14

607 13 0
                                    

KAHIT ILANG beses ipaalala ni Ralph sa kanyang sarili na huwag ng halikan si Sherri dahil Best friend niya ito at hindi ito pangkaraniwang babae na tulad sa mga naging flings niya ay talagang hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Hindi tuloy siya nakatulog ng maayos kagabi kakaisip ng halik na pinagsaluhan nila nito.

Nasa terrace siya noon at nakatanaw lang sa dagat sa may 'di kalayuan. Napakabango ng amoy ng hangin na nagmumula sa karagatan tuwing umaga, dagdag pa ang mala-musikang huni ng mga ibon sa kapaligiran. Malayong-malayo sa lungsod na punong-puno ng air at noise pollution.

How he wished na sana kapag nagkaroon siya ng pamilya ay sa ganitong paraiso sila manirahan, malayo sa ingay at polusyon. E 'di huwag mo ng pakawalan si Sherri at dito na lang kayo manirahan habang buhay! Suhestyon ng kanyang isipan. Bago pa siya makaisip ng isasagot doon ay nakita na niyang bumangon na ang kanyang asawa ang nagtungo na sa banyo para marahil ay mag-sepilyo at maligo na.

Paglabas nito ay nadatnan siya nitong nakaupo sa couch at nanunuod ng TV.

"Good morning." Nakangiting bati nito.

Gumanti rin siya ng ngiti dito. "'Morning."

"Anong gusto mong breakfast?" tanong nito sa kanya.

"Hmmm.. Parang gusto ko ng Spaghetti na luto mo," nakangiting sabi niya. Masarap kasi talaga ang luto nito, kung hindi lang ito ang Manager ng Lutong Bahay, malamang ay isa na itong sikat na Chef sa buong mundo. Napangiti siya, gano'n lang kasi siya ka-proud dito. At masaya siyang isipin na bukod sa Papa at Kuya nito, siya pa lang ang lalaking nakakatikim ng araw-araw ng luto nito.

Parang gusto tuloy niya habang buhay na lang niyang natitikman ang mga luto nito. He can't live without her—luto, smile, her presence and her kisses. 'Gone crazy dre!

"Sige," anito.

"Samahan na kita magluto," aniya.

Tumaas ang kilay nito sa kanya na animong nagtataka. Hindi talaga kasi siya tumutulong sa anumang gawaing bahay, isa 'yon sa kinaiinisan niya—but with Sherri na kasama niyang gagawa, parang natuwa at na-excite siya.

Tumango siya at ngumiti dito. "Let's go!" saka niya ito inakbayan para igiya sa kusina at magluto.

Habang nagluluto ito ng sauce para sa spaghetti ay panay ang hawi nito sa buhok nito, kaya tumayo siya sa likod nito at hinawakan na lang ang may kahabaan nitong buhok, narinig niyang tumawa ito dahil bukod sa taga-abot siya ng mga sasabihin nito ay taga-hawak pa siya ng buhok nito. Atleast useful! He smiled

Nang matapos na sila ay sabay na silang kumain, nagpaalam ang Lola Lorna nila na may pupuntahan lang daw ito saglit kasama ang kanyang Tita at si Jiro kaya sila lang dalawa, nag-off din kasi ang katulong ng mga ito ng araw na 'yon. Sa isang malaking plato na lang silang dalawa nag-share ng spaghetti.

AKMANG susubo na si Sherri ay nakita niyang kumuha ng isang pasta string si Ralph na hindi pa nahaluan ng pasta sauce, napangiti siya dahil alam na niya ang binabalak nito—just like the old times.

"Hold this." Anito saka nito ibinigay ang isang dulo ng pasta string sa kanya at hawak din nito ang kabila. "Game na." anito. Saka nila magkasabay na isinubo ang bawat dulo ng pasta, madalas na nilang nilalaro 'yon no'ng mga bata pa sila, saka nila susukatin kung gaano kaliit ang matitira bago magkalapit ng husto ang kanilang mga mukha o maglapat ang kanilang mga labi.

Ang kaibaan lang ng larong 'yon ngayon, mas aware na kasi ang puso niya sa nararamdaman nito kay Ralph, hindi tulad ng dati na walang malisya lahat. Akmang puputulin na niya dahil malapit ng magkadikit ang kanilang mga labi ay kinabig nito ang kanyang ulo, dahilan para muli na namang maglapat ang kanilang mga labi.

"Yes!" masayang sigaw nito. "Look, wala tayong natira ngayon!" anito.

So the kissed was nothing. Gustuhin man niyang batukan ito—ay itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pagkain niya ng spaghetti.

BALIK TRABAHO na silang mag-asawa after a week of long vacation. They had a great time together, kahit gusto pa nilang manatili doon ng mas matagal, hindi pwede dahil may kanya-kanya pa rin naman silang trabaho. Lalo na si Ralph dahil ito na ang bagong President ng Ybañez Finance Group at siya naman ay kailangan ng kanyang Restaurant.

Pagkatapos niya sa kanyang trabaho ay nagpaalam siya sa kanyang asawa na uuwi na muna siya sa bahay nila, isang linggo na din niya hindi nakikita ang kanyang mga magulang pati na ang kanyang kapatid. Natigil siya sa pagpasok sa kanilang bahay ng marinig niya ang sigaw ng kanyang Papa.

"Then get out of this house!"

"Aalis na talaga ako sa bahay na'to! You can't force me to work in that boring place!" narinig niyang sigaw ng Kuya Seph niya.

"Seph! Don't talk to your Papa like that!" narinig niyang sabi ng Mama niya. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Naabutan niya ang mga ito sa sala.

"'PA, ilang taon niyo na ba akong pinipilit na magtrabaho sa boring na restaurant niyo na 'yan? Hindi pa ba sapat ang ilang beses ko na ring pangtanggi sa inyo bago tumamatak sa isip niyo na ayaw ko talaga!" anito.

Biglang itinaas ng kanyang Papa ang kanang kamay nito at malakas na sinampal ang pisngi ng kanyang kapatid.

Bigla siyang nakaramdam ng takot. Hindi nananakit ang Papa niya dahil sa totoo lang ay sa tinagal-tagal niyang kilala ito, ngayon niya lang ito nakitang nanampal. May pagka-istrikto din at may dignidad ang pananalita nito, pero mabait ito.

Parang gusto tuloy niyang umiyak ng mga sandaling 'yon, hindi kasi ganito ang kinamulatan niyang pamilya. They were a happy family, tawanan at halakhakan ang pumupuno sa kanilang bahay, until dumating 'yong time na katulad nito.

Nang tumanggi ang Kuya niya sa responsibilidad nito sa Restaurant—ay sinalo niya ito, she wanted to be a Chef as in pinangarap niya mula pagkabata palang, pero dahil sa pagiging pasaway ng kuya niya, siya na muna ang umalalay rito. Pero dahil nagkaka-branch na ang kanilang Restaurant, muling pinakiusapan ang kuya niya pero sadyang mahirap lang talaga itong kausap. At minsan gusto na rin niya itong pagalitan, she respected him so much pero sa ipinapakita nito sa mga magulang nila—sumusobra naman na yata ito.

Nakita niyang nagmamadaling lumabas ito sa bahay nila, nakasalubong siya ngunit ni hindi man lang siya pinansin nito. She tried before na kausapin na ito at alamin kung bakit ito nagkaka-gano'n, pero nahihirapan siyang i-reach out ito, pakiramdam niya wala na ang Kuya Seph na dating naging close niya.

Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon