3

741 24 0
                                    

"KAYA KA Oinky, kasi ang takaw mo!" anito sa kanya.

"Kaya ka Payatot kasi madamot ka!" sagot naman niya.

"What? Ano namang konek?" nagtatakang tanong nito sa kanya. Natawa siya ng lihim. Wala. Para may masabi lang din siya. "Saka anong madamot ka dyan, ikaw kaya ang laging umuubos niyan sa ref ko."

Totoo nga naman kasi, bukod sa ito na ang naging supplier niya ng tsokolate ay kinakain pa niya ang tsokolate nito sa tuwing nagpupunta siya sa bahay nito.

"Ang kalat mo pa, baka malanggam ako niyan." Dagdag pa nito.

"Ayaw mo no'n, ang sweet mo tignan." Pang-aasar niya. Malinis, maayos at mabango kasi lagi ang kuwarto nito.

"Ha-Ha-Ha." Nakakalokong tawa nito sa kanya. Binilatan niya lang ito saka sinimot ang natitirang dalawang piraso ng ferrero sa box. She can eat two to three boxes in an hour. Nakita niyang napailing ang kaibigan niya sa kanya.

NAPAILING si Ralph ng makita niya si Sherri na nakatulog na sa kanyang couch na may hawak-hawak pa ring tsokolate sa isang kamay nito. Marahil ay napagod din ito maghapon sa trabaho nito at sa pamomoblema sa pamilya nito.

Inalis niya ang tsokolateng hawak nito saka pinunasan ang kamay nito. Binuhat niya ito mula sa couch para ilipat sa kanyang kama. Dahan-dahan niya itong inilapag sa kanyang kama saka inalis ang sapatos nito. Hindi na nito nagawang makapagpalit ng damit at nakapagtanggal ng make up nito dahil sa sobrang kapaguran.

Kaya kumuha siya ng basang bimpo at dahan-dahan niyang ipinapahid sa mukha nito, napakaamo at napakaganda ng mukha nito, kahit may kakulitan ito, she's still one of the best person he have ever met. Kahit luka-luka rin ito ay napakabait at napaka-matulungin pa rin nitong kaibigan at anak sa mga magulang nito.

Kinumutan na niya ito at saka hinalikan ang noo nito. Goodnight Oinky!

"OHH!" napapiksi si Ralph ng maramdaman niya ang malamig na bagay sa kanyang likuran. Kahit hindi na siya mag-isip ay alam na niya kung ano 'yon at kung sino ang salarin.

Napaupo siya sa sofa na tinulugan niya kagabi habang inaalis ang ice cubes sa kanyang damit. Napabuga siya ng hangin ng makita niya ang naka-peace sign at nakangiti niyang kaibigan na nakaupo sa armrests ng upuan.

"Bakit na naman ba?" tanong niya saka uli siya humiga sa sofa ng matanggal ang ice cubes. "Wala akong pasok ngayon kaya matutulog pa ako." Imporma niya rito.

"I know!" masiglang sabi nito.

"E bakit mo ako ginising?" tanong niya habang pinipikit na ang kanyang mga mata at muling kinukuha ang kanyang antok.

"Magpapasama kasi ako sa'yo para bumili ng wine para Wedding anniversary ng parents mo." Anito.

Malapit na kasi ang ika-twenty seventh wedding anniversary ng parents niya.

"Next week pa naman 'yon e, kaya saka na lang. Matutulog pa ako e." aniya.

Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "Ngayon ka na nga lang mag-o-off e, baka next time busy ka na—sa mga babae mo." anito.

"Why girls are so persistent?" tanong niya saka siya nagtakip ng unan sa kanyang mukha. Tinatamad talaga siya. All he wanted at the moment is to sleep-sleep and sleep.

"Samahan mo na kasi ako.." paglalambing nito sa kanya. Naramdaman niyang umupo ito sa tabi ng hinihigaan niyang sofa.

"Hindi naman nagpaparegalo sina Mama sa'yo diba? Basta ando'n ka sa party nila, masaya na sila." Aniya. Gustong-gusto kasi ito ng parents niya, minsan nga pakiramdam niya mas anak pa nila ito kaysa sa kanya. Marahil ay dahil nag-iisa siyang anak kaya nawiwili ang mga ito magkaroon ng anak na babae. "Saka may date ako mamayang gabi."

"Sino na naman 'yang ka-date mo? Akala ko ba nakipag-break ka na do'n sa latest?" anito.

Yeah, every week nagpapalit siya ng girlfriends, pero bago pa naman siya nakikipag-fling sa mga ito ay ipinapaalam naman niya na may expiration ang pakikipag-relasyon niya, pero ayon sa mga babaeng nakaka-date niya, ayos lang naman 'yon basta makasama siya.

Pero sinisiguro naman niyang wala siyang masasaktan ang mga babae o kung may masaktan man siya humihingi naman siya ng tawad sa mga ito.

He's still gentleman after all. Bumangon siya at umupo sa sofa, nakita niyang nakaupo na ito sa kanyang kama.

"I think her name is Marrian," What's her name again? "No, Rhian yata." He's not sure. Basta narinig niyang may Ian ito sa dulo.

NATAWA si Sherri sa pinagsasagot ng kanyang kaibigan saka niya ito binato ng unan. "Rude!" aniya.

"What's rude in there?" saka nito ibinato pabalik ang unan sa kanya.

"Ang sama mo! Ni hindi mo man lang alam ang pangalan ng ka-date mo, tapos idini-date mo siya!" naiiling niyang sabi.

Natawa ito. "E sa nakalimutan ko e," anito.

"Tumatanda ka na kasi." Biro niya. Tumirik ang mga mata nito sa kanya.

"Who said?" tanong nito.

"Just kidding" aniya saka siya unti-unting lumalayo rito. She smelled something the way he gazed. Pero bago pa siya makatayo sa kama ay binuhat na siya nito saka siya iniikot-ikot sa ere at ibinagsak sa kama nito. Magyu-UFC Fight na naman sila!

"Joke lang 'yon, ito naman," bawi niya. Habang tawa siya ng tawa.

"Good!" anito. Naramdaman niyang humiga ito sa kanyang tabi habang kapwa sila nakatitig sa ceiling. "I really have a date later, kaya hindi kita masasamahan. This is a matter of future you know," anito.

Napasimangot siya. "Yeah right, collect and select ika-nga." Aniya.

Napansin yata nito na nakasimangot siya kaya hinila siya nito dahilan para mapaunan niya sa dibdib nito habang nakaakbay naman ang isang braso nito sa kanya.

"Huwag ka ng malungkot, sasamahan naman kita e, hindi lang ngayon."

"Hmm, mas importante pa kasi ang mga babaeng 'yon kaysa sa sarili mong bestfriend." kunwaring pagtatampo niya.

"Asus, ang drama na naman. Siyempre, ikaw pa rin ang number one love ko, pero kailangan ko na talagang mahanap si Perfect Macth bago pa ako ipakasal sa sinong babae dyan ni Mama at Papa."

Natawa siya. Gusto na kasi ng mga magulang nito na lumagay na ito sa tahimik na pamumuhay para matapos na ang pagiging babaero nito.

"E kung isumbong kaya kita kay Tito Wacky na ang dami mo pa ring babae? Ano kayang gagawin niya sa'yo?" nakangiting sabi niya na tinutukoy ang Papa nito. May pagka-istrikto at ayaw nito sa mga taong happy-go-lucky na tulad ng kaibigan niya.

May iringan din kasi ito at ang Papa nito. Napaka-carefree at careless kasi nito at hindi gaanong nagseseryoso sa buhay. At kaya lang ito naging Vice President ng YFG dahil na rin sa pakiusap noon ng Lola nito na dating nagmamay-ari ng kompanya na gawin itong Vice bago ito pumanaw.

Hindi nito pinaghirapan ang puwesto nito sa kompanya at gusto ng Papa nito na maging responsible ito at gawin ang bawat tungkulin nito ng tama sa kanilang kompanya.

"You won't do that right?" tanong nito.

Napabuga siya ng hangin saka itinaas ang kanyang mga kamay. "Okay, ako na lang mag-isa ang bibili." Aniya.

Akmang tatayo na siya ay naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang braso. Napangiti siya ng lihim. Mukhang effective na naman ang drama niya sa kaibigan.

Lumingon siya dito at nakita niyang ngumiti na ito. Kaya muli siyang lumapit dito ang pinisil ang magkabilang pisngi nito sa labis na tuwa. Tanda lang kasi na sumuko na ito sa kanya. "Ang cute mo.." puri pa niya saka tinusok-tusok ang magandang dimples nito.

"Alam ko na 'yan.." natatawang sabi nito. "You're always using that drama face of yours." Anito.

Nginitian niya lang ito. "And I love you for that!"

"Yeah, whatever." Anito.

Umuwi na muna siya sa bahay nila para magbihis at off din kasi niya ng araw na 'yon.

Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon