KINABUKASAN na siya umuwi sa bahay ng mga Ybañez. Mas gumaan na ang pakiramdam niya dahil wala na siyang itinatagong lihim sa lahat. Si Ralph na lang ang iniisip niya at ang nalalabi nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Mamaya pa uuwi ng mga ito mula sa ospital, kaya naisipan niyang magluto na lang ng makakain ng mga ito, pagdating ng mga ito. Habang nagluluto siya ay biglang nanumbalik ang masayang alaala nila ng asawa sa Pagudpud, 'yong habang nagluluto siya at taga-hawak ito ng buhok niya.
Biglang nanlabo ang kanyang mga mata at nagbabadya na naman umiyak. And she remembered the scenario yesterday ng yayain siya ng Mama Alice niya na kumain sila ng lunch together, kaya nila pinuntahan ang kanyang asawa sa office nito, pero sa tapat ng opisina nito, narinig nila ang pag-uusap nito at ng isang babae na napagtanto niyang si Kaye.
"Pero nangpapanggap lang kayo diba? And later on, maghihiwalay din kayo. But wait, diba na-turn over na sa'yo ang kompanya niyo? E 'di one of this days, magpa-file ka na ng annulment niyo?" tanong ng babae sa kanyang asawa. Dinig na dinig nila sa labas ng pintuan ang pag-uusap ng mga ito, nabitawan tuloy ng Mama Alice nila ang binili nitong cookies para ipasalubong kay Ralph.
Biglang bumukas ang pinto at tumambad nga sa kanilang harapan si Ralph kasama ng isang magandang babae—na nakilala niyang si Kaye.
Alam pala ng babae ang tungkol sa kanilang pagpapanggap. Marahil ay ikuwenento ni Ralph ang lahat dito para hindi nito sila ma-misunderstood. Tama nga naman, dahil ito ang totoong gusto niya at kaya niya marahil sinabi rito ang lahat ay para mahintay ito ng babae hanggang sa makapag-hiwalay na sila.
Pinunasan niya ang kanyang mga mata dahil nagsimula ng bumagsak ang kanyang mga luha, hanggang sa makarinig siya ng ugong ng sasakyan—marahil ay sila Ralph na 'yon. Kasama niyang sumalubong sa mga ito ang dalawang katulong ng mga ito.
Niyakap siya ng mahigpit ng Mama Alice niya, ngumiti at tumango naman sina Papa Wakz at Ralph sa kanya.
Parang na-miss naman niya tuloy ang mga ito lalo na ang asawa niya. She wanted to hug and kiss him gaya ng dati, pero parang ang awkward na lang kasi kapag ginawa niya 'yon.
"Nagluto po ako ng soup para sa inyo Mama—uhm, Tita.." pagtatama niya.
"Ohh, you're still my daughter in law. Mama pa rin ang itawag mo sa akin." Sabi nito saka nagpagiya sa dining area.
Ipinaghanda niya ang mga ito ng makakain at sumalo na rin siya. They looked okay, marahil ay nagka-ayos na ang mga ito which made her happy, alam niyang nadadaan naman ang lahat sa mabuting pag-uusap. Alam rin niyang walang mga magulang ang hindi natitiis ang sarili nilang mga anak, gaya na lang ng kuya niya. She felt so relieved as she watched Ralph and his parents na in good terms na uli.
NAUNA na siyang nagpunta sa kuwarto nilang mag-asawa pagkatapos nilang kumain. She opened their personal ref at kumuha doon ng isang box ng ferrero chocolate. Ito ang comforter and reliever food niya. Narinig niyang bumukas ang pinto at si Ralph ang pumasok. Umupo ito sa tabi niya at dumukot rin sa box ng isang tsokolate.
"I missed this," anito na tinutukoy ang tsokolate.
Mabuti pa si ferrero na-miss mo, e ako kaya? Pagtatampo niya.
Maya-maya pa ay naramdaman niyang umakbay ito sa kanya at tuluyan na siya nitong niyakap. Mahigpit na mahigpit na parang hindi na siya gustong pakawalan nito.
"Salamat sa lahat." maya-maya pa ay ibinulong nito sa kanya.
Pinigil niyang huwag umiyak ng mga sandaling 'yon, kaya tumango lang siya dahil baka kapag nagsalita siya ay ipagkanulo na siya ng sarili niyang bibig.
"I am so lucky to have you as my best friend," muli pang sabi nito.
Hanggang Best friend na lang ba talaga ako sa'yo?
"I know you have your own life, kaya kung gusto mo maging malaya, we'll do it."
Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo. Paano kung sabihin kong tayo na lang hanggang sa kabilang buhay, gugustuhin mo ba akong makasama?
"Okay na kami ni Papa at ni Mama," pagkukuwento nito sa marahil nangyari sa mga ito kagabi ng pinauna na siyang umuwi para makapagpahinga na rin siya.
"T-That's good." 'yon lang ang kaya niyang sabihin.
"Hmm," naramdaman niyang tumango ito. "Thanks for letting me realized na kaya ko pala talagang tumino at magbago."
Kumalas siya sa yakap nito at pinakatitigan ito. "Kaya mo naman talaga Ralph," aniya. Parang nakakapanibago lang tawagin ito sa totoong pangalan nito. "Hindi ka lang nagseseryoso. But I am so happy that you stepped outside your comfort zone. Ngayon, mas kaya mo ng patunayan sa mga magulang mo at sa lahat na hindi ka lang puro pa-cute, na may ibubuga ka rin at—"
Natigil siya sa pagsasalita ng bigla siyang gawaran nito ng magaan at mabilis na halik sa kanyang mga labi.
"Thank you for believing in me," anito.
So, that was only a 'Thank you kiss?'
BINABASA MO ANG
Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)
ЧиклитA best friends turns lovers story. <UNEDITED>