4

690 18 0
                                    

"ANO PA BA ang wala sa mga wine collections nina tito?" tanong niya. Nasa winery section sila ng grocery store sa isang Mall ng mga sandaling 'yon. Mahilig kasi ang mga magulang nitong mangolekta ng mga imported wines.

"I-kiss mo na lang kaya sila, alam mo naman kahit presensiya mo lang sapat na e." sagot nito.

Tinampal niya ang braso nito. "Alam ko na 'yon, pero gusto ko naman silang bigyan ng material na regalo."

"Kahit ano na lang kasi, hindi naman sila maaarte—"
"Raphael?" naputol ang sasabihin nito ng isang babaeng maputi at may katangkaran ang lumapit sa kanila.

"Yes?" tanong ni Ralph sa babae.

"It's me Lucy," pagpapaalala nito sa pangalan nito dahil mukhang hindi natatandaan ng kaibigan niya ang pangalan ng babae.

Napailing siya. Malala talaga ang isang 'to!

"Oh yeah, Lucy. Hi!" bati nito.

Dumukwang ang babae sa harap ng kaibigan saka ito nakipag-beso rito. Nang mapansin yata nito ang kanyang presensiya ay tinaasan siya ng kilay nito. "Who is she?" tanong nito.

"Uy 'yatot huwag mong sabihing hindi mo kilala kung sino ang babaeng 'yan ah." Bulong niya sa kaibigan.

Ngumiti ang binata sa kaharap na babae saka rin ito lumapit sa kanya. "I really don't know her, baka naman admirer ko," sagot nito.

"My gosh, you're really impossible! Kausapin mo na 'yan dahil mukhang kanina pa ako gustong kainin 'yan ng buhay." Biro niya.

Akmang iiwanan na niya ang kaibigan ay hinawakan siya nito sa kanyang kamay. "Help me!" bulong nito.

Alam na niya ang ibig sabihin nito. He always do that! Magpapatulong uli ito sa kanya para dispatyahin ang babae nito. Sa tuwing may nangungulit o umaaligid kasi dito ay lagi siyang to the reacue para magpanggap na kasintahan nito para layuan ito agad ng mga babae.

"She's my girlfriend Sherri." Pagpapakilala ni Ralph sa kanya.

Napabuga siya ng hangin. Kitang-kita niya kung gaano kumunot ang noo ng babae ng pagkasabi nitong girlfriend siya. Huwag lang magkakamaling saktan ako ng babaeng 'to. Aniya sa isip. Baka ma-uppercut niya ito bigla. Masayang lang ang porma nito.

"Oh, she's cute." Puri nito. Pero alam naman niyang labas sa ilong ang pamumuri nito sa kanya. "Then see you again maybe next time?"

Tumango lang ito at ngumiti sa babae. Nang makaalis na ang babae ay naring niyang bumuntong hininga ito.

"You're really something!"

"I really don't know her! Ngayon ko nga lang nakita ang babaeng 'yon e." anito.

"Hay naku, baka umiral na naman ang pagkaulyanin mo."

"Sa pangalan lang ako mahina makaalala, but I know who are the girls I'm dating." Anito.

"Raphael Ybañez! Tell me na hindi siya ang babaeng ipinalit mo sa akin!" isang babae uli ang nalingunan nila na mukhang nagsisimula ng mag-hysterical sa hitsura nito. Mukhang nanganganib yata siya mula sa mga naging girlfriends nito.

"Litton!" gulat na sambit nito sa babae.

"It's Cheska! At sabihin mong hindi totoo ang narinig ko kaninang siya ang ipinalit mo sa akin!" anito.

NASAPO ni Ralph ang kanyang noo. She remember this girl of course, pero ang alam niya ay nag-usap na sila nito na one week lang ang maaari niyang ibigay na panahon dito at kung hindi siya nagkakamali ay pumayag ang babae basta makasama siya. And what the heck is she saying? Samantalang matagal ng tapos ang one week sa kanila nito.

"'Yatot, mukhang nanganganib ang buhay ko dito ah.." Bulong sa kanya ni Sherri.

"Akong bahala sa'yo." Bulong din niya rito. Saka hinarap ang babae. "Okay Cheska, we're over at napag-usapan na natin 'to hindi ba?"

Kumunot ang noo ng babae. "I don't remember breaking up with you," anito.

Napabuga siya ng hangin. "Cheska—"

Humakbang ito palapit sa kaibigan niya, bago pa dumako ang kamay nito sa mukha ni Sherri ay humarang na siya dito dahilan para siya ang masampal nito.

Agad na hinawakan ng babae ang nasampal niyang mukha saka ito agad na humingi ng tawad. "It's okay." Malamig niyang sagot.

"But I love—"

"We're through," saka niya hinila paalis doon ang kaibigan. Napabuga siya ng hangin. Hindi siya makapaniwala na nagiging bayolente rin pala ang mga babae kung patungkol na sa lalaking gusto ng mga ito.

Habang naglalakad sila ay walang kibo si Sherri, kaya lumingon siya rito.

"Oinky, what's the problem?"

"Tsk.." Umiling ito. "I think, kailangan mo na talagang lumugar sa tahimik."

Napabuntong-hininga siya. "Kaya nga nakikipag-date diba?" aniya.

Bumuntong-hininga at sumeryoso ang mukha nito. "Eh kung tayo na lang kaya?" suhestyon nito.

Muntik na siyang mapatid sa sarili niyang mga paa sa narinig niyang sinabi nito. "What?"

SHE almost burst out laughing. He looks so serious. Nagbibiro lang naman siya pero halos mamutla ito sa narinig nitong sinabi niya.

"Hey, I was just joking. Huminga ka na.." saka uli siya tumawa.

Nakita niyang napabuga ito ng hangin. "That's ridiculous! You're really naughty!" natatawa na ring sabi nito.

"But you almost believe in it." Natatawang sabi niya.

"Of course not! Paanong magiging tayo? E hindi ka naman babae!" biro nito.

"Tama! At hindi ka rin naman lalaki no, eww!" biro din niya saka sila sabay na nagkatawanan.

GABI NA NG makarating sila sa bahay nina Ralph. Maaga pa naman kaya naisipan niyang doon na muna manatili.

"Napagod ako," ani Ralph. Saka ito nahiga sa kama nito.

"Ako rin.." aniya. Saka siya tumabi dito.

Nagulat siya ng bigla na lang tumunog ang cell phone nito, niyugyog niya ito ng wala pa yatang balak na sagutin ang tawag nito. "Your phone is ringing!" pagbibigay-alam niya.

"Yeah I know." Tugon nito. Saka sinagot ang tawag nito. "Hello?"

Nagulat siya ng biglang bumangon ito—pati tuloy siya ay napabangon din. "Okay, thanks for the info bro." saka nito pinatay ang cell phone. Nakangiting humarap ito sa kanya. "I guess malapit ko ng makita ang perfect macth ko!" anito.

"What?"

"Kaye Torres is already here, umuwi na siya from America!" masayang balita nito. Tinutukoy ang long time crush nito no'ng High School. Mahinhin, sweet at napaka-ganda nito. Liligawan na sana nito ang babae noon kaso naudlot dahil nag-migrate na ito kasama ng pamilya nito sa America.

"Good for you!" wala gana niyang sagot.

"Hey, be happy for your best friend." Saka siya nito inakbayan.

"I am.." saka siya ngumiti rito.

"Ahhh.. I'm damn excited!" Niyakap siya nito ng mahigpit. Kumalas din agad ito then he cupped her face at pinaulanan siya nito ng halik sa buong mukha niya and—he almost kissed her—on the lips.

Blame it on the Gravity (Published under LIB-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon