmm.. Maganda siya, mabait at magaan ang damdamin mo sa kanya. Kaya once na makita mo na siya, don't you dare let her go. She's your perfect match." Dagdag pa nito.

Yeah right! Who would believe in fortune telling at this generation?! Napangiti siya ng lihim. Ang Mama mo! Sagot ng isang bahagi ng kanyang isipan. Napailing tuloy siya.

Paglabas niya ng kuwartong 'yon ay agad siyang nilapitan ng kanyang Mama ng nakangiti.

"What did she tell?" pang-uusisa nito.

Ngkibit-balikat siya. "She just told me that once I saw the girl who can turn me into a real Prince, I won't let her go." Version niya sa sinabi ng manghuhula sa kanya. Saka siya napabuga ng hangin.

Pagdating nila sa kanilang bahay ay agad na siyang nagtungo sa kanyang kuwarto para magpahinga. Mas napagod pa yata siya sa naging hula sessions nila ng Mama niya kaysa trabaho niya sa kompanya. Nakatulog siya kaagad paghiga pa lang niya sa kanyang malambot na kama.

"RAPHAEL Ybañez! Ako ang Perfect Match mo!" Anang isang babaeng nakahawak sa kanyang mga kamay. Medyo madilim ang lugar kung nasaan sila kaya hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito.

"Sino ka ba?" tanong niya. Habang pilit na inaaninag ang mukha ng babaeng kaharap.

"Ako nga ang Perfect Match mo!" pag-uulit nito saka nito inilawan ang mukha nito sa hawak na flashlight.

Nagulat siya at nanlamig ang kanyang buong katawan ng makita niya ang mukha ng babae na—mukha ng baboy.

Napabangon siya agad sa weird na panaginip na 'yon. Mukhang pati panaginip ay nagiging creepy na din. Nagulat na lang siya ng malingunan niya ang nakangisi at nang-aasar na kaibigan na nakaupo noon sa kanyang tabi.

"Yes! It's really effective!" nakangiting sabi nito.

Napailing siya. So it was Sherri, her best friend since forever—ang salarin sa kanyang masamamang panaginip and that icy feeling awhile ago. Tumayo siya kaagad para tanggalin ang ice cubes na ipinasok nito sa loob ng kanyang damit. Sa twenty-five years of existence, dalawang dekada na nitong ginagawa 'yon sa kanya sa tuwing nahihirapan itong gisingin siya. Yes! She is a certidied luka-luka, parang ito lang ang female version niya.

"Oinky, I told you not to do that anymore. Pwede mo naman akong gisingin ng maayos ah." Reklamo niya. Imbes na mag-sorry pa ito sa kanya ay tumawa pa ito ng nakakaloka.

"Wushuu.. As if tatalab naman ang maayos na pang-gigising sa'yo." Sagot nito.

Well, totoo nga naman, pinaglihi yata kasi siya sa mantika dahil kung makatulog siya—wagas. Kahit ilang alarm clock pa yata ang itabi sa kanya ay hindi siya magigising sa tunog ng mga 'yon, kaya ng natuklasan nito na ice cubes lang ang katapat niya ay madalas na nitong ginagawa 'yon sa kanya.

Minsan nga hindi na siya nag-i-stock ng ice cubes sa kanilang ref pero lagi yata itong may baon. Ngunit kahit may kakulitan man ito ay hindi niya alam kung bakit ni minsan ay hindi niya magawang magalit rito.

Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon