8

575 16 0
                                    

HE FEELS so happy seeing Kaye again after so many years. Mas gumanda ito at talaga namang head turner pa rin. Pero marami na talagang nagbago rito. Lihim siyang napangiti.

"Wow! Naging supermodel ka pala ni Tyra Banks, napaka-unreachable mo na." pamumuri niya rito. Nalaman kasi niya ritong sumali pala ito sa America's next top model.

"Hindi naman, ikaw nga itong mukhang napakalayo na ng narating e." nakangiting sabi nito.

Ngiti pa lang pwede ng pang-asukal sa tamis! He smiled.

"Still struggling," nakangiting sagot niya. "Siguro madaming nanliligaw sa'yo ngayon no?" He was deadly curious.

"Siguro," tumawa ito. "But I just broke up with my boyfriend last week." anito.

Ngali-ngaling sumigaw siya ng Yes sa mismong harapan nito sa labis na tuwa. Wala na itong kasintahan. Yes!

"Ohh!" kunwaring nalungkot naman siya. Nang magsimula ng tumugtog ang musika ay agad niya itong inanyayahang sumayaw. "May I dance with you?" saka inilahad ang kanyang kamay. The surrounding is very romantic, may mga rosas at kandilang lumulutang sa swimming pool.

"Maganda siya, mabait at magaan ang damdamin mo sa kanya." Bigla niyang naalala ang hula ng manghuhula sa kanya dati. Mukhang totoo nga pala talaga ang hula dahil si Kaye ang binabanggit ng manghuhula sa akin! And she's really my Perfect macth!

PANGALAWANG tagay na ni Sherri ng merlot wine sa shot glass, pakiramdam niya ay nahihilo na rin siya noon. Hindi rin kasi siya palainom kaya mabilis siyang tamaan ng pagkalasing.

"Hey Sherri, pwede ba kita isayaw?" Yaya sa kanya ng isa sa mga kaklase nilang lalaki na hindi na niya maalala ang pangalan.

"Oh sure, why not coconut!" saka niya tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

Malapit sa kinaroroonan nina Ralph sila pumwesto ng lalaki, dahilan para mas lalo niyang makita ang dalawa—bagay na bagay talaga ang mga ito. At hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng nainis. Ano ba ang pinuputok ng buchi niya? In love ka na kasi sa Payatot na 'yan! Aminin mo na! Pagkukumbinsi ng isang bahagi ng isip niya. Kinakausap siya ng lalaking kasayaw niya ngunit hindi naman niya maintindihan ang sinasabi nito dahil hindi naman siya nakikinig dito.

"Oo na! In love na ako!" Sigaw niya. Napabitiw pa ang lalaking kasayaw niya sa gulat. Natutop niya agad ang kanyang bunganga dahil naagaw niya ang lahat ng atensyon ng mga kaklase nilang naroon—specially her best friend at ang babaeng kasama nito. Kahit malakas noon ang sound system ay dinig na dinig pa rin ang pagsigaw niya.

Nakita niyang kumalas si Ralph sa babaeng kasayaw nito saka ito lumapit sa kanya, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nahulaan kaya nito na ito ang tinutukoy niya?

"Babes, are you okay? Lasing ka na yata. Ipapasundo na lang—"

"I'm not drunk!" pagtanggi niya. "Dalawang baso pa lang ang naiinom ko e,"

"But you're not a drinker. Excuse me lang 'tol ah," sabi nito sa lalaking kasayaw niya kanina. "Tatawagan ko lang si Manong Junior para sunduin ka." Tinutukoy nito ang driver nito.

"I don't want to go home yet."

"Okay, ako na lang ang mag-uuwi sa'yo." Saka siya nito hinawakan sa braso para alalayan siya pero agad niya ring binawi 'yon.

"Go back to your Kaye," aniya, saka rin siya bumalik sa lalaking kasayaw kanina.

NAWE-WERDUHAN na talaga si Ralph sa inaakto ng best friend niya lately. Parang lagi itong nalilito na ewan na wala sa sarili. Hinila uli niya ito pero nagmatigas ito kaya binuhat na lang niya ito.

"Put me down!" reklamo nito. Nakatingin pa noon ang lahat ng mga kaklase nila sa kanila. Nginitian na lang niya ang mga ito. Saka nagtuloy-tuloy na sa kinapaparadahan ng kotse niya. Nagpaalam lang siya saglit kay Kaye na ihahatid na muna si Sherri saka uli siya babalik.

Minsan na kasi ito nalasing dati at ayaw na niyang maulit pa ang nangyari. She has been hospitalized for a week dahil sa grabeng dehydration nito at lagnat dala ng kalasingan nito. And he can't bear to see her suffer once again.

"Let's go back." Pakiusap nito. Inilalagay niya ang seatbelt nito.

"No! We will go home already."

"I still want to dance." Anito, na inaalis ang seatbelt nito. Mas makulit ito kapag lasing.

"You can continue dancing in your dreams later." Aniya.

Umungot ito na parang bata. "But I don't want yet to go home, saka paano na si Kaye mo?"

"Ihahatid na muna kita, saka na lang ako babalik."

Biglang nag-seryoso ang mukha nito. "You like her that much?"

Tumango lang siya saka nagsimulang paandarin ang kanyang kotse. "She's really beautiful right?"

"Hmm.." 'yon lang ang naisasagot niya. Ang kulit lang kasi.

"Of course! Sino ba namang lalaki ang hindi magkakagusto sa katulad niya, she's a goddess." Puri pa nito. "Kung lalaki din ako, magugustuhan ko din siya!" saka ito humagikgik.

"Yeah. Matulog ka na lang muna, okay?" Nakita niyang tumango na ito. Napabuga siya ng hangin. May katigasan talaga ito ng ulo.

Naalala niya bigla ang nangyari kanina na ipinagtaka niya, may nag-alok sa kaibigan niya para sumayaw at alam niyang tatanggihan nito ang lalaki but to his surprised ay tinanggap nito ang nakalahad na kamay ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit may biglang nag-iba sa kanyang pakiramdam—ng makita niya itong may kasamang ibang lalaking kasayawan. Sanay kasi siyang—siya lang ang kasama nitong lalaki bukod sa Papa, Kuya at mga crews nito sa Restaurant nito.

And thinking that someday na magkakaroon na sila ng sari-sarili nilang pamilya at maghihiwalay na sila ng landas nito, biglang may kung anong kirot ang naramdaman niya sa kailaliman ng kanyang puso. Hindi naman kayo forever na magkakasama niyang Best Friend mo e! bulong ng kanyang isipan.

"OUCH!" sabay sapo ni Sherri sa kanyang ulo. Masyado yatang matapang ang wine na nainom niya kagabi kaya gano'n na lang kasakit ang ulo niya kinabukasan.

Pagbaba niya ay nakita niyang nagbabasa ang Papa niya ng diyaryo at ang Mama niya ay nagluluto. "'Morning ." Bati niya sa dalawa. Saka siya agad na kumuha ng malamig na tubig sa Ref at nagsalin sa kanyang baso.

"Mukhang nalasing ka ng husto kagabi ah," puna ng kanyang Papa.

"I just drunk two shot glasses pero ang lakas makatama sa akin," aniya.

"Here, tubig na may honey. Maganda 'to para sa may hangover." Anang Mama niya.

"Thanks 'Ma."

"Nakow! Kawawa naman si Ralph kagabi, binuhat ka na nga hanggang sa kuwarto mo, sinukahan mo pa!" anang Papa niya.

Natutop niya ang kanyang bibig. Talaga? Nakabalik rin kaya ito sa Reunion Party nila kagabi?

Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon